CHAPTER 18

1.4K 28 0
                                    

Iva's POV;

Nagising ako dahil may yumugyog sa akin.

"Iva."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napapikit naman kaagad ako nang magtama ang paningin ko sa liwanag.

Ano ba 'yan. Ang himbing-himbing ng tulog ko e, istorbo naman 'tong hampas lupang yumuyugyog sa 'kin.

"Iva."

Hindi ako gumalaw, nagpanggap parin akong tulog.

Gosh mga bes. Sa nangyari kahapon halos hindi ako makatulog dahil ginagambala talaga ako ng ' I'm sorry ' ni Liam.

Para itong multo, kahit saan ako magpunta, kahit ano ang isipin ko bigla-bigla nalang itong nagpaparamdam na kinaayawan ko.

Jusme, akala ko mamamatay na si Liam sa mga oras na 'yon. Lagi siyang nags-sorry na akala mo ay huling araw na niya iyon.

Hay, kung mamamatay si Liam paano nalang kaya 'yong mga anak namin kung wala siya, 'diba . *insert pekeng hikbi*

Charot, masyado akong advance mag-isip, hindi pa nga ako tinuturjaks ulit, hahahaha.

Pero 'yong takot sa mga mata ni Liam kahapon hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o sadyang ako lang ang nag-iisip ng ganoon.

Pambihira naman kasi siya bigla-bigla nalang umaatake, kitang hindi pa ako ready e.

Kung sinabi niya lang na gusto niyang makipag-sex sa akin edi sana nakapag-ready pa ako 'diba, hindi 'yong tatalon nalang siya sa 'kin bigla.

Matagal ng walang nangyari sa amin kaya feel ko talaga na kung dederetso siya ng ganoon panigurado na sisigaw talaga ako sa sobrang sakit.

Grabe, takot ko kahapon.

Akala ko talaga mari-rape na ako. Wow

"Iva."

Ano ba 'to siya, nag-eexplain pa ako, e.

Pwedeng wait muna?

"Papasukan talaga kita kung hindi ka pa gigising d'yan."

Agad naman akong napabalikwas ng bangon sa narinig ko.

At pambihira mga bes, agad nagsitayuan mga balahibo ko d'on, yay.

"Ito na nga, parang ewan e.", ang reklamo ko habang sinasanay pa ang paningin ko sa liwanag.

Nang om-okay na ay agad hinanap ng aking dalawang mata si Liam at nakita ko siya na nagsasalamin at inaayos niya ang kaniyang buhok.

Nakasuot na siya ng suit at halata na handa na siyang umalis.

Napakamot naman ako sa aking ulo at humikab.

"Aalis ka na pala bakit mo pa ako ginising? Ganda-ganda pa naman ng panaginip ko, kainis.", ang reklamo ko nang makapag-inat.

"Kasama ba ako sa panaginip mo?", ang malamig niyang tanong sa 'kin habang inaayos ang kaniyang necktie.

"Paano mo naman nasabi na kasama ka sa panaginip ko?", ang nakabusangot ko paring sabi dahil inisturbo niya ang tulog ko.

Kainis talaga 'to siya. 'Yong mga nakalipas na araw halos wala na siya sa bahay tuwing gigising ako tapos ngayon . . . hayst.

Sino ba talaga ang may problema rito? Ako ba dahil tamad akong gumising ng maaga o siya na hindi ko alam kung bakit siya? Hay, ano ba yan ang gulo.

"Hindi ko sinabi, nag-tanong ako."

Ha, ano raw? Teka nga, rewind. . .

Ah tama, nagtanong nga siya. Akala ko naman kung ano.

"Ahh okay, tapos?", iyon lang ang binanggit ko

Tumawa siya na parang nang-aasar.

"Kaya maganda ang panaginip mo dahil nandoon ako, tama 'diba?"

Napatigil naman ako sa pag-iisip sa sinabi niya.

Ganoon ba kapag nananaginip ka ng maganda, nandoon ang taong gusto mo?

Pero ang panaginip ko ay nasa kagubatan ako tapos nakakausap ko daw ang mga hayop. . .

So, saan siya d'on? Siya ba 'yong owl? Well, may pagkahawig naman siya d'on kaya baka siya nga iyon.

Napatawa naman ako ng mahina nang maisip ko 'yon.

"Tama ka, nandoon ka nga sa panaginip ko.", ang hagikhik kong sabi.

Nagtataka naman niya akong tinignan pero agad iyon nawala at itinuon uli ang tingin sa salamin.

Tinignan ko ang orasan at mags-six palang ng umaga.

So, ganitong oras pala siya umaalis. Ang aga ah, noong dati halos wala siyang paki kung malate siya sa trabaho tapos ngayon akala mo talaga.

Hula ko, mas nauuna pa ata 'to siya kaysa sa security guard na naka-asign sa morning duty, naks impernes nag-mature haha.

Napa-face palm ako.

"Ginising mo lang ba ako para makita kang nag-aayos, ha?"

Humarap ako sa kaniya sabay ayos ng upo. Itinaas ko ang kumot dahil medyo nilalamig ako.

"No.", ang agaran niyang sagot.

"Eh, ano?"

Tumigil siya sa pag-aayos ng belt niya, nagulat nalang ako sa sarili ko nang bigla akong lumunok.

Ano ba yan, epekto ba 'to kagabi? Jusme.

Agad ko iniba ang tingin ko nang humarap siya sa 'kin.

Nagulat ulit ako nang magtama ang aming paningin.

"Bakit?", ang malasiga kong tanong.

Ngumiti siya.

Para namang tuluyang nagising pati kaluluwa ko sa nakita ko.

"I just want to see your cute face before I go to work."

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now