CHAPTER 37

938 28 1
                                    


Iva's POV;

Nakatitig lang ako sa kaharap ko ngayon. Nakita ko kung paano nag-aalala ang mga mata nito na mistula sa akin lamang nakatingin.

Hindi ko alam kung ano ba trip sa akin ni tandahan at pati ba naman itong si Kenneth ay dinamay niya ngayon sa sitwasyon. Parang tuloy dumobli ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil halos pareho lang sila ni Liam na ginawa. Pareho nila akong dinurog sa huli.

"A-anong ginagawa mo rito?", ang paos na boses kong tanong at pasimpleng pinunasan ang mukha dahil baka sakaling may mga luha pa. Baka ano pa isipin nito at lumala pa ang sitwasyon.

"Naglalakad ako pauwi at sakto nakita kita rito. Bakit nagpapaulan ka? Baka magkasakit ka n'yan.", ang nag-aalalang tanong niya.

Para naman akong na-touch sa sinabi niya pero hindi parin iyon sapat para maging okay ako.

Nagulat nalang ako nang isuot sa 'kin ni Kenneth ang kaniyang suot-suot na malaking jacket.

Tinignan ko siya.

"Anong ginagawa mo?", ang tanong ko.

"Alam kong nilalamig ka. Basang-basa ka, oh. Sa'yo muna 'yan.", ang nakangiting sagot naman niya sa 'kin.

Ngumiti ako sa kaniya ng kunti.

"Salamat."

"Saan ka ba pupunta? Halatang nagmamadali ka at nakalimutang magdala ng payong."

Napatingin ulit ako sa kaniya.

Sasabihin ko ba? . . . Ayst, bakit ko naman sasabihin? Hindi naman na kami close nito, tsk.

"A-ah, uuwi na ako sa amin. Umalis na ako sa tinutuluyan ko dito. Wala naman akong mahanap na trabaho dito kaya naisip ko na bumalik nalang sa amin.", ang pagsisinungaling ko. Tumango naman si Kenneth at mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong pa.

Nagtaka naman ako nang mapansin ko na nakatitig lang siya sa 'kin.

"Bogo shipeo.", ang bulong niya at ngumiti.

Napakunot ang noo ko.

"Ha? Ano? Bogo? Ako bogo? Sapakin kaya kita dyan. Mas bobo ka kaya kesa sa 'kin, nuh."

Kaurat 'to. 'Di porket teacher siya, ginaganiyan niya na ako? Naalala ko pa nga pati siya kumukopya sa kaklase namin e, tsk.

Tumawa siya.

"Hindi."

"E, ano?"

"Search mo."

Napa-face palm ako.

"Loadan mo 'ko."

"Aw. Kung gan'on, secret nalang 'yon."

Napa-ikot ako ng mata. Kuripot.

"Sige lang. Mahilig naman kayo magtago ng sikreto, e.", ang nauurat kong sabi.

Tsk. Sana madama niya.

Kainis naman kasi ba. Bakit ba kasi ito sumusulpot bigla. Lagi akong hindi prepare kapag nakikita ko siya, e.

Tinignan ko uli si Kenneth at nakatitig parin siya sa 'kin. Sinampal ko naman siya.

"Aray! Ano 'yon?", ang nakangiwing reklamo niya habang hinihimas ang kaniyang pisngi.

"Bakit nakatitig ka d'yan? Gusto mo kunin ko 'yang mata mo?!" ang reklamo ko naman pabalik. Minsan talaga, kinikilabutan ako sa lalaking 'to.

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now