CHAPTER 53

820 19 0
                                    

Iva's POV;

Madilim na ngayon at kitang-kita ang mga bituin na kumikislap sa kalangitan na tila ba ay pinapagaan ang pakiramdam ko. Malamig na hangin din ang yumayakap sa aking katawan na animoy pinapakalma ang damdamin ko.

Sa lahat ng sinabi ng mga kaibigan ko kanina ay para akong natauhan sa pinaggagawa ko. Tila ba ay nagising ako sa mapait na nakaraan na hindi ko mabita-bitawan. At ngayon naiintindihan ko na. Isa akong makasarili. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hinahayaan ko ang lungkot at takot na pumalibot sa akin na ang akala ko ay masaya talaga ako, na okay ako.

Tumigil ako sa daan at tumingin sa kabilang side. Nakikita ko ngayon ang entrance ng village kung saan nasa loob nito ang bahay ni Liam.

Ngayon, hindi na ako naliligaw. Alam ko na kung saan ako pupunta. Kailangan ko ng ayusin 'to lahat para matapos na. Kailangan ko ng pakawalan itong mabigat na nararamdaman ko at magsimula ulit ng bago. Kailangan ko na siyang makita. Na-mi-miss ko na siya. Na-mi-miss ko na 'yong Liam ko.

Napatawa ako ng mahina at saka pinunasan ang luha ko na may tangka pang umagos. Baka asarin pa ako rito na baliw dahil tumatawa ako habang umiiyak.

Pagkapunas ko ng mukha ko ay napansin ko ang bola na gumugulong papunta sa kalsada. Nabigla naman ako nang may tumakbo na bata at hinahabol ang bola.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Saan ba nanay nito? Ba't pinapabayaan ang bata na 'to sa ganitong lugar? Tsk, tsk, mukhang walang paki 'yong nanay, ah. Mabuti nalang talaga walang sasakyan na dumadaan.

Nagpapitik ako ng dila at maglalakad na sana para puntahan ang bata nang

"VINCE!!!"

Agad ako napatingin sa likod ko at nakita ko ang matabang babae na tumatakbo. Ah, siya ata iyong nanay... Mukha naman palang mabait. Sorry, mapanghusga lang. Well, lahat naman tayo.

*BEEEPP* *BEEEPP*

Agad naman ako nataranta sa malakas na busina na 'yon at nakita ko ang nanay ng bata na napatigil sa pagtakbo. Nagtaka ako kaya lumingon ako sa bata na nakatayo lang at hawak-hawak ang bola. Agad naman nanlaki ang mata ko nang may isang van na papalapit sa kaniya pero mabuti nalang ay medyo malayo pa ito.

Hindi ko naman alam kung ano ang tumakbo sa isip ko at walang kaano-ano ay tumakbo agad ako papunta sa bata saka ito hinawakan ng mahigpit at hinila siya ng malakas palayo sa pwesto niya. Masaya namang hinawakan ng nanay ang bata. Tatakbo na sana ako papunta sa kanila nang maapakan ko 'yong bola na kinahiga ko sa daan.

Piste! Akala ko bitbit 'to ng bata!

"IVA!", ang narinig kong sigaw galing sa pamilyar na boses ng taong kanina ko pa gustong makita. Agad tumibok ng mabilis ang puso ko. Agad ding gumuhit sa labi ko ang isang matamis na ngiti. Ang sarap, ang sarap sa pakiramdam kahit boses palang niya ang naririnig ko.

Tumingala ako at hinahanap ko kung saan galing ang boses na 'yon at para namang nasa ibang lugar kami nang makita ko si Liam.

Lalong lumaki ang ngiti ko at saka tumayo. Tatakbo na sana ako papunta sa kaniya nang marinig ko ang malakas na busina na halos kinabingi ko. Agad naman napunta ang tingin ko sa van na malapit na sa akin at pagiwang-giwang.

Hindi ako nakagalaw at nablanko na ang isip ko. Parang nag-slow motion ang lahat. Nanginginig akong bumuntong hininga.

Ito na ba. Ito na ba ang katapusan ko? Bakit ngayon pa? Kung saan gusto ko nang magkaayos kami ni Liam.

I didn't hear any sound except of the sound of Liam's calling my name. Ang saya ko dahil nakita ko siya muli pero nakakalungkot lang dahil mukhang ito na ang huli. Ni hindi ko man lang natikman uli ang halik niya. Ang lupit mo talaga tadhana.

Napalunok ako. Kung ito talaga ang nakatadhana sa akin, wala na ata akong magagawa kundi ang tanggapin na lang. Nagsimula naman tumulo ang luha ko.

Mahal kita, Liam. Kahit saglit lang tayo nagkasama naging masaya naman ako. Kahit hindi natupad ang hiling ko na makasama ka habang buhay at magkaroon ng mga anak masaya parin ako. Pero sana huwag mo akong kalimutan.

Napalunok ulit ako at pumikit. Tanggap ko na na hanggang dito nalang tayo, Liam, kahit ayaw ko pa.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng mabibigat na luha sa aking mga mata habang hinihintay ang pag-impact ng van sa aking katawan. But the last thing I know was being push harshly na kinagulat ko at napahiga ako sa daan. 

Bumangon agad ako at tumingin sa aking harapan. At wala pa sa isang segundo nanlaki agad ang mga mata ko at parang tuluyang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko nalang si Liam na nakahiga na sa daan, hindi gumagalaw at naligo sa sariling dugo.

Hindi. Hindi totoo 'to. Hindi. Huwag. Panaginip lang 'to. Pero

"Ma'am. Okay lang po ba kayo?"

Agad ako napaluhod.

"LIAM!!"

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now