CHAPTER 24

1.3K 35 2
                                    

Iva's POV;

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi sa 'kin ni Liam.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Magiging masaya ba ako dahil ako ang pinili ni Liam? O magiging malungkot ako dahil wala akong lakas na loob na pantayan ang ex niya?

Kung hindi dahil sa kontrata, hindi ito mangyayari sa 'kin e. Walang dapat na mangyaring ganito sa 'kin kung hindi ko lang kailangan ng pera.

Waaahh!!! Takte! Ano na bang nangyayari!!!???

Bakit lalong nagiging komplekado ang lahat? Hindi ko naman ito hiniling, Lord ah! Bakit? Huhuhu.

Naguguluhan na ako! Pati nararamdaman ko naguguluhan narin!

Tumingin ako sa kamay na nakapulupot sa bandang tiyan ko. Nakapatong lang ang noo ni Liam sa leeg ko at mag-iisang minuto na ata 'to siyang hindi kumikibo. Nakatulog na ata ang mokong.

May gana pa siyang matulog sa sitwasyon na 'to, jusmeyo! Sa hinahaba-haba ng speech niya na nakapagpakilig ng kunti sa 'kin, tutulugan niya lang ako? Ano 'yon sleep talking?

Tapos isa pa itong mainit niyang hininga na bumabangga sa aking balat. Nakakatuliro tuloy, nyeta!

Bwiset lang! Ramdam na ramdam ko pa 'yong kabog ng dibdib ko habang sinasabi niya ang mga bagay na gusto niya sa 'kin, lalo na 'yong sinabi niya na," Hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinakasalan ko"

Nyeetaaa!Nakaka-good vibes tuloy! Sampalin ko 'to, e! Pinapakeleg ako ba!!

Napalunok ako.

Mali, Iva. Huwag kang magpapadala sa sweet words ni Liam. Baka inuuto ka lang niyan! Tandaan mo kung gaano kalupet 'yong epekto kay Liam pagdating sa ex niya. Pangalan pa ngalang parang he is not in the world na e, paano pa kaya kapag nag-uusap at nagkikita, diba?

At secretary pa talaga niya, ah?! At correction, 'nag-iisang secretary' BOOM!!!

Bakit kaya? Nakakapagtaka, diba!?

Okay, naalala ko na sinabi ni Maxine kanina n'ong nasa hallway kami na halos 3 years na siyang nagtatrabaho sa kompanya ni Liam.

So~, wala naman sigurong masama kung pinagkakatiwalaan talaga siya ni Liam pero bakit parang iba naman ata ang pagkakasabi n'ong Maxine na 'yon.

Hmm, i smell something fishy na naman dito.

Hay, ewan. Ayoko na nga mag-isip, malolosyang lang ako.

Bumuntong hininga ako.

Kailangan ko ng linawin itong nangyayari. Nasaktan na ako dati, doble na ang sakit kapag nasaktan ulit ako ngayon. At hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Nang makita ko na ang ex ni Liam, masasabi ko talaga na ang layo-layo ng mundo ko kumpara sa tulad niya. At kung makita ko silang magkasama at magkalapit ni Liam ay agad ko na fi-feel na a-out of place ako, na hindi ako bagay sa mga tulad nila.

Ang sakit lang sa puso na isipin 'yon pero iyon ang mapait na katotohanan. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ayaw sa 'kin ng mga tao rito sa kompanya.

Ito ang disadvantage ng mga mahihirapan at mayayaman e. Ang mahihirap ay dapat sa mahihirap lang at ang mayayaman ay dapat sa mayayaman lang. Kahit nakakainit ng dugo pero wala tayong magagawa. Para walang gulo kailangan sumunod ka nalang.

Pero ano ang ginawa ko? Nagpaubaya ako dahil sa pera tapos ngayon may nararamdaman ako sa asawa ko na dapat ay wala dahil iyon ang nakalista sa kontrata namin, pero ano?. . . Sinara ko ang sarili kong pader na ako mismo ang nagtayo.

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now