CHAPTER 7

2.3K 40 0
                                    

Iva's POV;

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa habang nakatitig lang sa 'kin.

"Nabasag mo?"

Dahan-dahan akong tumango.

"At nasira ko.", ngayon ay hindi na ako makatingin ng deritsuhan dahil agad nagdilim ang aura na pumalibot agad sa kaniya.

Paktay na. Mali ang desisyon kong sabihin. Napakalaki kong tanga.

Paano na 'to. Mapapatay ata ako ng lalaking 'to.

Tumayo at naglakad siya para puntahan 'yong kwarto namin. Agad naman ako sumunod sa kaniya.

Gusto ko kasi malaman kung ano ang magiging reaksyon niya, kung magiging mahinahon ba siya o mapapatay niya ako ng tuluyan.

Pero ba't gan'on nalang pinapakita niyang reaksyon? Mayaman naman siya, kaya niyang bumili ng bago kung gugustuhin niya.

Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ay agad niya hinanap ang cellphone.

"Saan mo inilagay?"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang kalmado siyang tinanong ako.

Yes, ligtas pa ang katawan ko ngayon mga bes.

"Huwag mo sabihing tinapon mo?"
Ang sunod niyang tanong habang hinahanap pa ang cellphone.

Sasagot na sana ako nang unahan niya ulit ako.

Okay, sige ikaw na lahat. Bahala ka diyan.

"Bakit kasi hindi ka tumitingin, eh. Hindi ka naman bulag."

Aba, g*go 'to ah. Ang sama naman niya sa 'kin.

Gan'on na ba ka importante 'yong cellphone na 'yon para pagsalitaan niya ako ng ganiyan? Pasalamat siya mabait ako kasi kung hindi papalayasin ko siya sa bahay. Wow, napaka-assumera ko.

"Sobra ka naman. E, kasalanan mo rin naman. Kung hindi ka kasi burara, e 'di sana buo-buo pa 'yong pinakamamahal mong cellphone, 'diba. 'Tsaka over react ka naman masyado. Gaano ba ka-importante 'yong cellphone na 'yon para sabihan mo ako na bulag, ha!", ang reklamo ko sa kaniya at nag-cross arm.

Hinayaan ko lang siya maghanap. Bahala siya, hindi ko sasabihin kung saan.

Napaka-engot naman kasi nito. Sino bang tao hindi una titignan ang ilalim ng kama? Siya lang ata, e.

Maski nga ata bata unang titignan kama kapag naglalaro ng tagu-taguan.

Ha! Napakabobo pala nitong Liam na 'to. Paano niya kaya nauto ang papa niya. E, simpleng hanapan lang 'di pa magawa, bobo talaga.

Matalino pa ata ako sa kaniya, e. Yieee~ wazzap mga broooo.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita siyang nakatitig pala siya sa 'kin.

"A-ano? Gusto mo away?", ang paghahamon ko.

Nag-face palm naman siya.

"Nasaan na 'yong cellphone?", ang malalim na tanong niya sa 'kin.

"Hindi mo pa nahanap? Hahaha, shonga ka pala, e.", at tumawa ako ng malakas.

Grabe, lakas ko rin e nuh. Nasa panganib na nga buhay ko nagawa ko pang tumawa.

Napabuga naman siya ng hangin.
"Cellphone 'yon ng company. Hindi mo ba nakita 'yong tatak sa likod? Nasa cellphone pa naman na 'to ang lahat ng information about sa kumpanya. Oh, sabihin mo. Sino ang shonga ngayon?"

Agad ako napatigil at maya-maya pa ay namutla.

Oo nga, nuh. Napansin ko rin na may tatak na logo sa likod ng phone. Waahh! Tama siya, ako ang shonga!

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now