Liam's POV;
Nandito ulit ako ngayon sa labas ng cafe kung saan tuluyan na nga akong binitawan ni Iva. Pero hindi parin ako titigil, hindi parin ako susuko, gagawin ko parin ang lahat para lang bumalik siya ulit sa akin. Yes, if you call me insane then I don't care, kahit anong gawin niyang pagtataboy sa 'kin ay wala itong epekto. I love her and I want her back.
Pagpasok ko sa loob ay agad ako binati ng isang waitress. I just smiled.
"What is your order, sir?", she asked politely pero pansin ko ang pamumula ng pisngi nito. Tsk.
"Ah, I'm just here to meet someone.", ang nahihiyang sabi ko sa waitress. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay.
Tumango-tango ang waitress.
"Can you describe this person, sir? Baka po nandito na dahil may customer din kaming pumasok na same din ng dahilan tulad ng inyo."
Agad namang sumigla ang pakiramdam ko.
"Kung gan'on."
Pinakita ko sa kaniya ang wallpaper ko na si Iva.
Ngumiti iyong waitress.
"Siya nga 'yon, sir. Kanina pa po siya dito. Nandoon po siya sa pinakadulong table.", ang sabi niya at tinuro kung saan si Iva nakaupo. Agad ako tumango sa kaniya at pinasalamatan siya. Akmang tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit.
"But sir, hindi po kasi kami nagpapapasok ng mga customer na hindi umoorder kahit isa. Bawal po kasi tumambay dahil may mga iba pang customer na dito kumakain at umiinom. Pinagbigyan lang po siya ng manager namin dahil ang sabi niya ay mag-o-order daw po kayo.", ang pagpapatuloy niya. Nakatingin lang ako sa kaniya ng mga ilang segundo bago tumango.
"Then, give me a perfect taste of coffee in this cafe.. That's my order. Ito ang bayad ko and keep the change.", malamig na sabi ko sa kaniya. Agad naman itong tumango at umalis na. Napailing nalang ako at bumuntong hininga bago naglakad papunta sa kung saan si Iva.
Nang nasa harapan na ako ng table niya ay napangiti nalang ako. Nakita ko lang naman siyang mahimbing na natutulog. Kahit magulo ng kunti ang kaniyang buhok, maganda pa rin siya kung titignan.
Umupo na ako at ngayon magkaharap na kaming dalawa. I caress her face slowly. The sight in front of me hurts my heart. Her face is pale, her lips is now dry, at mukhang pumayat siya. But she is still the most beautiful woman for me.
"I can't see you in pain.", I whispered habang hinahawi ang buhok niya.
"Kung ayaw mo 'kong makitang ganito, edi lumayo ka na.", a soft then rough voice out of her mouth making my hand go away from her face.
She open her eyes at umupo nang maayos.
"Ikaw ang gumawa nito at alam mo 'yon. Gusto ko na nga lumayo ka na sa akin, diba.", she said with a teary eyes.
I stare at her softly. Hinawakan ko ang isa niyang kamay.
"I'm sorry, Iva. Hindi ko naman talaga sinasadya na may mangyari sa amin ni Maxine. Nagsisisi na talaga ako. Please, bumalik ka na. I love you.", I said, holding her hand tightly but she pull her hand away.
"Iyan ba 'yong gusto mong sabihin sa akin? Kasi sinasayang mo lang ang oras ko.", ang malamig niyang sabi.
"No. Sorry-"
"Stop saying sorry. Alam mo bang dahil sa 'yo lumala pa lalo ang sitwasyon sa buhay ko. Ne, hindi ko nga alam kung paano ko ibabalik sa dati ang sarili ko e. Naguguluhan na ako.", she sobs.