Iva's POV;
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako pinapansin ni Liam. Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyari sa lalaking iyon.
Kanina kung makapagsagutan siya kay Troy akala mo nasa asianovela kami tapos ako 'yong pinag-aagawan nila , eyiie kay sarap isipin.
Pero ewan ko ba kay Liam, nag-iba agad ang mood ng lalaking 'yon. Parang siya pa tuloy ang magkakaroon ng regla kaysa sa akin, kainis.
.
Pagkatapos namin magbungguan ni Brix sa pagto-toothbrush ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Hindi ko nga alam kung nag-toothbrush ba 'yong si Liam, e kanina ko pa siya hindi nakikita simula n'ong pagkatapos naming kumain, hay.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay nakita ko agad si Liam at busy siya sa pagta-type sa kaniyang laptop.
Nag-'tsk' lang ako bago siya binlean (bleh) at tinapon ang sarili sa kama.
Kainis talaga siya. Ayon na e, kinilig na talaga ako tapos ganito 'yong ipapakita niya sa 'kin pagkatapos? Aba, hindi ko siya maintindihan.
Sinarapan ko pa ang luto ko para sa kaniya tapos wala man lang siyang kare-reaction pagkatikim niya sa niluto ko, kaurat.
Nauurat talaga ako, tsk! Kaurat talaga siya, ayst!
KAINIS SIYA, AH!!!
Tinignan ko si Liam at seryoso parin siyang nagtatype.
"Kailan ka ba matatapos d'yan? Day off mo ngayon, 'diba. Dapat nagpapahinga ka.", ang sabi ko habang ang mata ko ay nakatingin parin sa kaniya.
Agad naman ako umiwas ng tingin nang tignan niya ako pabalik.
Kainis, hindi ako naalert d'on, ah. Nahuli niya tuloy ako na nakatingin sa kaniya.
"Tinawagan ako ng secretary ko about sa business presentation para bukas. Once na matapos ko 'to, magpapahinga n-"
"Sinong secretary? Lalaki o babae?"
Hindi ko na siya pinatapos pa.
Bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba pagkasabi niya ng secretary.
Kadalasan kasi na babae ang mga secretary, base nalang sa boss 'yon kung gusto nila ng lalaki pero babae talaga ang nakikita ko sa mga drama at movies.
Tinatanong niyo ba kung bakit ko tinanong? Wala lang, gusto ko lang malaman. . .basta iba pakiramdam ko, e.
Napansin ko naman na tumigil siya sa pagta-type.
Tinignan ko siya na may pagtataka sa aking mukha.
"Babae.", ang mahina pero may halong lalim na tono ang boses niya. Bumalik uli siya sa pagta-type.
"Okay.", ang tanging naisagot ko lang bago dahan-dahang tumingin sa kisame.
Huminga ako ng malalim bago ito dahan-dahang ibinuga.
Hindi ko alam. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Kinutuban ako bigla. Parang sumikip ang dibdib ko na hindi ko alam kung bakit.
"Are you okay, Iva?"
Natigilan ako nang magsalita si Liam. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Hay, imbis na matuwa ako parang nadagdagan pa tuloy 'yong bigat na nararamdaman ko ngayon.
Napakagat ako sa loob ng labi ko.
Ayoko man isipin pero
Parang may tinatago talaga siya sa 'kin.
"Iva, are you okay?"
"Ha? Uhm, oo okay lang ako.", ang agaran kong sagot nang makabalik ako sa realidad.
Ngumiti siya bago ibinalik ang tuon sa laptop. Nakatingin lang ako sa kaniya.
Siguro nga ay mali ako. Mali ang iniisip ko na may tinatago siya sa akin dahil sa simula palang ay lagi akong mali sa tuwing iniisip ko na nagsisinungaling siya sa akin.
Hay, baliw na nga ata ako. Kailangan ko na ata magpacheck-up sa doctor.
"Ang tagal narin n'ong natikman ko ang luto mo. . . ang sarap.", ang narinig ko sa kalagitnaan ng aking pag-iisip.
Para namang luminaw ang pandinig ko sa sinabi niya. Para bang nagsitanggalan ang mga tutuli ko na mag-iisang linggo ng nakatambay sa loob ng tenga ko.
Umupo ako bago tuluyang humarap sa kaniya.
Ngumiti ako na para bang nagyayabang.
"Hah! Ako pa ba? Syempre, masarap talaga luto ko. Professional kaya 'to.", ang proud na proud ko na sabi sa kaniya habang nakaturo ang hinlalaki ko sa 'kin.
"Kaya ikaw Liam, maging proud ka dahil ako ang naging asawa mo!", ang sunod kong sabi sabay tumawa ng malakas.
Ang totoo niyan ay biro ko lang 'yon. Madami namang babae d'yan na magaling magluto kaysa sa 'kin, e. Naswertehan lang talaga ako na ako ang pinili niyang pakasalan.
Napatigil naman ako sa kakatawa nang makita ko siyang tumawa ng mahina at ngumiti.
"Yeah, I'm lucky.", tumingin siya sa 'kin at kinindatan ako.
Agad namang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
Fut*pete, hindi ko inasahan 'yon ah.
Biro lang 'yon. TALAGA, BIRO LANG DAPAT 'YON!!!
PERO BAKIT NIYA SINERYOSOOO??!!!! KINILIG TULOY AKO FUTCHA!!!!
Bago pa ma-process sa utak ko ang lahat na nangyari ay binato ako ni Liam ng unan na kinabalik ko sa ulirat.
"Nakatulala ka na naman, kinilig ka siguro nuh?", ang sabi niya sabay ngumisi ng nakakaloko.
Lalo namang namula ang pisngi ko.
"As if ! Kilig ka d'yan, hindi nuh! Ganiyan ba way mo magpakilig? Mukha kang timang! Tang*na mo!", at tinapon ko sa kaniya pabalik ang unan pero sa ibang direksyon ito napadpad.
Parang tanga naman kasi nito. Finifeel ko pa 'yong sinabi niya, e tapos tatapusin niya ng gan'on-gan'on lang? Kabwisit.
Narinig ko naman siyang tumawa.
Hah! 'Kala niya madadala ako sa tawa niya? Hindi!
.
.
.
Okay, ang gwapo niya. Aarrgh!"Kainis ka. Masyado mo na akong binubully. Isusumbong na talaga kita kay mama, akala mo ah.", ang pagtatampo ko sa kaniya sabay cross arm at simangot.
Napatingin naman agad ako sa kaniya nang i-close niya ang laptop. Tumayo siya at kinuha ang unan na tinapon ko ngayon-ngayon lang.
Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumabi siya sa 'kin.
Tumaas ang kilay ko nang humarap siya sa 'kin, sign na sabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin.
Nakatingin lang siya sa 'kin at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Ano bang gagawin ko? Bakit kasi nakatingin 'to siya sa 'kin?
Ang hirap kaya magpigil ng hininga baka kasi kapag pinakawalan ko, halikan ko nalang 'to siya bigla.
"May sasabihin ako sa 'yo, Iva.", ang bulong niya.
Tinaas ko uli ang dalawa kong kilay, simbolo na ituloy niya.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili kong pakasalan."
Napalunok ako bigla.
Hindi ko alam pero pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko.
"But when I first saw you crying in front of a guy."
Nakatitig lang ako sa kaniya at para na akong matutunaw sa titig niya sa 'kin.
"Agad ko nasabi sa sarili ko na."
Ngumiti siya.
"You deserve someone better."