Iva's POV;
"I love you too, bye."
Humarap na si Liam sa kung saan ako nakatayo. Tinignan niya ako habang ipinasok sa bulsa niya ang cellphone.
"Kanina ka pa ba d'yan?"
Napakurap ako ng ilang beses nang magsalita siya.
Naramdaman ko naman na naging normal na ang pagtibok ng puso ko.
Lumunok muna ako bago magsalita.
"Kakain na raw sabi ni Yaya Moning. Bilisan mo habang mainit pa ang pagkain.", ang malalim na sabi ko sa kaniya.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ayaw ko siyang kausapin. Naiinis ako na ewan.
Ang sabi niya sa 'kin kanina na wala na siyang girlfriend, e ano 'yon? Pinagloloko niya talaga ako.
Agad ako tumalikod bago siya makapagsalita pa. Nauna na akong pumasok sa loob habang siya naman ay nasa likod ko, nakasunod.
Nawawala ako sa sarili ko ngayon. Ang sigla na naramdaman ko kanina ay napalitan ng lungkot at pagkalito.
Napabuga ako ng mabigat na hangin bago huminga ulit ng malalim.
May girlfriend ang hinayupak, bwiset.
Nang makaupo na kami ay agad ako nagsandok ng maraming kanin at kumuha ng maraming ulam. Punong-puno ang plato ko ngayon at wala akong paki kung tumaba man ako. Basta ang alam ko lang ay na-iistress na ako.
Sumubo ako ng sunod-sunod. Napapansin ko naman na tumitingin sa 'kin si Liam, hmph bahala siya.
Hindi ko siya kaya tignan ng deritsuhan sa mata kahit sa mukha pa niya.
Mga ilang minuto ang lumipas ay walang nagsalita sa 'ming dalawa at para akong magkakasakit. Pinanganak akong madaldal kaya 'di ko kaya ang ganito.
Ah! Kainis. Iva, magsalita ka. Sabihin mo, "May girlfriend ka pala, puny*mas ka! Nagsinungaling ka pa sa 'kin. Ipabugbog kita sa 'min, hintayin mo lang!", GAN'ON!
Pero ayaw bumuka ng bibig ko. Para tuloy naglalaban na ang utak at katawan ko ngayon.
Hay, hayaan mo na nga. Naiinis din naman ako sa kaniya.
Pero seryoso, girlfriend niya ba 'yong kausap niya kanina?
Baka naman mommy niya lang. Pero wala akong narinig na 'mommy' kanina at 'di naman siya ganoon ka-sweet sa magulang niya.
Kanino lang ba siya sweet?. . . sa'kin? Ayiiee.
Ay! Tama na nga ang pag-iisip ng kung ano-ano, Iva.Kailan ba naging sweet sa 'kin si Liam? S*x lang naman habol niya sa 'kin, eh. Ouch.
So, girlfriend niya nga iyon? Kaasaaaarr!
Nang tapos na kaming kumain ay tinulungan ko si Yaya Moning na magligpit ng pinagkainan habang ang mokong ay dumeritso sa sala at may tinatype sa cp.
Psh, girlfriend niya 'yon panigurado.
Nang tapos na kaming magligpit ay hinayaan ko na ang mga maid na maghugas ng plato.
Pumunta ako sa sala para manood ng t.v.
Nang makapasok ako sa living room ay nakita ko si Liam at nagta-type parin siya sa cp niya.Psh, masyado atang special 'tong girlfriend ni Liam. Unti nalang ay magdidikit na 'yong mata niya sa screen ng cellphone, e.
Umupo ako sa couch na inuupuan rin ni Liam pero hindi ako tumabi sa kaniya. Walang gana kong kinuha ang remote at binuksan ang t.v.
Palipat-lipat ako ng channel at wala akong makitang magandang palabas. Napabusangot nalang ako at ibinalik sa channel na puro cartoon, mabuti nalang may pagka-isip bata ako.
Tumingin sa 'kin si Liam at sa t.v. at sa 'kin ulit bago umiling at ibinalik ulit ang atensyon niya sa cp. Napa 'tsk' ako ng mahina bago nag-roll eyes.
Kaasar talaga siya.
Ang pangit niya. Ang pangit niya talaga pati na 'yong girlfriend niya! Ang papangit nila.
Tinignan ko siya ng maigi at ngayon ko lang napansin na same parin ang suot niyang damit na suot niya kanina bago namin ginawa ang kababalaghan.
"Grabe, 'di man lang nagpalit ng damit. Ang baho siguro niyan, kadiri.", ang bulong ko at tumingin ulit sa t.v.
"Ikaw nalang ang magpalit sa 'kin, okay lang naman.", ang narinig kong sabi niya habang nakatingin parin sa cp niya.
Agad naman ako tumingin sa kaniya habang nakataas ang dalawa kong kilay.
Narinig niya 'yon? Grabe, tao ba siya?
"Ayoko nga. D'on ka sa girlfriend mo baka masayahan pa siya.", ang wala sa plano kong nabanggit. Agad naman nanlaki ang aking dalawang mata at natigilan.
Nakita ko naman kung paano niya ibinaba ang cellphone niya at dahan-dahan na tumingin sa gawi ko.
Napalunok ako.
Walang nagsalita sa'ming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin, na memental black ako lalo na't nakatitig lang siya sa 'kin.
"Sabi ko na nga ba narinig mo, e.", he said coldly at umayos ng upo.
"A-ano naman. Ang cheesy niyo nga, eh. May pa I love you-I love you pang nalalaman, hindi naman bagay. Yuck!", ang sigaw ko sa kaniya at nag-acting na nandidiri.
Hindi siya sumagot. Nananatili lang siyang malamig na nakatingin sa 'kin.
So, totoo nga? Girlfriend niya 'yong kausap niya kanina.
Waah!! Bakit! Umasa pa ako na baka mommy niya 'yon.
Argh! Para na akong mababaliw.
"Sabi ko na nga ba girlfriend mo 'yon, e. Bakit ka pa nagsinungaling sa 'kin, ha?! Pwede mo naman aminin, eh atin-atin lang naman! Grabe ka, purket kasal tayong dalawa ini-easy-easy mo lang ako! Okay lang, sanay naman ako, eh. Bakit naman ako magagalit, 'diba? Kasal lang naman tayo sa papel, kaya malaya parin tayo sa isa't-i-"
Natigil ang pagsisigaw ko nang batuhin niya ako ng unan na hindi ko alam kung saan nanggaling. Sakto namang tinamaan ako sa nguso.
"Araaay!! Tapos ngayon nananakit ka! Sobra ka na, ah! Purket may girlfriend ka lang!", ang reklamo ko at itinapon sa kaniya pabalik ang unan. Wala naman ka effort-effort niya isinalo ito, ediwow.
"Tumigil ka nga. Kung ano-ano nalang sinasabi mo.", ang natatawang sabi niya.
"Wala, wala! Ampapanget niyo! Huwag kayong lalapit sa 'kin mga manloloko!"
Umiling nalang siya at ibinalik ulit ang tingin sa cellphone.
Ayan na naman. Kanina nasa 'kin ang atensyon niya tapos ngayon sa girlfriend na naman niya, tarantado talaga.
Ano kami fishball, piso dalawa? Kaya ayoko sa fishball e, mas bet ko pa 'yong kikyam.
Para namang may kumuryente sa utak ko at may naisip akong gagawin. Nag-aalinlangan pa ako kung gagawin ko ba o hindi.
Naasar talaga kasi ako sa kaniya, e. Hay, bahala na nga si superman.
Tinawag ko si Liam.
"Liam."Tumingin naman siya agad sa 'kin at nagtaas ng kilay, sign na ituloy ko ang sasabihin ko.
Umayos ako ng upo at huminga ng malalim.
Kaya ko 'to.Tinignan ko siya sa mata sa mata.
"Sa 'yo ba 'yong cellphone na color blue sa kwarto?"Nag-isip muna siya bago tumango ng dahan-dahan. Napahalakhak naman ako sa aking isipan.
Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Nabasag ko kasi."