Iva's POV;
(Continuation of Flashback)
Napatigil ako, nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Kenneth.
"Jessi-"
"Ano?", dahan-dahan akong tumingin sa babae na nangangalang Jessica.
"May nangyari sa amin ni Kenneth at. . ."
Napansin ko namang umiiling si Kenneth pero hindi ko ito pinansin. Ngayon ay nakatutok ang atensyon ko sa humihikbing babae.
"At ano?!"
" At buntis ako at siya ang ama!", ang nakayuko pero may lakas na loob na sabi ni Jessica.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko at para bang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
Nabitawan ko ang dala-dala kong regalo na dapat ay ibibigay ko kay Kenneth.
Tumingin ako kay Kenneth na ngayon ay nakayuko na.
Grabe, hindi ako makapaniwala na nakakulong na pala ako sa kasinungalingan niya.
Hindi ako makapaniwala na nauto niya ako.
Hindi ako makapaniwala na pinaglalaruan niya na pala ako.
Kaya pala, unti-unti na siyang nanlalamig sa akin. Kaya pala, nakakalimutan niya na ang mga importanteng araw na dati ay sinicelebrate namin na magkasama. Kaya pala unti-unti na siyang lumalayo sa 'kin. Kaya pala bihira ko nalang siya nakikita.
Ang sakit.
Bakit hindi ko man lang iyon napansin?
Isa akong tanga, napakalaking tanga! Put@ng in@!!
Lumapit ako kay Kenneth at ngayon ay sunod-sunod ng tumulo ang mga luha ko.
"N-neth?"
Nakayuko lang siya at hindi nagsasalita.
"Ano 'to? Akala ko ba mahal mo ako?", ang umiiyak na tanong ko.
"Iva, mahal kit-"
"E ano nga 'to?! Laro lang? Trip lang? Prank? Kenneth naman, hindi lang may nangyari sa inyo, nabuntis mo pa siya!", ang sigaw ko habang sinusuntok ang kaniyang braso at dibdib.
Ang sakit, ang sakit-sakit.
"Walang hiya ka! Bakit mo ito ginagawa sa 'kin? Sinungaling ka, sinungaling!! NAPAKASINUNGALING MO!!!", ang sigaw ko ulit bago siya tinulak ng malakas na kinaupo niya.
Pinuntahan naman siya agad n'ong Jessica at tinulungan siyang tumayo.
Pinahid ko ang palad ko sa noo ko bago huminga ng malalim.
"Sabihin mo, kailan n'ong may nangyari sa inyo?", deritsahan kong tanong habang nakatingin sa paperbag.
"Three months ago."
Natigilan ako. Tumingin ako kay Kenneth.
"N-n'ong birthday ko?", at muli na namang tumulo ang mga luha ko.
Tumango siya. Lalo namang bumuhos ang mga luha ko at hindi ko na alam ang gagawin.
"Sobrang lasing ako nun n'ong pinauwi mo na k-"
"Pero ang sabi ko n'on na sa bahay ka nalang matulog, 'di ba?"
"Oo pero-"
"PERO ANO!? ANO, KENNETH!?", hinayaan ko muna ang sarili kong umiyak.
Napaupo na ako ng tuluyan dahil feeling ko anytime ay matutumba ako.
Magsasalita na sana siya nang pigilan ko siya.
"TAMA NA, TAMA NA! AYOKO NA MARINIG 'YANG BOSES MO! . . . KUNG TALAGANG MAHAL MO AKO KAHIT ISANG DOSENANG PORN ACTRESS NA NAKATAMBAY DIYAN SA DAAN HINDI KA MATUTUKSO, PERO ANO!?. . . HINDI NA NGA 'YAN PORN ACTRESS NATUKSO KA PARIN!!"
Agad naman nagsitinginan ang mga tao na kakadaan lang dahil sa pagsigaw ko. Napansin ko naman na nagbubulungan sila.
Huminga ako ng malalim.
"Iva, pwede pa natin 'tong pag-usapan-"
"Hindi. Ayoko na, suko na ako. Akala ko magiging masaya tayo, akala ko walang makakahadlang pa sa relasyon natin pero ikaw lang rin pala mismo ang hahadlang sa ating dalawa."
Nakita ko siyang napaangat ng tingin sa akin. Nakita ko rin na basa ang kaniyang mukha at namamaga ang kaniyang mata pero hindi ko ito binigyang pansin.
Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Mas mabuti pa ang mag-isa kaysa naman sa makasama ka.", tumingin uli ako sa paper bag.
Napatawa ako ng mahina.
Pinunasan ko ang luha ko sabay huminga ng malalim at ibinuga ito ng mabilisan.
"Ibibigay ko sana itong Canon camera sa 'yo, kaso niloko mo 'ko. Mabuti nalang nalaman ko agad bago ko ito ibigay sa 'yo.", tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko kung paano nadismaya ang mukha ni Kenneth.
Ngumisi ako.
"Sayang, diba?", kinuha ko ang paperbag na nakahiga na sa daan bago ako tumalikod.
Tinanggal ko na ang bike ko sa pagkakadena at isinabit ko ang paper bag sa handle nito.
"Sana maging masaya kayong dalawa. Ikwento niyo ako sa magiging anak niyo, ha.", lumingon muna ako para makita ko uli ang mukha ng taong minahal ko ng lubos pero sinaktan lang ako sa bandang huli.
Ngumiti ako ng pilit.
"Paalam, Kenneth. Sana ay huwag na tayong magkita pa.", at tuluyan ko na silang iniwan dalawa.Nang makaliko na ako sa entrance ng cafe ay agad ko napansin ang sasakyan na kakadaan lang.
Teka, katabi 'yon ng bike ko kanina sa parking side ng cafe ah.
May tao sa loob n'on? Ibigsabihin
Nanlaki ang mata ko.
Nakita niya lahat ng nangyari?
....
Naglalakad ako ngayon pauwi. Hindi ko mapigilang humagulhol kakaiyak habang dala-dala ko ang bike.
Wala akong pakialam sa mga taong tumitingin at nababangga ko. Bahala sila, wala silang magawa broken ako ngayon!
Kainis talaga. Tang*na talaga niya!
Sa anniversary pa talaga namin nangyari 'to, bwiset!Ang sakit, ganito pala ang masaktan. Kahit anong pilit mo tanggapin ang nangyayari kabaliktaran naman ang pinaparamdam ng puso mo.
Naalala ko pa 'yong mga salita ni Kenneth n'ong nililigawan niya pa ako. Sabi niya pa sa akin, "ikaw lang at wala ng iba pa", tapos sasaktan niya lang pala ako.
Tang*na talaga niya, bwiseeettt!!!
SINUNGALING, SINUNGALING!! NAPAKASINUNGALING TALAGA NIYA!!!! PUNY*TA SIYA!!!!!!!
" AYOKO NA TALAGA SA MGA SINUNGALING!!!! "
Sinapa ko ng pagkalakas-lakas ang bato na kinamuntikan ko ng ikinadapa. Napatigil naman ako nang may narinig akong malakas na tunog na hula ko ay galing sa sasakyan.
Naku, paktay na. Mukhang malas na talaga ako sa araw na 'to.
Ba't pa kasi paharang-harang itong sasakyan sa dinadaanan ko, kitang nag-eemot pa ako rito e.
"Hey!"
Napalunok ako ng wala sa oras.
"Alam mo ba 'yang ginawa mo?", ang naiinis na rinig ko mula sa aking likuran.
Dahan-dahan akong lumingon.
Ano ba 'yan, dagdag pa sa problema nga naman 'to, oh.
Nasaktan na nga ako ng husto, dadagdagan pa. Lord naman, sorry na.
Nang makaharap ko na ang nagsasalita ay biglang humangin ng malakas at nagsilaparan ang mga dahon at bulaklak sa paligid na kinanlaki ng aking dalawang mata.
Tinitigan ko ang kaharap ko at parang nag-iba ang aking pakiramdam.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nang makita ko siya ay biglang kumabog ang puso ko na hindi ko inaasahan.