CHAPTER 28

1.4K 40 11
                                    

Iva's POV;

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Liam at nandito siya ngayon sa tabi ko, tahimik lang at hindi kumikibo.

Bakit nga ba ako pumayag na pumasok sa kotseng 'to?

Halos ang bilis ng nangyari at bad timing ang pagpunta niya rito.

"Uhm, hindi pa ba tayo aalis?", ang pagbasag ko sa katahimikan.

Tumingin siya sa 'kin kaya parang nanigas 'yong mata ko na nakatingin sa harapan.

"Aalis na.", ang malamig na sagot niya sa 'kin.

Nakatingin parin siya kaya pinilit kong maging steady.

"E bakit ayaw mo pa paandarin-""

Nagulat nalang ako at napaurong nang lumapit siya sa 'kin at hula ko ay 3 inches nalang ang layo naming dalawa.

Agad namula ang buo kong mukha at hindi humihinga.

Shemay! Kalma ka lang, Iva. Okay lang 'yan, si Liam lang 'yan. . .

"Safety first."

Lalo namang lumapit siya sa 'kin at ramdam ko na ang pagtama ng katawan niya sa katawan ko.

Hoh! Okay lang 'yan, Iva. Kalma lang, normal lang 'yan. Huwag mong kagatin labi mo, malandi ka!

Lumayo na siya sa 'kin.

Haay, salamat. Akala ko maii-stroke na ako sa tindi ng nararamdaman ko, e!! Baka mamaya niyan makalimutan ko na naman ang kontrata at mahalikan siya ng may kasamang pagmamahal, ayieut!!

Pinaandar na niya ang kotse.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na siya nagsalita.

Hindi ko talaga maisip na pinuntahan ako ni Liam sa 'min para sunduin ako. At hindi ko rin alam kung nagpapanggap ba siya na maging okay at kalmado sa harap ko.

Sa sinabi ko sa kaniya kanina sa opisina ay nakakahiya talagang harapin uli siya. Ang pinakitang reaksyon niya sa pag-amin ko ay isa sa mga bangungot na nangyari sa 'kin.

Ngumuso ako.

Dapat pala pinigilan ko nalang 'yong sarili ko n'on.

Nagsisisi tuloy ako. Alam ko na may magbabago talaga sa 'min. Isa na d'on ay hindi na siya magiging sweet sa 'kin. Huhuhu, iyak

Tahimik lang si Liam habang nagmamaneho habang ako naman ay kating-kati na magsalita.

"Ah, may radyo pala rito dapat sinabi mo. Magpatugtog tayo.", ang basag ko sa sampung minutong katahimikan.

Grabe, nagulat ako sa sarili ko na nakaya ko 'yon. Sa school nga lagi ako nalilista sa noisy, minu-minuto kasi ako nagsasalita, hindi ko talaga mapigilan.

Hindi niya ako kinibo kaya naningkit ang mata ko. Sabi ko na nga ba, e.

Inopen ko na ang radyo at pabagsak na sumandal.

Alam ko naman na mangyayari 'to pero kung nangyayari na kasi nakakaurat lang talaga. Naiinis ako kapag hindi niya ako pinapansin.

Dapat kasi hindi na niya ako sinundo. Nagmumukha pa tuloy na kasalanan ko.

("Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling~.")

Napataas nalang ang kilay ko nang marinig ko 'yon.

("At ngayooon~, nandiyan ka naaaa~. 'Di mapaliwanag ang nadaramaaa~.")

Napasingkit nalang uli ang mata ko.

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now