Iva's POV;
Punyeta. Nawala tuloy 'yong inis ko sa kaniya , kaines.
"Ayoko nga sabi e! Layuan mo na ako! Akin na 'yang ku-" Yawyaw niya habang naka-duck cover and hold parin. Pinipilit naman niya abutin ang kumot na hawak-hawak ko pero agad ko ito ibinalibag sa kung saan.
"Iinumin mo 'tong gamot o pati 'tong baso ipalunok ko sa 'yo." Malalim at may banta kong sabi na kinatigil niya. Agad naman niyang iniangat ang kaniyang ulo at nanlalaking mata niya akong tinignan. Umayos agad siya ng higa.
"Akala ko umalis ka." Malungkot at takang tanong niya sa 'kin saka yumuko. Lah. Nahihiya ba siya? O my ghad. Earth? Is this earth?
"Umalis na ako pero bumalik din." Malamig kong balik. Nakita ko naman kung paano nabuhayan ang mukha niya.
"Naiwan ko kasi 'yong bag ko kaya wala akong pamasahe pauwi." Tuloy ko. Psh, kasinungalingan. Nasa labas lang naman ako ng kwarto na 'to at pinapakalma ang sarili dahil sa kaniya.
Agad namang lumaylay ang gilid ng labi niya at yumuko ulit. Pfft, ang cute niya. Ano ba! Huwag ka ngang ganiyan, kitang nagpapanggap akong nagagalit sa 'yo, e.
"Kung gan'on, umuwi ka na. Okay lang ako." Mapait niyang sabi saka tinuro kung saan ang bag ko. Nyay, tampo ka gurl?
Nag-cross arm ako. "Inumin mo muna 'yang gamot mo saka ako aalis." Pagpupumilit ko.
"Tsk, ayoko nga-"
"Magagalit ako sa 'yo." Banta ko ulit. Agad naman siyang bumangon at kinuha ang gamot at tubig. Napangiti ako.
Ininom na niya ang gamot at halos masuka-suka siya nang hindi niya agad nalunok. Hahaha, ano ba 'yan nakakatawa.
Patago naman akong ngumiti dahil ayaw kong makita niya akong masaya. Naghihiganti nga ako diba, sayang kung matatapos lang ng ganoon kadali.
Napansin ko naman na nahihirapan siyang makaupo pabalik kaya agad ko siya nilapitan para alalayan. Nang makaupo na siya ng maayos ay nagtaka nalang ako nang makita ko ang ngisi sa kaniyang labi. Kumunot ang noo ko at lalayo na sana sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko at pwersahang hinila papunta sa kaniya. At sa isang kurap lang ay nakaupo na ako sa hita niya. Agad naman nag-init ang buo kong mukha.
"L-liam. T-teka-" Napakapit ako sa unan nang maramdaman ko ang isa niya kamay na marahang dumadaosdos sa aking bewang.
Bumibigat ang bawat paghinga ko habang pinipilit kong mag-isip ng matino. Syete! Hindi ko ito inaasahan! Di ako prepared!
"Huwag ka ng magalit sa akin, please. Sorry na."
Para namang hinampas ako ng pana ni kupido sa ulo at agad na kumabog ng mabilis ang aking puso.
Napalunok ako nang makita ko ang mga mata niya na tila ba'y nagmamakaawa ngunit nang-aakit din sa akin. Ramdam-ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat. Ang kamay naman niya na nakahawak sa isa kong kamay habang ang isa naman ay nanatili lang sa aking bewang.
Napalunok ulit ako at shemay! Hindi na ako humihinga!!
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pinipilit na tumayo pero agad ako napatigil nang lumipat ang isa niyang kamay sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Liam, ano ba! Bitawan mo 'ko." Ang bulong kong sigaw sa kaniya habang pinipilit lumayo pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya at ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang katawan na dumikit na ng tuluyan sa akin.
"Ayoko. Na-miss kitang yakapin. Kung ito lang ang way para mapalapit uli sa 'yo, pwes minu-minuto kitang yayakapin." Ang bulong niya sa leeg ko. Wala naman akong mahanap na isasagot. Basta ang alam ko lang ngayon ay ang landi niya!
"Bitawan mo na ako." Matigas kong sambit. Waaah!!! Ayoko pang bumigay!!
Napakurap naman ako nang tignan niya ako sa mata sa mata. "Hindi mo na ba ako mahal?" Tila nagulantang ako sa tanong na 'yon.
Takte, ano ka ba. Kung alam mo lang na naubos na ang pana ni kupido kakapana sa puso kong matambok. Gigil mo ko ah, halikan kita diyan e.
"Bitawan mo nalang kasi ako." Kinakabahan kong sagot sa kaniya dahil bes, pinagpapawisan na ako ng malameeeg.
Natigilan nalang ako nang bahagyang lumapit ang mukha niya sa 'kin. "Mahal kita, Iva." At walang pasabi-sabi ay hinalikan niya ako sa labi.