Iva's POV;
Nakatingala ako ngayon sa labas ng kompanya ni Liam.
Sa nangyari kanina ginanahan talaga akong magluto ng pananghalian niya pero ang problema ay hindi ko gusto pumunta sa kompanya niya.
Nagdadalawang isip pa nga ako kung pupunta ba ako rito o hindi. Nakipag-bato-batopik pa ako sa mga maid sa bahay para malaman ko ang sagot at sakto ay nanalo 'yong kalaban ko kaya wala akong choice.
Akala niyo sa side ako ni Liam, nuh? HAHA HINDI.
Mas pipiliin kong magkulong nalang sa bahay kaysa pumunta ako rito, nuh!
Nagtatanong kayo kung bakit? Dahil di ko ma-achieve mga utak nila bes, kapag nakikipag-usap ako sa mga tao sa kompanya feeling ko ang baba-baba ko.
Mga feeling professional sila pero hindi naman, hmph.
At ito pa ang dahilan, AYAW KO SA MGA TINGIN NILA SA 'KIN.
Para akong tinatarget ng snipper tapos lazer 'yong mga mata nila, katakot.
Well, okay lang naman kung iilan sa kanila ay ayaw sa 'kin dahil ako ang pinakasalan ng hindi lang sikat, hindi lang din mayaman, kundi isa ring pinakagwapo na lalaking makikilala mo sa tanang buhay mo.
Oh diba, sinong hindi maiinggit sa 'kin? Ako na nga ata ang pinaka-swerte na tao sa mundo!
Pero mga bes, napapansin ko hindi lang mga babae ang may ayaw sa 'kin. Halos lahat ng tao sa kompanya parang galit ata sa'kin, e hindi ko naman sila inaano.
Naalala ko pa n'on, nagtanong lang ako kung saan 'yong restroom sinabihan ba naman ako ng, "hanapin mo, hindi ko sasayangin ang oras ko sa 'yo."
Grabe sila, nagtatanong lang ako kung saan 'yong restroom pero kung makasagot sila sa 'kin kala mo nakipag-sparing ako sa kanila noong elementary days.
Kaya simula n'on pinangako ko talaga sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik, papasok, at aapak pa sa kompanya ni Liam, pero ano?
Nandito ako ngayon sa harap ng kompanya niya at hindi ko na alam kung nakailang lunok na ako ng laway habang nag-iisip kong itutuloy ko pa ba ito o hindi na.
Tinignan ko ang entrance at masasabi ko na, ang laki na ng pinagbago nito kumpara sa dati.
Ang ganda ng design sa labas. Paano nalang kaya kapag nasa loob na ako, nuh?
Hmm, ilang taon na ba noong tumigil ako pumunta rito? Naalala ko one week palang ng kasal namin ni Liam parang gusto kong gibain 'tong building sa sobrang galit, e. Kaya hula ko, three years na din ang nakalipas.
Grabe, akalain niyo 'yon? Kinamumuhian ko nga talaga siguro 'tong kompanya na 'to.
Pangit ng mga ugali ng empleyado rito kaya ako sa inyo mga bes, huwag na kayo mag-apply rito, magsisisi kayo promise.
Nandito lang naman ako dahil napilitan lang, kung hindi dahil kay Liam hinding-hindi na talaga ako babalik pa rito.
Ibibigay ko lang naman itong pananghalian niya e, pagkatapos n'on malaya na ako.
Bumuga muna ako ng mabigat na hangin.
Okay, diz is zit Iva. Huwag mong kalimutang maganda ka at normal ka, mabait ka rin tapos maganda rin, tapos mabait ulit tapos pretty naman para maiba . . . . ha?
Haaay ewan, kinakabahan na tuloy ako, bwiset!!
Bahala na nga si spiderman, kainis!
Gagawin ko nga 'to para matapos na.