CHAPTER 52

829 22 0
                                    

Maxine's POV;

God, I can't believe na napaka-manhid ng Iva na 'yon. Humihingi na nga ako ng sorry, ayaw man lang niya akong pakinggan. Tsk, napaka-stone hearted. Halata namang mahal niya pa si Liam at nagpapanggap lang siyang naka-move on na. Duh, what a faker.

I look at my watch and it's already past eight in the evening. Gosh, I didn't know that I would be walking home for hours.Akala ko magiging masaya ako this day but once I saw Ivanna parang dumaan na hangin 'yong saya ko, agad nalang nawala. That's why naglalakad ako ngayon. Trip ko maglakad para mag-isip-isip, nabad-trip talaga ako nang makita ko siya.

"Ate ganda, pwede pahingi barya?" Napa-ikot nalang ako ng mata nang makita ko ang isang bata na nakasunod sa akin.

"Maling tao ang hinihingian mo, bata. Wala akong barya. At huwag ka ngang lumapit sa akin, ang rumi mo, yuck." Ang maarteng sabi ko sa bata at tinataboy ito. Gosh, branded pa naman itong damit ko.

Tinaasan ko ng kilay ang bata bago ako tumalikod sa kaniya. Eww, ang baho. Naliligo ba sila sa kanal?

Naglakad na ako pero uminit nalang uli ang ulo ko when I felt that he was still following me.

"Ano ba! Nagtagalog na nga ako para maintindihan mo! Huwag mo nga akong sundan!" Lumingon ako para sigawan uli ang bata pero isang gwapong lalaki ang tumambad sa akin.

The fuck? Ang bilis naman ata lumaki ng bata? What a corny joke, natatawa ako.

Tumingin iyong lalaki sa likuran niya before he looking at me again and pointing at himself.

"Hindi kita sinusundan. Dito rin daan ko.", ang sabi niya at ngumiti. Napatahimik naman ako nang sumingkit ang mata niya. Cute siya pero hindi ko type.

"Hindi ikaw, mr.", ang mataray na balik ko sa lalaki at nag-roll eyes. What a waste of time pero nakakahiya talaga 'yong ginawa ko, kainis.

Tinalikuran ko na siya at naglakad ng mabilis. I want to stay away from him. It's obvious na pinagtatawanan niya ako sa kaniyang isipan.

"Uhm, hindi ka ba naliligaw? Hindi kasi kita nakikita dito dumadaan." Ang tanong ng lalaking sinigawan ko. Aish, ba't nasa likod ko pa rin siya? Mas okay na unahan niya ako so I can kill him with my killer glare.

"Alam mo, surot." Hinarap ko siya at napatigil naman ito sa harap ko.

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo. And don't walk behind me you dumbass or I will kick your ass." Ang naiinis na sabi ko sa kaniya at inikutan uli siya ng mata. Nakakaurat talaga, gusto ko nga mapag-isa e.

Napakurap naman ako nang ikimbot niya ang kaniyang bewang at nag-cross arm. Napanganga ako.

"Excuse me gurlalu. Mukhang kailangan mo ata magpatingin sa nanay mo at ayusin 'yang maasim mong attitude. At saka halerr, I'm butterfly, hindi surot na nangangagat ng singit ng mga babae. Kyaah, kaderder." Ang mataray nitong balik sa akin saka nag-flip hair.

Tila naman ay nakakita ako ng multo sa inaasta niya. Bakla siya? Gosh, what is happening in this world? Sinasayang niya ang mga lahi niya. Paano siya magkakaroon ng anak niyan? Haha.

"J-just shut up, gay. Walang papatol sa isang katulad mo." Ang nasabi ko lang habang ngumingiwi.

Napatigil naman ang mukha niya sa direksyon ko at sumingkit lalo ang mata. Pinitik niya ang kaniyang kamay.

"Parang baliktad ata, sis. Ikaw ata 'yon, walang papatol sa ganiyang attitude mo nuh." Mataray niyang balik ulit saka lumapit sa akin. Agad naman ako umatras.

"You don't know me so you don't have the right to tell me that , mr..." Tumingin ako sa I.D. niya na nakadikit sa kaniyang damit.

"Mr. Nathan Beal?" Tumigil siya ng ilang hakbang layo sa akin. Napalunok ako. Gosh, kinabahan ako r'on ah.

"Maganda ka." Bigla namang namula ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit. Marami ng nagsasabi sa akin ng gan'on pero iba 'yong dating sa kaniya. It's make me suddenly blush and I don't know why.

He flip his hair na akala mo ay mahaba.
"Pero mas maganda ako. Hindi ako magpapatalo syempre, hahaha. Diyan ka na nga, ini-istress mo ang isang tulad ko. Hmph." Ang sabi niya at nilagpasan ako. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nagpara siya ng jeep.

What? Hindi halata sa itsura at porma niya na mahirap siya. Gosh, may problema nga talaga sa earth.

Napakurap nalang ako nang bigla siyang humarap sa akin. Tumaas ang kilay ko nang lumapit siya.

"What?" Maldita kong sambit pero ngumiti lang siya at nagtaka nalang ako nang may kinalkal siya sa kaniyang bag. Maya-maya pa ay lumaki ang ngiti niya.

"Ito, oh. Last na 'yan kaya swerte ka. Ayusin mo na ugali mo, ah. Wala talagang magkakagusto sa'yo niyan, sis. Trust me. Diretso ka na rin uwi, ingat." Ang mahina niyang sabi saka binigay sa akin ang isang chocolate stick?

Napansin niya siguro na nakatingin lang ako dito kaya kinuha niya ang isa kong kamay na kinabigla ko. Inilagay na niya ito sa kamay ko. Tinignan ko siya.

"Masarap 'yan kaya don't worry. Sige ah, bye." Nag-wave na siya sa 'kin saka sumakay sa jeep na kakaparada lang.

Hindi agad ako nakagalaw sa biglaang nangyari. Tinignan ko 'yong hawak ko na chocolate stick.

"Choco-choco." Ang basa ko rito.

Tinignan ko ang jeep na umandar na at papalayo na ito sa akin. Napatawa ako ng pagak.

What a weirdo. First time ko lang makakita ng tao na hindi man lang tinanong ang pangalan ko. Psh, sabagay bakla siya.

Nagpapitik ako ng dila saka itinaas hanggang mukha ang chocolate stick.

Nathan, ha. You wanna treat me like that to get my attention or what?

Napangisi ako.

Kinakalaban mo ata ako. Well, you are nothing but a stupid motherf*cking bitch. I'll make you straight when we meet again. Goodluck~.

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now