Iva's Pov;
"Mukhang may nahanap ka na kaagad, ah. Hay, kawawang Liam.", ang mapagbirong sabi ni Maxine.
Nanatili namang nakatikom ang bibig ko at hindi na makapagsalita. Lumunok ako.
"Anong ginagawa mo rito? Wait don't tell me, you're also pregnant.? Omg!", ang may pagkasigaw na sabi ulit nito na may takip-takip pang nalalaman sa labi.
Para namang kumulo ang dugo ko r'on.
Tsk, ang kapal din ng mukha niya. Ipalandakan ba naman na buntis siya at pati ako ay dinamay niya pa. Kalandian nga naman, oh.
Hinawi ko ang buhok ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa bago ngumiti.
"Hindi. At ayoko muna.", ang malamig na tugon ko.
Ngumisi siya.
"Kamusta ka naman? Mukhang masaya ka naman ngayon.", ang balik naman agad nito sa akin at binigyan ng tingin si Kenneth.
Iniinis talaga ako ng babaeng 'to. Kung akala niya ay isa akong talunan, pwes nagkakamali siya. Dati nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko pero ngayon hindi na.
Bahagya akong tumawa ng mahina bago bumuntong hininga. Nakita ko naman na tinignan ako ni Maxine na may bahid na pagtataka sa kaniyang mukha.
Nginitian ko siya na parang nagyayabang.
"Okay naman ako. Okay na okay nga, e. Eh, Ikaw? Kamusta ka naman? Halatang nagpa-check up ka, ah.. Uhm...", Tumingin-tingin ako sa paligid.
"Asan nga pala 'yang ama ng dinadala mo? Mukha pinabayaan ka ata. Hay, ang lupit naman. Tsk tsk.", ang mapaglaro kong sabi sa kaniya sabay kumurap-kurap.
Napatawa naman ako sa sarili ko nang makita ko kung paano gumusot ang mala-anghel nitong mukha.
Hah. Bagay 'yan sa 'yo, desperada.
Nabura naman ang ngiti ko nang tumawa siya.
"Oh, I don't need that. I know, he will comfort me when I get home.", ang nakangising balik niya sa 'kin.
Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko. So, nagsasama na pala sila ngayon. Hah. Ang galing.
Ngayon, wala na akong ibang iniisip kundi ang umalis sa lugar na 'to. Napakagat nalang ako sa aking labi nang lumaki ang ngisi ni Maxine. Lumipat naman ang tingin niya at napunta ito kay Kenneth. She cross her arms.
"So, who's this? Your BOYFRIEND?"
Dahan-dahang tumalim ang tingin ko.
"Oops, sorry. Did I cut your tongue?", Nakangising tugon niya habang dinidiinan ang bawat salita.
Kabwiset talaga itong bruha na 'to. Sarap ingudngud sa tae.
Napakurap naman ako nang magsalita itong katabi ko.
"Uhm, no. I'm her friend.", ngumiti si Kenneth sa kaniya.
"I'm Kenneth by the way. How about you?", Iniabot naman nito ang kaniyang kamay para makipag-shake hands.
Tinignan lang naman ito ni Maxine at inirapan si Kenneth. Kaurat, ah. Tusukin ko 'yang mata niya. Nakakabastos na e.
"Hindi ako humahawak sa mga stranger.", ang maarteng sabi ni Maxine at nag flip hair. Kalbuhin ko 'to, e.
Akala mo sobrang lambot ng kamay e ang gaspang-gaspang naman ng ugali. Naalala ko tuloy 'yong unang kita ko sa kaniya. Tsk, sobrang nakakauto talaga ang taglay niyang ganda. Parang tuloy bumaliktad ang sikmura ko ngayon.