Iva's POV;
Napadilat ako ng mata at agad na napabangon. Tumingin ako sa paligid at napagtanto ko nasa kwarto ako.
Ano bang nangyari?
Ang sakit ng ulo ko, feeling ko anytime 'di ko na maalala kung sino ako.
Napahawak ako sa balakang ko dahil bigla itong sumakit. Kainis ba't puro sakit nararamdaman ko ngayon.
Napatigil ako nang maalala ko na ang nangyari.
Agad ako namula at napahiga ulit.
May nangyari na naman sa 'min. Shemay, napapansin ko na halos araw-araw na naming ginagawa 'to, ah. Jusme, mamamatay ako ng maaga nito.
Baliw talaga ang lalaking 'yon. Napakalaking baliw!
Nahahawa na ako sa pagiging malibog niya at hindi ito maganda. Hindi talaga!
Tinignan ko ang tabi ko at wala si Liam.
Saan naman kaya ang lalaking iyon. Nakailang round ba kami kanina? Hindi naman siguro umabot ng nine, e nuh?
Napatingin ako sa bintana at gabi na pala, ibigsabihin nandito na 'yong mga maid. Hay salamat.
Buti nalang nandito na sila baka kasi 'di na kakayanin ng white blood cell ko kapag nagpatuloy itong pagnanasa sa akin ni Liam. Naaawa ako sa oh my sexy body ko.
Tinignan ko ang sarili ko at ngayon ko lang napansin na may suot na pala ako.
Napangiti ako. Kahit mahilig sa s*x 'yong mokong na iyon at cold, may pagkamaaalahanin parin siyang tinatago.
Nakakadagdag pogi points tuloy, ehehe.
Tumayo na ako para lumabas dahil naninigaw na ang tiyan ko sa gutom. Buti nalang nakaya ko ang gutom ng isang araw kalahati. Lupeeett.
Nag-inat muna ako bago naglakad at f*tapete! May naapakan akong matigas at feeling ko ay parang nabasag ito.
Dahan-dahan kong tinignan ang naapakan ko at para namang lalabas na ang kaluluwa ko nang mapagtanto ko na cellphone pala 'yong naapakan ko.
Dali-dali akong lumayo at lumuhod. Nanginginig akong hinawakan ito.
Paano nalang kung cp ko 'to? Paktay na, wala ng silbi ang buhay ko.
Nang maiharap ko na ang screen ng phone ay agad ako nakahinga ng maluwag.
Hay, salamat. Hindi sa akin ang cellphone, kasi kung sa akin man talaga magwawala talaga ako. Wala akong pera pambili mga bes, hindi pa ako sinuswelduhan ng aking boss na si Liam.
Ay, teka kanino ba 'to? Mukhang mamahalin.
Hmph, kung sino man ang may-ari nitong cellphone na 'to. Edi wow nalang sa kaniya, pasensya na lang, burara kasi.
Napatigil ako.
Kami lang naman dalawa ni Liam sa kwartong 'to at wala ng iba pa. Kung hindi saakin ang cellphone na 'to, ibig sabihin. . .
Agad ako namutla at napatingin sa cp na warak na warak na.
Hala ano gagawin ko. Ganoon na ba ako kabigat? Hay, ba't timbang ko pa ang pinuproblema ko, tang*nek.
Tinignan ko ng maigi ang cellphone.
Halatang mahal pa naman ang cp. Kung itatago ko nalang kaya tapos hayaan nalang siyang maghanap tapos kapag nahanap niya sisisihin ko siya. Tama, babaliktarin ko nalang ang nangyari. Talino ko , bwahahaha!
Gan'on nalang gagawin ko. Bahala na si batman, basta wala akong pera pambili ng bago. Cellphone ko nga na dipindot ginagamit ko pa e.
Mayaman naman si Liam, panigurado may iba pa siyang cellphone. Sana all~
Dahan-dahan kong itinago ang cellphone sa ilalim ng kama na kung saang side nakahiga si Liam.
Bumuntong hininga ako bago tumayo.
Naguguilty man ako pero at least hindi ako ang nakita niya na nakabasag. Hay ewan.
Nilinis ko na ang mga kalat na pwedeng paghinalaan at ebedensya ni Liam laban sa 'kin.
Matapos ko ayusin ang higaan ay pumunta na ako sa baba para kumain. Pagkababa ko ay nakita ko si Yaya Moning. Siya ang nagluluto ng pagkain namin araw hanggang gabi. Share ko lang.
Nakangiti akong tumingin sa kaniya at lumapit.
"Yaya, ang tagal niyo naman dumating, na miss ko agad luto mo.", ang paglalambing ko.
Tumawa naman si yaya.
"Aysus, Iva. Masyado mo naman ako pinupuri. Hay naku, hindi talaga kayo pwede iwan dalawa ni Sir. Liam sa bahay kahit isang araw. Alam mo ba na pagkadating namin ay ang gulo ng sala, nakakalat pa ang mga pagkain.", ang reklamo ni Yaya Moning pero kahit papaano ay kalmado parin siya.Agad naman ako namula sa hiya sa narinig ko.
Bwiset talaga 'yong Liam na 'yon. Kung hindi dahil sa kaniya hindi dapat ako nakaramdam ng hiya ngayon.
Tumawa nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka kasi masabi ko pa ang nangyari, may pagka- honesto pa naman ako.
Agad naman nawala ang hiya ko at napalitan ito ng saya at excitement nang makita ko na nilalabas na ni Yaya Moning ang mga pagkain.
Agad ako umupo at masayang hinihintay ang pagkain. Para naman akong aso na naglalaway nang maamoy ko ang napakabangong adobo na paborito ko.
Ahh~ sa amoy palang masarap na~
Napalunok ako.
O my baby, come to mama.
"Iva, tawagin mo na si Sir Liam sa labas. Kanina pa 'yon, may kausap kasi siya sa cellphone niya kaya lumabas.", ang utos sa 'kin ni Yaya Moning.
Napabusangot naman ako at nagdabog na parang bata.
"Yaya naman, eh. Tinatamad ako 'tsaka gutom ako, gusto ko ng kumain. Hayaan niyo nalang si Liam, nagdadiet 'yon."
Napailing nalang si Yaya.
"Ay naku, puntahan muna, Iva."
Sumimangot naman ako at padabog na tumayo. Naglakad ako palabas ng dining.
Kainis naman kasi itong si Liam. Kanina pa pala siya sa labas ba't 'di pa siya pumasok. Gusto niya pa talaga na sinusundo siya, ano siya bata? Psh.
Nabawasan naman ang kaba ko nang sabihin ni yaya na may kausap si Liam sa cellphone, ibigsabihin may extra cp pa si Liam. Mabuti nalang, baka kasi 'di ako makatulog dahil sa guilty.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko agad si Liam na nakatambay sa may garden. Aba, hanep ah, ano 'to pang kdrama?
Napansin ko naman na may kausap pa ito sa telepono.
Aba hanep din ba. Sino naman kaya itong kausap niya at pinaghintay niya 'yong pagkain sa lamesa. Gan'on nalang ba ka-importante itong taong 'to, overtime na kasi eh.
Dali-dali ko pinuntahan ang pwesto niya. Grabe siya, gutom na gutom na ako, e. Ano gusto niya, siya 'yong kakainin ko? Hah, sawa na ako, oy.
Charot.
"Yeah, I'm okay."
Napatigil nalang ako nang magsalita siya. Nakatalikod siya sa 'kin kaya 'di ko na kailangang magtago.
"Aham, yeah. Sure, sure. Thanks. . . Yeah, I miss you too."
Para naman ako naging bato sa kinatatayuan ko.
Sino sinasabihan niya ng 'I miss you too', akala ko ba wala siyang girlfriend. Napakasinungaling talaga.
"I love you too, bye."
Para namang binagsakan ako ng isang sakong bigas.
Agad napabagsak ang balikat ko at tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at napakuyom ng kamao.
Sinungaling talaga siya.