Iva's POV;
Flashback (4 years ago)
Nandito ako ngayon sa cafe sa labas ng school namin. Hinihintay ko si Kenneth dahil may ibibigay ako sa kaniya at tiyak na matutuwa siya.
Pero malungkot ako ng kunti dahil hindi man lang naalala ni Kenneth na 1'st anniversary na ng relasyon namin ngayon. Pero okay lang nasanay na ako na ganiyan siya, napapadalas narin kasi na nagiging makakalimutin siya e.
Siguro pagnandito na siya ay maaalala na niya at baka ay mas masurprise pa ako sa regalo na ibibigay niya sa 'kin.
Ano kaya ibibigay niya sa 'kin? Flower bouquet with harana kaya? Eeiii~ iniisip ko palang, kinikilig na akoow.
Ay bura, bura, baka naman iba. Ayst, huwag ko na ngalang isipin baka 'di pa ako masurprise.
Tinignan ko ang relo ko at lagpas dalawang oras na ako naghihintay rito.
Hay, saan naman kaya nagsusuot ang lalaking 'yon, ayaw ko pa naman na pinaghihintay ako ng matagal.
Tumingin ako sa labas at halos mag-gagabi na.
Hay, may mga gagawin pa ako na kailangan ipasa bukas. Saan na ba kasi ang lalaking 'yon?
Tinignan ko ang regalo na ibibigay ko kay Kenneth at hindi ko maiwasang mapangiti.
Isa itong Canon camera na matagal na niyang gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil mahal. Pero dahil mahal ko siya ay nag-ipon ako para mabili ko ang gusto niya ng hindi niya alam.
Hindi ako kumakain tuwing break time, hindi ako gumagastos except lang kung kailangan, at nagalit pa sa 'kin si mama dahil bakit pataas ng pataas 'yong mga baon ko.
Wala, e. Kung ito ang ikakasaya niya, why not diba? Gusto ko siya makitang masaya.
Nag-inat ako dahil parang nangalay na 'yong mga muscles ko sa katawan.
Asan na ba kasi ang lalaking iyon? Sabi niya ten minutes lang nandito na siya, e magt-tatlong oras na akong nandito. Nagsisimula na akong mainis, ah.
May naramdaman naman akong kalabit sa aking likod.
Agad sumigla ang pakiramdam ko at iniisip na si Kenneth na iyon pero nagkamali ako, dahil ang bumungad sa 'kin ay isang casher ng cafe na 'to.
Napasimangot ako.
"Ma'am, sorry for disturbing you pero magk-close na po kasi kami ngayon. Maaga po kami magk-close ngayon dahil icecelebrate po namin ang anniversary ng cafe.", ang may respetong sabi ng casher.
Bumuntong hininga ako bago tumango.
Sakto rin pala na anniversary rin ng cafe na 'to, kasabay sa first anniversary namin dalawa ni Kenneth ngayon.
Kinuha ko ang kape at ang makapal na paper bag na kung saan nakalagay ang regalo ko para kay Kenneth.
Tumayo ako at nginitian ko muna ang casher bago naglakad palabas ng cafe.
Naiinis ako kay Kenneth. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ganoon nalang ba ka-importante ang pinuntahan niya ngayon kaysa sa 'kin?
Wala naman siyang family problem at ang sabi niya ay wala namang pinapagawa sa kanila ngayon kaya ano ang dahilan niya para ma-late siya ng ganito katagal.
Hay, lagi nalang ako ang naghihintay sa kaniya, kainis.
Tumingin ako sa paligid at halos wala ng katao-tao ngayon. Sabagay, wala ng dumadaang estudyante sa lugar na 'to at pagabi na rin.
Habang naglalakad ako papunta sa parking side ng cafe para kunin 'yong bike ko ay may narinig akong nagsasagutan.
Dahan-dahan akong lumapit sa dingding at nang makasandal na ako ay sumilip ako kung ano ba ang ginagawa nila.
Ehm, may pagkachismosaritsat din naman kasi ako, hahaha bakit ba? Lahat naman siguro tayo, ah.
Nang makasilip na ako ay nakita ko agad ang isang babaeng umiiyak. Pinipilit ko namang tignan ang kausap niyang lalaki pero hindi ko siya makita dahil natatakpan ito ng poster ng cafe.
"Ano nalang ang gagawin natin?"
Ang narinig ko na sabi ng babae habang pinupunasan ang kaniyang luha.
"Hindi ko alam."
Ang mahinang sabi ng lalaki habang nakayuko ito.
Para namang naalerto ako nang marinig ko ang boses na 'yon.
Teka, familiar ah. Napaka-familiar talaga ang boses na 'yon.
Kilala ko 'yon, e. Alam ko kung kanino galing 'yon.
"Hindi ko ito gustong mangyari. Aksidente lang ang lahat ng iyon."
"Pero nandito na, Kenneth. Nandito na!"
Agad sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.
Humigpit ang hawak ko sa paper bag.
"I'm sorry.", ang rinig kong sabi ni Kenneth.
Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit umiiyak iyong babae? Sino ba siya?
Hindi ko na matiis at lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
Agad-agad akong lumapit sa kanilang dalawa.
Nakita ko agad na nagulat si Kenneth nang makita niya ako at ganoon din ang reaksyon ng babae.
Tumigil ako nang makalapit na. Tinignan ko silang dalawa at lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"Anong nangyayari dito?", ang malalim na may nginig na sabi ko.
Hindi nagsalita ang babae at nagsimula na naman itong umiyak.
Tumingin ako kay Kenneth.
Ito ang unang beses na makita ko ang mukha niya na takot na takot. Madalas kasi kapag nag-aaway kami ay agad-agad kami nagbabati pero ngayon ay hindi ko masabi.
Para bang alam ko kung ano na ang mangyayari ngayon.
"Sino siya?", ang nanginginig kong tanong kay Kenneth pero nakayuko lang ito.
Ayokong umiyak, pinipigilan kong umiyak. Ayokong nagmumukhang mahina sa harap nila.
Tumingin ako sa babae nang magsalita ito.
"A-ako si Jessica, classmate niya ako.", ang humihikbing sabi sa akin ng babae.
Humigpit uli ang hawak ko sa paperbag.
May iba akong nararamdaman dito.
"Anong meron sa inyo ni Kenneth?", ang tanong ko habang pinipilit ikalma ang sarili.
Hindi siya sumagot.
Tumingin ako sa boyfriend ko.
"Neth, ano 'to? Sabihin mo, h-hindi ko kasi maintindihan e."
"Iva, magpapaliwanag ako."
Tang*na.
"Anong ipapaliwanag mo!? Ano ba kasing ginawa mo?! Sabihin mo!", ang sigaw ko at tinulak siya bahagya nang akmang lalapit siya sa 'kin.
"Matagal na kaming may relasyon ng boyfriend mo."