Iva's POV;
'Huwag, Liam!'
Iyan ang gusto kong isigaw sa kaniya pero hindi ko magawa dahil agrisibo niya parin akong hinahalikan.
Napapaungol naman ako sa tuwing pinipilit niyang ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko.
Feeling ko tuloy nasusugatan na 'yong labi ko.
Agad ako lumanghap ng hangin nang inilayo na niya ang labi niya sa labi ko.
Nagtaka naman ako nang muli niyang ibinalik ang mukha niya sa pagkakabaon sa leeg ko.
Agad ako naalarma nang marinig ko siyang humikbi.
Teka, umiiyak siya?
Napatigil ako sa pagpupumiglas.
Nakabaon parin ang mukha niya sa leeg ko kaya hindi ko alam kung umiiyak ba talaga siya.
Naramdaman ko namang binitawan na niya ang pagkakahawak sa bandang pulso ko at inilabas rin niya ang isa niyang kamay sa pajama ko.
Agad ako nakahinga ng maluwag.
"I'm sorry."
Para naman akong na-istatwa nang marinig ko iyon.
Nanlaki nalang ang dalawa kong mata nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry."
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Bakit siya nags-sorry?
Dahil ba sa ginawa niya sa 'kin? Kasi kung oo, kaya ko namang palagpasin ito.
Niyakap ko siya pabalik.
"Okay lang, Liam. Alam ko kung bakit mo ito ginagawa dahil gusto mo gayahin 'yong napanood mong porn noong isang araw. Huwag mo na ikaila, asawa mo ako kaya alam ko, hahaha. At saka, mas bet ko parin 'yong gentle and slowly mo, nuh."
Ang pagbibiro ko pero mas lalo pa tuloy niya hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.
"L-liam, hi-hindi na ako makahinga.", ang sabi ko habang tinatapik ang likuran niya.
Grabe, ang harsh niya talaga ngayon.
Gusto niya atang matigok ako, gosh baby ah bad 'yan.
Lumuwag naman ng kunti ang yakap niya.
Hay, mabuti nalang.
Ayoko pang matigok nuh, gusto ko pang magka-baby e ,kyah!
Tapos si Liam 'yong ama, kyah kyah!
Ang saya ko siguro kapag nangyari 'yon.
Okay, back to present.
Pinipilit ko namang ilayo ang leeg ko sa mukha ni Liam pero lalo niya lang itong ibinabaon.
Anong bang meron ngayon sa lalaking 'to? Tinutoyo ata 'to, eh. Aminin nga, babae ka gurl?
Kanina akala mo tigre sa sobrang agrisibo tapos ngayon parang koala sa sobrang pagkakayakap niya sa 'kin.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti.
Ngayon ko lang alam na may ganito pala siyang side.
Haha, ang cute lang bwiset!
"Liam?", ang may lambing na sabi ko.
"Hm?"
"Wala ka ata planong pakawalan ako, ah. Gan'on mo na ba talaga ako kamahal?", ang may medyong pang-aasar na sabi ko sa kaniya.
Alam ko naman kasi na babarahin niya lang ako.
"Hm."
?
"Ha?"
"Sorry."
Ito na naman tayo sa sorry na 'to. Okay na nga e, okay na. Ang boplaks naman nito.
"Okay na nga kaya huwag ka na mag-sorry. Pakawalan mo nalang ako, nai-istock na 'yong dugo ko dahil sa yakap mo, oh.", ang sabi ko sabay hampas ng mahina sa likod niya.
Napaikot nalang ako ng mata ng umiling ito na parang bata.
"I'm sorry."
"Bakit ka ba laging nas-sorry? Okay na nga 'diba, kaurat."
Hindi siya sumagot.
Tinignan ko siya kahit buhok niya lang ang nakikita ko.
Mga ilang segundo siyang tahimik.
Magsasalita na naman ulit sana ako nang halikan niya ang leeg ko.
"I just want to say sorry to you, that's all."
Iniangat niya ang ulo niya at ngayon ay kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
Teka, bakit? Hindi ko maintindihan.
"Promise me na hindi mo ako iiwan."
Tinitignan ko lang siya.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o wala lang.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Sa oras kasing ito parang napakaseryoso niya.
"Iva."
May problema kaya siya?
"Ha?"
Ang lungkot niya.
"Promise me na-"
Hindi ko na siya pinatapos pa.
Ngayon ay ako na ang yumakap sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya o kung ano man ang ipinapahiwatig niya.
Basta ang alam ko lang sa ngayon ay hindi okay ang asawa ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Huwag kang mag-aalala, Liam. Hindi kita iiwan, pangako yan."