CHAPTER 51

857 24 0
                                    

Iva's POV;

Nandito kami ngayon sa jollibee. Kumakain itong dalawa habang ako naman ay iniikot ang tinidor sa spaghetti na hindi ko pa kinakain. Nagulat talaga kasi ako sa sinabi ni Maxine kanina.

"So, magsisimula na tayo." Agad naman ako napakurap nang ilapag ni Angel ang baso. Tumango lang ako.

"Pasensya na teh kung wala kami sa tabi mo kanina habang nag-uusap kayo ng babaeng 'yon. Nagtaka kasi kami kung anong nangyayari at kung sino siya kaya mas pinili namin na panoorin muna kayo." Ang pagsisimula ni Angel. Hindi ko siya sinagot bagkus nakatingin lang ako sa spaghetti.

"At sa tingin namin ay kailangan ata naming iintindi sa iyo ang problema." Ang seryosong sabi naman ni Tricia.

"Wala namang problema, e. Okay lang ako."

"At sa tingin mo, hindi problema 'yong kanina? Ne, hindi ka nga makapagsalita sa sinabi nung babae or slash ex ni Liam." Natigilan si Tricia sa pagkuha ng fries at tumingin sa akin.

Hindi naman ako makasagot. Bumuntong hininga siya.

"Alam namin na nasasaktan ka pero naiisip mo ba kung nasasaktan din ba si Liam? Baka nga mas malala pa 'yong nangyayari sa kaniya ngayon kesa sa 'yo, e." Hindi parin ako nagsasalita at hinahayaan lang sila.

"Hindi naman sa nanghihimasok kami sa privacy niyo pero mukhang kailangan mo ng magising, Iva." Napakagat ako sa aking labi nang magsalita si Angel.

"Alam namin na ganito rin ang nangyari sa pamilya mo. Natuklasan mo lahat, nakita mo. Pero iba-iba ang lahat ng tao, Iva. Iba si Liam sa papa mo. Kung ang papa mo paulit-ulit sinasaktan ang mama mo pwes hindi ganoon si Liam."

Tumingin ako kay Angel.
"Paano mo naman nasabi? Alam niyo ba? Saglit niyo lang naman nakasama si Liam pero kung makapagtanggol kayo sa kaniya wagas." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko na silang sinagot ng pabalang.

Nagpapitik ng dila si Tricia.
"Sa tingin mo ba, ginawa ng papa mo ang ginagawa ni Liam ngayon? Maswerte ka Iva at may nahanap ka ng ganoong klaseng lalaki." Natahimik ako sa sinabi ni Tricia.

Totoo ang sinabi nila . Dahil sa pamilya ko kaya nawawalan na ako ng tiwala pa ulit sa iba. Pinapangako  ko kasi sa sarili ko na kapag nasaktan ako hindi ko na hahayaan ang taong iyon na lumapit pa uli sa akin. Dala-dala ko parin ang mga katagang iyon sa isipan ko hanggang ngayon kaya hindi rin ako masisisi ng mga kaibigan ko. Nakita nila ako paano umiyak dahil sinaktan ako ni papa, nakita nila ang mga pasa at sugat ko sa tuwing pinagtatanggol ko sila mama at Brix sa kaniya, at nakita nila kung paano ako nagbago dahil sa turing sa amin ni papa. Kaya natatakot ako magbigay uli ng tiwala sa iba dahil nakikita ko kung paano binasag ng papa ko ang tiwala ni mama sa kaniya ng paulit-ulit. Natatakot ako na baka mangyari rin sa akin ang nangyari kay mama. Natatakot ako na masaktan tulad niya.

"At binigyan mo pa ng second chance si Kenneth. Alam mo ba na double kill ang impact nito sa 'yo." Ang sermon parin ni Tricia.

"Tinutulungan niya ako makalimot."

"At nakalimot ka ba? Nakalimutan mo ba siya?" Hindi ako nakasagot.

"Hindi, diba. At alam mo ba na nasasaktan mo rin si Kenneth. Ayaw ko man isipin 'to pero parang naghihiganti ka kay Kenneth dahil sinaktan karin niya dati."

Agad ako napatingin sa kaniya.

"Hindi ko iniisip ang gan'on. Hindi ako naghihig-"

"Pero parang naghihiganti ka na rin. Sinasaktan mo siya tulad ng ginawa niya sa 'yo noon. Sa tingin mo ba na tanga si Kenneth? Hindi, Iva. Iniisip kasi ni Kenneth na baka kapag nakalimutan mo na si Liam may pag-asa na siya sa 'yo pero habang tumatagal naiisip din niya na wala talaga siyang chance ulit diyan sa puso mo. Nagpatuloy lang siya na tulungan ka hanggang ngayon dahil kailangan mo ng karamay. Hindi ka na niya tinutulungan makalimot, tinutulungan ka niyang maging okay dahil kailangan mo ng may kasama sa tabi mo sa panahon ngayon... Okay, sabihin natin na nasasaktan siya ngayon pero mas doble ang sakit na mararamdaman niya kapag nakikita ka niyang nasasaktan hindi dahil sa kaniya kundi dahil sa ibang lalaki. Hindi kami bulag, Iva. Ikaw lang ang bulag sa nangyayari ngayon. Pinipilit mong takasan ang problema  na hindi mo alam na hinahabol karin mismo nito."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang akong umiiyak habang pinapanood nila ako. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko at hindi ko man lang naisip ang ganoong bagay. Nagpaubaya ako sa kalungkutan at galit ko at nakalimutan na marami na akong nasasaktan at naiipit na ako sa sitwasyon.

Ang sakit. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Laging may kulang kahit anong gawin kong paglilibang. At ngayon naiintindihan ko na.

Napatakip ako sa mukha.
"Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin si Liam hanggang ngayon." Ang hagulhol ko habang pinupunasan ang mga luha ko na hindi pa rin matigil-tigil.

Nakita ko na tumabi si Angel sa akin at niyakap ako. Napatingin naman ako sa kaniya nang tapikin niya ang aking ulo.

"Alam mo, Iva. Huwag lang kasi isip ang gagamitin, pati rin dapat iyang puso mo pero kailangang mas angat ng kunti iyang puso mo, ah. Magkaiba kasi ang takbo ng isip at puso natin tungkol sa pag-ibig. Ang isip ay nagsasabi kung ano ang dapat mong gawin, maaari itong positibo o negatibo, hindi natin alam. Pero ang puso ay nagdidikta kung ano ang tama mong gawin. Tandaan mo, iba ang gamit sa dapat at tama. Kaya kung ako sa 'yo, sundin mo 'yang puso mo na may kasamang kunting pag-iisip. At dahil na-explain ko na at may naiambag na ako sa hurty moment na 'to..." Napasinghot ako nang lagyan niya ako ng liptint sa labi. Nagtaka naman ako sa ginawa niya pero ngumiti lang siya sa akin at saka bumulong.

"Puntahan mo na si Liam habang hindi pa huli ang lahat."

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now