Iva's POV;
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay ko. Ehem 'ko', kahit bahay lang ito ni Liam. Well, asawa na niya ako kaya kung ano ang kaniya ay akin din. Bwahahaha!
Nasa couch si Liam habang ako naman ay nasa sahig. Oh, diba, napaka-gentleman talaga ng lalaking 'to. Imbis na ako ang nasa couch siya pa 'yong nakahiga.
Nagreklamo pa ang g*go na masakit daw katawan niya, e ano pa ako? Sino kaya tinira, nuh? Bwiset 'to, sarap ipakain sa 'kin e- I mean sa buwaya.
Ano ba 'yan.
Masyado na akong sinumpa ng yelong Liam na 'to.Nagtataka ba kayo kung bakit nasa bahay si Liam ngayon? E kasi ganito 'yan, day off niya ngayon, tapos.
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit sinipag siya tirahin ako kagabi. Akala mo hindi siya nakakain ng isang linggo, gan'on siya kagutom mga bes.
Grabe, 'di parin talaga mawala-wala sa isip ko na naka-round nine kami kagabi. Hindi ko na nga maalala ang ibang nangyari. Hula ko hinimatay na ako sa oras na 'yon.
Agad ako napatalon sa gulat nang maramdaman kong may gumagapang sa bandang leeg ko dahan-dahan papunta sa hinaharap ko.
Napasingkit nalang ako ng mata at hinampas ang kamay niya para tumigil. Natawa naman siya at inilayo na sa akin ang kamay niya.
"Baliw ka, Liam. Hindi pa ba sapat 'yong kagabi at gusto mo pa ulit gawin. Maawa ka naman sa junior mo, napapagod din 'yan.", ang reklamo ko. Hindi siya sumagot. Psh, cold talaga.
"Oy, gutom na ako.", ang mangiyak-ngiyakkong sabi.
"Ba't ba kasi pina-day off mo 'yong mga maid kahapon, mamayang gabi pa naman balik ng mga 'yon kasi malalayo bahay nila. Tignan mo naman 'yong tiyan ko, oh nagsilawlawan na.", ang patuloy ko.Hindi pa kasi ako nakakain ng hapunan kagabi dahil agad-agad ba naman ako sinunggaban ng loko.
"Pinauwi ko sila para 'di nila marinig ang ungol mo. Ang lakas kaya."
Para naman akong binuhusan ng ketchup sa kapulahan. G*go 'to, ah.
Kailangan pa talaga sabihin 'yon? At nilakasan niya pa, wala siyang awa. Bakit siya, hindi nasarapan? Ha. Kung alam niya lang.
Tinignan ko 'yong mga junk foods at coke sa mini table na nasa harap ko. Grabe, ito 'yong tangahalian namin mga bes.
Magaling naman ako magluto ang kaso ngalang tinatamad lang ako. Ito naman si Liam, akala mo bato na nakapatong sa kama. Hindi siya gumagalaw at nakatutok lang sa t.v., ne hindi nga siya kumuha kahit isang piraso ng pagkain, e. Ako lahat nakaubos.
Minsan nga napapaisip ako. Tao pa ba 'to?
"Liam.", ang tawag ko habang ang mata ko ay nakatutok sa palabas.
"May girlfriend ka?", ang wala sa plano kong tanong.
Bakit ba? Gusto ko itanong, e. Imposible naman kasi na walang nagkakagusto sa kaniya e gwapo naman siya at maganda ang pangangatawan.
'Tsaka kung may girlfriend siya bakit niya pa ako pinakasalan, 'diba.
"Meron."
Agad ako napatingin sa kaniya. Parang tumigil ang mundo ko nang marinig 'yon.
"Pinagloloko mo ba ako? Kung may gf ka bakit mo pa ako pinakasalan?", ang medyo naiinis kong sabi.
Na-hurt ako sa sagot niya, ah. Ang gulo naman kasi nito, kung sino-sino pinapakasalan e may gf na pala siya. Ako naman ay si tanga-tanga, hindi tinanong kung may gf siya, diretso 'oo' agad.