CHAPTER 14

1.5K 29 0
                                    

Iva's POV;

Noong first year college ko sinagot si Kenneth. Ang saya-saya ko noong time na 'yon at iniisip ko na wala ng makakapantay pa sa relasyon naming dalawa pero nagkamali ako.

Grabe, hindi ako makapaniwala na tuluyan ko na talagang nakalimutan ang break up namin ni Kenneth.

Akala ko noon magkukulong ako sa kwarto, iiyak buong maghapon o kaya naman ay hindi kakain dahil broken hearted ako pero kabaliktaran ang nangyari.

Lumipas ang dalawang araw matapos akong lokohin ni Kenneth ay para akong nakahinga ng matiwasay.

Nagagawa ko ulit ang gusto ko na walang pumipigil sa 'kin, nakakain ko kung ano ang gusto ko na hindi iniisip kung tataba ako, at nagagawa ko ng makipag-jamming sa barkada ko.

In short, ang bilis kong naka-move on.

Ngayon naisip ko na. . . para pala akong nakakulong sa piling ni Kenneth at hindi lang 'yon, matagal na pala akong nakakulong sa mga kasinungalingan niya.

Sa mga ginawa niya sa akin parang hindi ako ka-worth it-worth it.

Hanggang sa. . .

"You deserve someone better."

Agad ako napabalikwas ng bangon nang mag-alarm ang cellphone ko.

Napatingin ako sa paligid.

Ah, umaga na pala.

Anong nangyari kagabi?

Ang naalala ko lang ay may sinabi sa 'kin si Liam bago ako nakatulog.

Tumingin ako sa tabi ko at wala na akong nakitang katawan ni Liam sa kama.

Hay, mabuti nalang kusa siyang gumigising. Hindi kasi ako 'yong tipong maaasahan kapag magpapagising, e.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.

Naalala ko na naman si Kenneth.

Ilang taon na ba noong huli ko siyang nakita?

Kahit hindi na ako nasasaktan at wala na akong pakialam sa kaniya bigla-bigla namang pumapasok siya sa isip ko na hindi ko inaasahan.

Hay, ba't ko ba kasi siya iniisip?

Si Liam kasi, e kung ano-ano sinasabi.

Noong kagabi hindi agad ako nakatugon sa sinabi niya sa akin.

Pambihira naman kasi, pagkatapos niyang sabihin ang mga kataga kagabi bigla niya nalang pinisil ang dibdib ko na kinasampal ko sa kaniya dahil sa gulat.

Grabe talaga ang bastos ng lalaking 'yon. Ne hindi ko nga alam kung paano napunta ang kamay niya sa boobsy ko, eh. Manyak talaga, bastos!

Dahil sa ginawa niya hindi ko tuloy masabi kong totoo ba 'yong sinabi niya sa 'kin.

Tsk, naguguluhan tuloy ako.

Pero noong sinabi niya iyon, feeling ko. . . nagkita na kami dati.

Saan naman kaya?

.

Ayst, ewan basta bastos siya!

Bumuntong hininga ako.

Agad naman akong napaupo nang biglang bumukas ang banyo.

Ehem, hindi naman sa pagmamayabang, may banyo at cr ang kwarto ko. Nirequest ko talaga kay mama 'yon dati dahil takot ako lumabas ng kwarto kapag madaling araw.

Halerr, nakakatakot kaya. Baka sa kalagitnaan ng pag-ihi ko may nakatayo na pala sa harap ko. Imbis na ihi lang gagawin ko baka tumae pa ako ng tuluyan, jusme.

Ehem, back to present.

Nakatingin lang ako kay Liam habang busy naman siya kakapunas sa kaniyang buhok.

Hindi ko naman maiwasang mapalunok nang makita ko na naman ang kaniyang six pack abs.

Ahh~, what a nice view in the early morning.

Kingina naman kasi, kahit ilang beses ko ng nakikita itong absy niya hindi parin akong nagsasawa na titigan ito.

Bakit kasi naka-half naked lang 'tong lalaking ere. Nagwawala na naman tuloy itong puso ko.

Kakagatin ko na sana ang labi ko nang may narinig akong mahinang tawa.

"Sige lang, Iva. Libreng tumingin.", ang nakangising sabi ni Liam na tila ba'y inaakit ako.

Humarap siya sa 'kin sabay punas sa abs niya gamit ang towel.

Pesteng hinayupak naman kasi 'to.

Kitang pigil na pigil ako rito, e. Sapakin ko na kaya 'to, baka mamaya niyan nakapa-ibabaw na pala ito sa 'kin na hindi ko alam, aba'y paktay na.

"G-g@go! Kala mo kina-hot mo 'yan? Nagmumukha kang lalaking kambing na may dede.", ang sabi ko at nagkukunwaring mataray.

Agad naman naging poker face ang mukha niya.

"Bakit mo ba ako sinasalag, ha?", ang nauurat na sabi niya sabay talikod sa 'kin at pumunta sa kaniyang bag para kumuha ng damit na kaniyang susuutin.

"Dahil kasalagsalag ka? Bakit ka ba nandito?", ang sabi ko at humiga ulit.

Hindi ako tumingin sa kaniya habang nagsusuot siya ng underwear.

Gosh, baka asarin pa ako nito na maninilip.

"Ikaw ang kumaladkad sa 'kin dito, baliw.", ang malamig na sabi niya.

"Hindi 'yon, what I mean is bakit nandito ka pa? Diba may pasok ka ngayon.", ang sabi ko habang nakatingin parin sa kisame.

Napansin ko naman na umupo siya sa sahig at binuksan na naman niya ang kaniyang laptop.

Umupo ako at humarap sa gawi niya.

Ngayon ay may suot na siya pero pang-ibaba lang at wala pa ang pang-itaas kaya hanggang ngayon ay kitang-kita parin ng dalawa kong mga mata ang abs niya. Jusmeyo marimar!

"Mamaya pang afternoon ang meeting kaya nandito pa ako, 'tsaka hindi ko alam ang daan palabas sa lugar na 'to, nuh.", ang seryosong sabi niya sabay pindot ng enter.

Tumango-tango lang ako.

Pinapanood ko lang siyang nagt-type at inaamin ko na lalo pa siyang nagmumukhang fresh kapag bagong ligo.

"Aysus, matalino ka naman 'diba. Kaya hella eazy-eazy lang 'yang presentation sa 'yo.", ang sabi ko sabay gaya ng tawa ni Kris Aquino.

Hindi niya ako pinansin.

Hmph, napaka-workaholic talaga ng taong 'to.

Hula ko, mas mahal niya pa siguro ang libro noong nag-aaral pa siya kaysa sa girlfriend niya. . . kung may girlfriend siya.

Pero sa mukhang iyan, imposible na wala siyang naging gf n'ong highschool or college time. Pwera nalang kung nerd siya noon at walang nakakapansin sa kaniya. . . pfft eww imposible.

Para namang may kumuryente sa utak ko at may naisip na sasabihin.

Lumunok muna ako at nag-isip-isip muna dahil baka hindi magustuhan ni Liam ang itatanong ko.

Pero ngayon ko lang din napansin na hindi ko pa ito natanong sa kaniya dati e, wala naman siguro mawawala kung itatanong ko, 'di ba?

Huminga muna ako ng malalim bago siya inisturbo sa kaniyang ginagawa.

"Liam."

Tumaas naman ang kilay niya.

"Nakipag-sex ka na ba dati?"

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now