A/N: this is not edited. errors ahead. typo's and grammatical errors might observed!
Iva's POV;
"Buntis po si Ma'am Maxine."
Tila ako'y nalupaypay sa aking narinig. Buntis si Maxine? Sino naman kaya ang ama?
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero bigla nalang namuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata.
Tumingin ako kay Natoy. "Sino naman daw ang ama?", ang mahinang tanong ko.
Tumingin naman siya sa itaas na akala mo ay nandoon ang sagot. "Wala pong sinabi, e. Basta ang sinabi lang ay buntis siya and tapos.", ang naiiritang sagot naman niya sabay tapon ng kahon sa basurahan.
Tumingin ako sa daan at napalunok. Wala pang sinabi si Maxine kung sino ang ama ng kaniyang dinadala pero bakit ang bigat sa pakiramdam?
"Liam.", ang naibulong ko bigla sa hangin.
Agad naman akong natauhan. Hindi. Imposible si Liam 'yon. Matagal na silang wala kaya imposible talaga na si Liam ang ama. Sabi pa nga ni Liam na gusto niya ako, e.
"Huwag mo akong iwan kahit anong mangyari."
Agad ako napatulala nang bigla kong narinig iyon sa aking isipin. Napakagat nalang ako sa aking labi.
Hindi. Imposible talaga e. Ako ang gusto ni Liam, hindi niya magagawa ang ganoong bagay. Takot nga siya na siya'y iwan ko e.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Pero bakit bigla akong kinutuban? Tumingala ako sa langit para pigilan ang mga luhang nagbabandyang umagso na hindi ko alam kung bakit.
"Ang usap-usapan pa na nasa kompanya lang daw ang ama ng dinadala ni Ma'am Maxine. Tsk, kainis talaga."
Agad ko tinignan si Natoy. Ewan ko pero kinakabahan ako, natatakot, at biglang nanghina. Ayaw ko man paniwalaan ang mga boses na pumapasok sa aking isipan pero parang sinisigaw pa lalo nito kung ano ba talaga ang katotohanan.
Umiiling-iling ako. Hindi. Mali itong hinala ko, hinala lang 'to at malaki ang tyansa na mali ako. Ayaw kong maniwala. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko naririnig mula kay Liam ang lahat. May tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako lolokohin.
"Ah, ma'am. Liliko na po ako rito. Sige ho, bye.", ang narinig ko nalang mula kay Natoy pero hindi pa ako nakakasagot ay umalis na agad ito.
Nakatingin lang ako sa kung saan siya dumaan. Lumunok ako. Ito na naman ang mga bumabagabag sa isip ko na tila ba ay pinipilit na si Liam nga ang ama. Hayst, sabing hindi si Liam ang ama, ang kulet .Napasabunot ako ng buhok. Aaarghh!!
Imposible nga talaga kase! Paano si Liam ang magiging ama, diba?! E halos ipagtabuyan na nga niya 'yong Maxine noong araw na pumunta ako sa kompanya niya, e!
Sinampal ko ang pisngi ko. Ne hindi ko nga ma-imagine na ginagawa nila iyon tapos sasabihin pa ng utak ko na si Liam ang ama?! Aba, wansapanatym is a valentine! Charot, corny ko.
Ay basta! Para akong masusuka kapag naiisip ko na nakapatong si Maxine kay Liam! Grarrrk, kadiri, tissue please.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago naglakad uli ng normal. Okay, iisipin ko ulit ng mabuti. Kung buntis talaga si Maxine, ano naman kung ganoon diba? Basta hindi si Liam ang ama, I don't care.
I don't care-e-e-e-e-er*kimbot sa kabila* I don't care-e-e-e-e-er.
Yey! I dont ca-"Mama, anong nangyayari sa kaniya?"
Natigilan naman ako sa pagkikimbot nang marinig ko ang boses na 'yon. Tinignan ko ang bata at nakaturo naman ang hintuturo niya sa 'kin.
"Baliw lang 'yan, 'nak. Hayaan mo nalang siya"