Iva's POV;
Nang makababa na ako ay nakita ko agad si Yaya Moning na nag-aantay sa may couch. Lumapit siya sa akin pero agad ko siya nilagpasan.
Wala na akong pakialam ngayon sa paligid ko. Alam kong nakakabastos na ako pero gusto ko na talagang lumabas.
Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng lumayo sa bahay na 'to. Dahil baka hindi ko kayanin at umiyak nalang ako sa harap nila.
Ang hirap magpigil, nasasaktan ako lalo. Ang sakit. Bwiset!
Binuksan ko ang pinto at agad na tumakbo sa kalagitnaan ng ulan.
Napakagat ako sa aking labi.
T@ngina! Ang bobo ko! Ang tanga ko!
Hindi ko man lang napapansin na nauto na pala ako. Hindi ko man lang napansin na niloloko na pala ako.
Bakit lagi nalang ganito? Bakit lagi nalang ganito nangyayari sa 'kin? Lagi nalang ako nagpapakatanga.
Nang marinig ko ang lahat ng iyon ay para akong bumalik sa nakaraan. Isa-isa nagsisibalikan ang mga ala-ala ko na matagal ko ng kinalimutan.
Lagi nalang ba ganito ang ending? Laging wasak? Nasasaktan? Dahil kung oo, hindi ko na alam ang gagawin ko!
Simula sa pamilya ko ganito rin ang nangyari hanggang sa unang karelasyon na sineryoso ko. Akala ko magiging okay na lahat nang makilala ko si Liam pero isa rin pala siya. Pare-pareho lang pala silang lahat!
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang gusto ko ng sumuko. Pero t@nginang puso 'to, iba ang sinasabi, iba ang sinisigaw.
Halos naalala ko ngayon lahat. Iyong araw na una kaming nag-usap. Iyong araw na una ko siyang nakita. Iyong mga araw na halos ikasasabog ko sa sobrang tuwa, iyong mga araw na pinapakilig niya ako. Iyong ngiti niya sa tuwing nagbibiro ako, iyong 'good morning' niya sa tuwing naaabutan ko siya na papaalis. Iyong mga halik niya . . .
Argh! Lahat ng iyon peke, hindi totoo, pagpapanggap lang! Pagpapanggap na hindi ko man lang napansin. Pagpapanggap na sobrang ikinakabog ng puso ko. Pagpapanggap na sobrang ikinabaliw ko.
Heh, oo nga pala. Bakit nakalimutan ko? Lahat nga pala ito ay talagang panggap lang. Lahat pala ito ay nakatutok at nakatuon sa pesteng kontrata na 'yan.
Pero ang sabi niya, gusto niya ako at naniwala ako. Sobrang naniwala ako hanggang sa maisip ko na ako ang pinakamasayang tao sa mundo.
Ni hindi ko man lang napansin o naramdaman man lang na niloloko lang pala niya ako. Hindi ko alam na pinapaasa niya lang ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko na tuluyan ng umagos sa aking mga mata. Nang makalayo na ako sa bahay ni Liam ay tumigil na ako sa pagtakbo.
Huminga ako ng malalim.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Ang daming emosyon na gusto kong ilabas pero hindi ko alam kung makokontrol ko pa ba ang sarili ko kung inilabas ko ito.
Hinayaan ko uli bumuhos ang mga luha na ayaw talaga tumigil kahit anong gawin ko. Pati kalangitan, nakikiiyak na rin.
Nakakapagod. Pagod na pagod ako sa araw na 'to at hindi ko alam kung paano ako magiging okay. Iniisip ko palang iyong mga narinig ko kanina hindi ko na mapigilang maiyak.
Durog na durog ako ngayon. Gusto kong magwala, sumigaw, pero tila luha ko nalang ang gumagawa ng lahat ng iyon.
Agad ako napatalon sa gulat nang may kamay na humawak sa aking braso at pwersahan akong pinaharap sa kaniya.
Lalo namang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko si Liam na basang-basa tulad ko.
"Iva."