Iva's POV;
Nandito ako ngayon sa bahay. Tulala parin at wala sa sarili. Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako nagiging okay e dalawang linggo na ang lumipas matapos ang hiwalayan namin ni Liam. Hindi naman ako ganito dati nung kay Kenneth. Ang bilis kong naka-move on sa kaniya kaya hindi ko alam kung bakit hindi ko parin mawala sa isip ko si Liam. Lagi parin siyang tumatakbo sa isip ko na kinakabog parin ng puso ko sa tuwing naaalala ko siya. Hayst, ba't ang hirap niyang kalimutan.
Noong gabi namang biglang pagsuntok ni Liam kay Kenneth ay hindi rin mawala sa isip ko. Halos tumalon sa saya ang puso ko nang makita si Liam pero hindi ko inaasahan na gawin niya iyon kay Kenneth. At iyong paghalik ni Kenneth na hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang siyang gawin niya iyon sa akin.
Hay, dahil sa mga nangyari para na akong masisiraan ng bait. Parang anytime gusto ko nalang tumalon sa building at sumigaw na parang si Tarzan.
Simula n'ong araw na huli kong nakita si Liam, hindi narin ako nagparamdam sa kaniya. Umuwi rin ako ng bahay na walang paliwanag na ibinigay kay Kenneth at sigurado naman ako na naiintindihan na niya ang lahat ng nangyayari kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sa kaniya.
At noong araw ding 'yon ay sinabi sa akin ni Kenneth na gusto niya parin ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko noong araw na 'yon kaya iniwan ko siya na nakayuko lang sa daan. Alam kung mali ang ginawa ko, nasaktan ko siya at nadismaya pero ano ang magagawa ko? Halos sunod-sunod nagsisidatingan ang mga problema na hindi ko naman gustong dumating sa akin at dumagdag pa siya.
Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit lalong gumulo itong buhay ko. Lagi nalang nadagdagan ang mga tanong sa isip ko na kahit isa hindi ko pa nahahanapan ng sagot.
Hay, ang hirap naman nito. Dagdag mo pa 'yong naputulan pa kami ng wifi, jusmeyo marimar. Para akong tinanggalan ng oxygen sa katawan. Wala na akong magawa. Wala na rin akong pera.
"Ate."
Wala na rin akong kapal na mukhang magpakita pa kay Liam. Matapos kung sabihin ang lahat ng iyon nahihiya na akong magpakita pa sa kaniya kahit gusto ko.
".. Ate."
Pero okay narin iyon. Mas okay na hindi na kami magkita. Baka nga ngayon nagmo-move on na 'yon e.
Hay. Ano ba 'yan! Dapat kasi nagmo-move on na rin ako, e. Bakit ba kasi ayaw niyang mawala sa isip ko, piste!
"ATE!!"
"Ay kinabayo!", agad ako naalimpungatan sa pagsigaw ni Brix sa akin.
"Ano ba! Kitang nag-iisip ako rito e. Pasalamat ka tinutulungan kita sa assignment mo sa math!", ang nauurat na reklamo ko kay Brix habang tinitignan siya ng masama.
"May itatanong kasi ako.", ang pag-iiba niya ng topic. Iba din itong lalaking 'to ba, gusto niya ako ang laging nag-a-adjust. Sapakin ko 'to e.
Inikutan ko siya ng mata habang sinasagutan ang solving problem na algebra. Tsk, ang dali lang nito. Ano ba talaga inaaral ng batang 'to? Ako pa talaga 'yong pinasagot niya sa kaniyang assignment. 'Nimal, baon lang ata habol nito, e. Mautangan nga, fifty pesos lang pang-load.
"Ano 'yon?", ang walang ganang tanong ko habang kumakamot sa noo.Kumuha siya ng pandesal at kumagat.
"Ba't dito kana lagi sa bahay umuuwi? Hindi ka ba hinahanap ni Kuya Liam?"
Nagkatinginan kaming dalawa.
Hindi pa pala nila alam ang nangyari sa amin ni Liam. Hayst, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Sa tuwing ibubuka ko na kasi 'yong bibig ko parang nilalaslas 'yong lalamunan ko at di na maka-imik. Letcheng buhay nga naman, oh.
Tapos ngayon nabanggit na naman ang pangalan ni Liam, naaalala ko na naman siya. Hayst, ano ba! Gusto ko ng maka-move on, please! Just give me a reason- ay mali.
"Ah.. uhm.. Euh."
"Oy, ba't ka umuungol? Mahiya ka nga."
Binato ko naman ng ballpen si Brix.
"Tangik, hindi ungol 'yon."
"Aw, paano ba 'yong ungol?", ngumuso siya. Binelatan ko naman siya.
"Bakit ko sasabihin? Alamin mo.", ang biro ko.
"Sige."
Napatakip naman ako ng bibig.
"Oy! Ikaw Brix, ah! Biro lang natin 'to."
Ngumisi siya.
"Alam ko."
Agad nagsalubong ang kilay ko. "Tang*na mong bata ka! Walang papatol sa 'yo. Jutay ka, e! Hahahaha!"
Napaubo naman siya.
"Hindi kaya! Malaki 'tong akin!"
Gumawa naman ako ng nakakatawang mukha. "Wee? Patingin nga."
"Mama, oh! Si ateee!!", para namang maiiyak na siya. Tumawa naman ako ng malakas.
*brrt* *brrt*
Natigilan naman ako nang mag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko muna si Brix na ngayon ay nakabusangot na ang mukha. Haha, asar talo.
Kinuha ko na 'yong phone ko at binuksan ito. Agad naman nawala ang ngiti sa aking labi nang nakita ko kung sino ang nag-text.
Binuksan ko ang message niya at bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso ko. Tinignan ko ulit si Brix.
"Brix."
Masama niya akong tinignan pabalik.
"Bakit?"
"Pili ka. Okay o hindi."
Nagtataka niya akong tinignan.
"Diba dapat, oo o hindi?"
"Sagutin mo nalang kasi."
Nag 'tsk' siya bago uminom ng gatas.
"Okay.", ang simpleng sagot niya sa akin.
Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Sure ka?"
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin.
"Bobo ka?"
"Inamo."
Hindi na kami nagpansinan. Kaurat. Kitang seryoso ako rito e.
Nabaling naman kaagad ang atensyon ko sa cellphone. Napalunok ako at nanginginig na pumipindot sa screen. Para namang nabara iyong hangin ko sa lalamunan nang mapindot ko iyong send na hindi man lang pinag-iisipan ang reply ko.
*brrt* brrt*
From: Liam
Can we talk? Kahit limang minuto lang. May gusto lang akong sabihin sa 'yo.
Me:
Okay.
From: LiamThank you. Mag-usap tayo sa Lovely cafe mamayang 2. I'll wait for you.
Napabuga ako ng mabigat na hangin. Mukhang wala na ata akong magagawa.
Lakas talaga tama ko sa 'yo, hinayupak ka. Ne, hindi man lang ako makatanggi sa 'yo kahit nasasaktan parin ako, tang*na.