Iva's POV;
Matapos ang pangyayaring pagseselos ko ay naging matiwasay narin ang lahat.
Akala ko ay masisira na ang buhay ko dahil sa cellphone pero nagkamali ako dahil ang cellphone din ang nagligtas sa 'kin sa kapahamakan.
Haa~ my savior.
Galing, nuh. Buti pa 'yong cellphone sinalo ako sa problema, e si Liam kaya kailan niya ako sasaluhin? Charooot.
Huwag ng umasa Iva, masasaktan ka lang. TANDAAN NO 'YAN!
.
Ilang araw na rin ang nakalipas at parang may himalang nangyari kay Liam.
Alam niyo ba kung ano?
Iyon ay ang hindi na siya nakikipagtalik sa 'kin.
Yay, kinilabutan ako sa word na 'talik'. Ewan ko kung bakit.
So, ayun nga. Hindi na siya nakikipagtalik sa akin. Ang si Liam na adik sa s*x ay hindi na nakikipags*x sa akin.
Nakakagulat 'diba? Pati ako na shock din.
Kapag umuuwi siya, lagi siyang pagod. Okay, naman iyon, naiintindihan ko naman dahil nakakapagod naman talaga ang magtrabaho pero parang araw-araw naman ata.
Tapos kapag day off niya ay lagi siyang may pinupuntahan, e hindi naman siya gan'on dati.
Hmm~ I smell something fisshheeyy.
"Tayo'y mag otso, otso
Otso, otso, otso,otso mag otso, otso na.
Mag otso, otso, ohh
Otso, otso, ohh
Mag otso, otso pa."Agad ko naman hinablot ang cellphone ko na dinaganan ni Liam.
Baka kasi magising ang mokong, sapakin nalang ako nito bigla, mahirap na. Nananapak pa naman 'to kahit tulog.
Grabe siya managinip, mga bes. Kahit gusto ko siya tabihan pero nananapak siya kaya wag nalang. Ang mas nakakainis pa niyan ay sakto madaling araw siya nananapak.
Hindi ako nagigising sa mga kababalaghan o multo, nagigising ako sa sapak niya, kaurat. Kaya minsan, sinisipa ko siya kapag nagigising ako. Hindi ko matiis, e.
Mahal ko si Liam pero mas mahal ko parin ang matulog. Hellooo, kapagod kaya tumambay, alam niyo ba 'yon? Lalo na noong nag-aaral pa ako, always hagard.
Pero at least diba. Kahit hindi siya ang unang mahal ko, siya lang naman ang nag-iisang tao na nagpapakabog ng puso ko ng ganito. Ayiie-e-e-e, Liam kiligin ka please.
Ehem, go back to the present
Nang makuha ko na ang cellphone ko ay agad ko tinignan kung sino ang tumatawag.
Napakamot nalang ako sa aking ulo at pabagsak na humiga ulit.
Magmamadaling araw na, ano na naman bang kailangan nitong si mama. Wala pa nga akong pera, eh.
Sinagot ko ang tawag.
"Oh, ma. May kailangan k-"
("Hay naku, anak. Buti sinagot mo.")
Inalayo ko ang cellphone ko sa tenga ko at tinignan kung si mama ba talaga ang tumatawag sa 'kin at tama naman ako.
Ibinalik ko ulit ang cellphone sa tenga ko.
"Ma?"
("Anak.")
Inilayo ko ulit ang cellphone.
Wow, ma iz dat yu?
Kahit kailan 'di niya pa ako tinatawag na anak, ah. May kailangan 'to panigurado.
"Ano 'yon, ma? Halatang may kailangan ah, anak tawag eh.", ang pilosopong sagot ko sa kaniya.