Iva's POV;
Agad nablanko ang isip ko sa sinabi ng babae.
Maxine Fort? Parang narinig ko na 'yang pangalan na 'yan, ah. Saan at kailan ba?
"At ako lang ang nag-iisang secretary ni Liam."
Hindi ako nakapag-salita, nananatili lang akong nakatingin sa kaniya.
Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Sa tono ng pagkasabi niya sa word na 'secretary' ay agad ako kinutuban.
Pamilyar ang kutob na 'to, naramdaman ko na 'to dati.
Napakurap naman ako nang ngumiti 'yong Maxine. Ngayon ay mukha na naman siyang anghel.
Ha? Naguguluhan na ako? Bipolar ata 'to, eh?
Naputol ang aking pag-iisip nang may maramdaman akong pumulupot sa bewang ko.
Napatingin naman ako kay Liam nang tumabi ito sa 'kin at ngayon ay nagtataka ako kung bakit masama siyang nakatingin kay Maxine.
Bigla naman akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam pero para bang nakaramdam ako ng secure galing kay Liam.
Ang sarap lang sa feeling.
"She is my wife, Maxine.", ang malamig na sabi ni Liam
Agad nagulantang ang puso ko sa aking narinig.
Napatingin ako kay Maxine at kita ko na hindi na maipinta ang mukha niya.
"And I think, that's enough para malaman mo kung sino ang kinakausap mo. I'm your boss, at ayoko na tinatakot mo ang asawa ko."
Napanganga ako sa sinabi ni Liam.
Teka nga, si Liam ba talaga 'to? Kasi kung oo. . .
Shemay! O my gash! O my gash! I can't breath! I can't breath! HUUH. PUT@NG IN@!!!!!!
Hindi ko inaasahan 'yon, ah!
Akala ko ididikta ni Liam lahat ng kagaguhan na pinaggagawa ko sa buhay simula n'ong ikasal kami! Hindi ko alam na iyon ang sasabihin niya! Nagulat talaga ako!
Grabe, kunti nalang maiiyak na ako sa sobrang tuwa! Ambaet niya ngayon mga bes! At, "Ayoko na tinatakot mo ang asawa ko.", iyon! 'Yang line na 'yan ang nakapagpakilig ng sobra sa pempem ko, bwiset!!!
Kainis, ah. Dahil natuwa ako sa sinabi mo Liam, may reward ka sa 'kin mamaya. Hahahaha!
Naputol naman ang kasayahan ko nang magsalita 'yong Maxine.
"Yes, I know. I'm so sorry, Mr. Belcher. Call me if you need anything. Excuse me."
Ang madiin na sabi ni Maxine. Napalunok naman ako nang tignan niya ako ng masama.
Agad ako tumingin sa ibang direksyon.
"Ano bang pangalan ng ex mo?"
Agad napataas ang kilay ko nang biglang pumasok sa isip ko ang tanong na 'yon.
"Maxine.", ang naibulong ko sa hangin.
Tumingin ako sa babae na papalabas na ng opisina ni Liam.
Ngayon naalala ko na. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya. Ang tanga ko, hindi ko agad nakilala ang pangalan na 'yon.
Kaya pala ganoon makatingin iyon sa 'kin dahil siya 'yong - teka, teka lang. Maraming Maxine na pangalan sa earth, baka naman ibang Maxine 'yong tinutukoy ni Liam.
"Iva."
"H-ha?", napalingon ako kay Liam. Ngayon ay wala na akong maramdaman na nakapulupot sa bewang ko at medyo nalungkot naman ako ng kunti r'on.