Iva's POV;
Gabi na at umuulan sa labas. Tulog narin si Kenji, iyong anak ni Kenneth.
"Iva, okay na ako. Hindi naman gaano kalakas ang suntok ni Liam.", ang malamig na sabi ni Kenneth pero hindi ko siya sinunod. Nililinis at ginagamot ko parin ngayon ang sugat at pasa niya. Tinignan niya ako at saka bumuntong hininga.
The ride to his house was silent. I didn't dare to say a single word to him at ganoon din siya. Minsan ay bahagya akong sumisilip sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Agad naman ako nakaramdan ng guilt dahil alam ko na nasaktan ko siya.
"Uhm, Kenneth. Sa nangyari kanina, magpapaliwanag ako.", ang agaran kong sabi dahil baka ay ma-misundertood siya. Nakita niya kasi na hinalikan ako ni Liam kaya nangingibabaw ang hiya, pagkadismaya, at konsensya ko ngayon.
"Alam ko, kaya di mo na kailangang magpaliwanag. Alam ko namang sinabi mo lang 'yon para tumigil siya.", ang mahina pero cold nitong sabi sa akin. Hindi ko alam na iyon ang sasabihin niya pero kahit na ganoon ay hindi parin ako nakasagot kaya mas lalo tuloy dumagdag ang guilt ko sa kaniya.
Napakagat nalang ako sa labi ko. Kailangang may gawin ako.
"Ahm teka, ano gusto mong ulam ngayon? Ipagluluto kita.", I asked dahil akmang tatayo na siya. Tinignan niya lang ako at napayuko nalang ako nang hindi siya sumagot.
"Busog ako, salamat.", ang sabi niya lang matapos ang ilang segundong katahimikan at tumayo na ng tuluyan.
I just nod my head and didn't dare to stop him o sundan siya. Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat ng 'to.
"Iva!", I froze on my seat. I recognize that voice.
*Ba dump*
"Iva!", the voice call out again.
*Ba dump*
Agad ako pumunta sa bintana at binuksan ito. And there, I saw Liam and he was shouting. Basang-basa siya at halos nakaluhod na. Agad naman akong nakaramdam ng pag-alala.
Paano niya nalaman na nandito ako?
"Iva! Come back to me!!", he shouts again. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko siyang puntahan. May tumutulak sa 'kin na bumaba at puntahan siya pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Liam.", I whispered. Naiiyak ako, ayoko na makita siyang ganito. Bakit niya ba ito ginagawa? Naaawa ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.
"Iva, please! Patawarin mo na ako! Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko! Please, please bumalik ka na sa 'kin! Please!", Liam shouts again at hindi siya tumitigil.
"Kung ayaw mo akong kausapin at magpakita sa akin ngayon, okay lang!! Basta gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita!! Lagi akong maghihintay sayo!! Hihintayin ko ang pagbabalik mo!"
Tears flew down on my face just by hearing those words. Na-g-guilty ako na makita siyang gan'yan. Sa narinig ko sa kaniya kanina parang tumalon sa saya ang puso ko. Pero may isang tao ang bumabagabag sa akin. Kahit gusto kong bumaba at yakapin siya pero paano si Kenneth? Ayoko rin na saktan siya. Matapos ang lahat ng nangyari, Kenneth was the only one that was always by my side.
Agad ko pinunasan ang mga luha ko sa mukha bago isinarado ang bintana at hinarap si Kenneth, who was looking at me with a sad smile on his face.
"K-kenneth. I-I'm sorry. I cause tro-"
"Its okay. Kusa siyang pumunta."
Tumahimik kami ng ilang segundo pero binasag ko rin ito.
"Pwede ba na dito muna ako matulog ngayon?", I said. Kenneth nods his head and lead me to his bedroom. Nang makahiga na ako ay agad akong pumikit at hinahayaan ang sarili ko na makatulog. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humihimas sa pisngi ko at hinahawi ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha.
"Alam ko na nahihirapan ka, Iva.", he whispered before kiss my forehead. Hindi ako gumalaw, nagpanggap akong tulog.
"Kahit ayaw kong sabihin 'to. But I hope, Liam won't give up. Kahit anong gawin ko kasi hindi ko parin siya kayang pantayan.", he whispered at naramdaman ko na lumayo na siya sa 'kin. I heard the door open and close.
Kinagat ko ang labi ko as I let my tears fell down.
"I'm sorry, Kenneth."