Iva's POV;
Lumayo siya sa 'kin na may pagtataka sa kaniyang mukha.
"May girlfriend ka, 'diba. Kaya dapat hindi mo na ito ginagawa. Iwasan mo na ang pakikipag-s*x sa 'kin, okay?", ang pag-iintindi ko sa kaniya.
Ganoon parin ang expression niya.
"Ganoon na ba ka-importante sa 'yo ang pagkakaroon ko ng girlfriend?", ang sabi niya at kumamot sa ulo.
"Oo! Importante 'yon!", ang sigaw ko sa kaniya.
"Nakakahiya sa girlfriend mo kapag gumawa tayo ng hindi dapat at maaari ito makakasira ng isang relasyon.", ang pag-eexplain ko. Ginaya ko ang ngiti ni Kuya Kim para mas feel niya.Ngumiti siya at umiling. Umupo siya sa harap ko.
Napalunok naman ako dahil hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.
Ano ba yan. Ang awkward nito, feeling ko maiihi ako.
Tahimik lang kami hanggang sa binasag niya ito.
"Nagseselos ka ba?"
"Oo, sobra!"
Napatigil ako at napatingin na sa kaniya.
Ngayon ay nagkatitigan na kaming dalawa.
Agad kumabog ang puso ko.
"Hindi! Mali! T-tama! Hindi!!! Hala!", ang taranta at paiba-iba kong sagot.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon. Para na akong maiistroke ng wala sa oras.
Hindi ako agad nakagalaw. Gulat na gulat ako. Para akong kinuryete ng isang electric eel.
Dahan-dahan namang umangat ang gilid ng labi niya at itinuro ako.
"Nagse...selos ka?", ang sabi niya sa nang-aasar na may halong gulat na tono.
Napatakip ako sa aking mukha.
Namumula na ako ngayon, bwiset.
"Hindi nga sabe, eh! Mali ako ng dinig!", sigaw ko bago siya tinulak para 'di niya tuluyang makita na namumula ako.
Nagreklamo naman siya nang muntikan siyang mahulog sa kama.
"Kung ang ikinagagalit mo ay ang pagkakaroon ko ng girlfriend at sinabi mo na rin na nagseselos ka, ibigsabihin n'on ay may gusto ka sa 'kin.", ang sabi niya nang makabalik siya sa pwesto niya.
"Utot mo! Wala akong sinabing nagseselos ako. As if naman magkakagusto ako sa 'yo. Its a big NO, halerrr."
Napakagat ako sa aking labi.
Napakasinungaling ko.
Ayoko ko kasing masaktan mga bes kaya mas-okay na itago nalang ang aking totoong nararamdaman.
*insert maala-ala song* Yay, ang creepy.
"Ang gulo mo."
"Magulo na kung magulo, wala kang pake. Hmph"
Umiling siya at humiga.
"Iniisip mo talaga na girlfriend ko 'yong kausap ko kanina?", ang sabi niya habang nakapikit.
Tumingin ako sa kaniya at tumango ng mabilis.
Tumawa naman siya.
"Mali ka. Lola ko 'yon. Girlfriend lang ba ang pwede sabihan ng 'I love you'?", ang sabi niya bago tumingin sa 'kin.Nakatulala lang ako sa kaniya.
Parang gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin niya iyon. Parang nagsitanggalan ang mga karayom sa puso ko na kanina ko pa nararamdaman.