Iva's POV;
"Mukhang kilalang-kilala mo si Liam, ah. Friend ba kayo?", ang tanong ko.
Ewan ko ba, bigla nalang kasi akong nagkaroon ng hinala.
Tumingin 'yong babae sa ibang direksyon. Lalo namang nangibabaw ang hinala ko.
"Uhm-yeah, o-of course. I-i think we are friends? Haha, I dunno know. I've been working here for almost 3 years so I think yeah.", ang may pautal-utal nitong sagot. Medyo magulo pero naiintindihan ko naman.
Tumango naman ako bilang tugon pero hindi parin ako kuntento sa sagot niya.
Naka-isip ako ng ideya.
"Ah-teka, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam pangal-"
"I should go, I'm late na kasi e. If it's okay to you, you can go to his office. Just go to 10'th floor, and use that elevator.", tinuro niya ang elevator na nasa kabilang side pa ng floor na 'to.
"That elevator is near to his office. Dumeretso ka lang and turn right, you can see his name sa pintuan ng office niya.", ang derit-deritso niyang paliwanag sa 'kin at para bang hindi niya ako binibigyan ng chance na magsalita.
Tumango-tango nalang ako bilang sagot.
"Ah, ganoon ba. Maraming salamat, ang laki ng tinulong mo sa akin ngayon. Ano nga pala pangal-"
"I'll tell you later. Bye, see you around.", at naglaho na siya sa paningin ko.
Nagtaka naman ako nang sabihin niya ang mga salita na, 'I'll tell you later'.
Ano 'yon? So, magkikita pa kami mamaya? Ito-tour niya ba ako rito sa building? Ang bait naman, sana lahat gan'on.
Nakatingin lang ako sa nilikuan niya.
Pero grabe rin siya ah, ne hindi man lang siya nakipag-shake hands sa 'kin. Hindi naman ganoon kadumi kamay ko ah, kaka-nail cutter ko lang kanina, e. Pero kung makamadali siya akala mo may virus ako sa katawan, hmph.
Nagkibit-balikat nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Nang makalapit na ako sa elevator ay tinignan ko muna ang kwarto kung saan nagm-meeting sila Liam.
Nakita ko naman na nagsipalakpakan ang mga nakaupo.
Tama nga 'yong babae, napaikot nga talaga ni Liam 'yong mga shareholders.
Agad naman akong napatingin sa elevator nang bumukas ito.
Pumasok na ako at pinindot ang 10'th floor. Nang bumukas ang pinto ay muntikan pa akong hindi makalabas dahil agad may sumalubong sa 'kin na mga empleyado.
Jusme, akala mo mga manok na huhulihin itong nga taong ere. Ba't ba sila nagmamadali, wala namang papatay sa kanila.
Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag. Narinig ko pa sila na nagrereklamo pero inikutan ko lang sila ng mata.
Pasalamat sila mabait ako, hmph!
Tinignan ko ang lunch box at mabuti nalang ay hindi ito bumukas o nahulog dahil sayang talaga effort ko. Talagang magwawala ako kapag nagsilabasan ang laman nito sa sahig.
Ihahatid ko lang naman 'tong lunch box sa office ni Liam pero habang binabaktas ko ang office niya para akong nag-a-adventure, ang dami kong kalaban at ang daming humahadlang.
Ano bang problema nila? Hanggang ngayon ba ay galit parin sila sa 'kin dahil ako ang pinakasalan ni Liam?
Ano ba! Napakasimpleng dahilan pinapalaki, e. Kasalanan ko ba na maganda ako? Nakaka-stress, ah.