Liam's POV;
Nasa tapat ako ng cafe na sinabi ng pinsan ko. Nagdadalawang isip pa ako na pumunta dahil nagj-joke lang daw siya na hinalikan nung lalaki si Iva. But she still saying that she saw them and I know na hindi na siya nagsisinungaling dahil sinendan niya ako ng pic. bago siya umalis.
Gusto ko na makita si Iva. Hindi ko na kaya na maghintay na babalik siya anytime kung alam ko naman na gusto niya akong hiwalayan.
I already fall in love with her. There's no 'if' anymore. But, Iva had changed her feelings to me slowly, alam na alam ko iyon at nasasaktan ako.
Lumabas ako sa kotse ko at pumunta sa pinto ng cafe pero hindi pa ako nakakarating sa pinto ay nakita ko kaagad si Iva na nakaupo mag-isa sa isang bench na likod lang ng cafe na 'to. Agad gumaan ang pakiramdam ko at humangin ng malakas. Ramdam ko ngayon kung gaano kabilis tumibok itong puso ko.
"Ang ganda niya.", I whispered in the air.
But my smile disappear when I saw her laughing at d'on ko lang napansin na may katabi siya.
That guy.
Nanginig ang buo kong katawan at nag-init agad ang aking ulo nang makita ko na nakangiti rin ito habang nakikipagsagutan kay Iva. Tsk, nagsasaya siya. Well, it's just for today.
Lalapitan ko na sana sila nang bigla nalang kumirot ang puso ko nang yakapin ng lalaki si Iva at hinalikan niya ito sa labi. I only look at the scene without blinking. Agad bumagsak ang balikat ko at unti-unting namuo ang mga luha ko.
Now, I feel the coldness of the wind that hits my body. Gusto kong umiwas ng tingin pero parang nanigas ang mata ko sa gulat.
Suddenly, I feel my anger bubbling up. Wala siyang karapatan hawakan at halikan kung ano iyong akin.
I clenched my fist tightly at lumapit sa kanila. Nakita ko kung paano nagulat si Iva nang makita ako pero hindi ko siya pinansin. Nang nasa likod na ako ng lalaki, I immediately threw a punch directly on his face. He fell down at gulat na tumingin ito sa 'kin. Susuntukin ko pa ulit sana siya nang may humawak sa braso ko at tinulak ako palayo.
"Tama na!", ang sigaw sa akin ni Iva. Tumingin siya sa lalaki.
"Kenneth. Okay ka lang ba? ", ang nag-aalalang tanong ni Iva and she quickly kneeled in front of the bastard name Kenneth. Para naman akong nabato sa pwesto ko nang tinignan ako ng masama ni Iva.
"Why did you do that?", she said angrily.
"Iva-", I'm about to come closer to her but she stopped me.
"You have no right to do this. Sa tingin mo ba kapag ginawa mo 'to, babalik ako sayo? Well, hindi!"
Bigla akong nasaktan nang marinig ko 'yon sa kaniya. Gusto kong magsalita, but its like something was stopping me. Nakatitig lang ako kay Iva na ngayon ay masama paring nakatingin sa 'kin. My heart clenched painfully.
"Iva, I know I made a mistake but I can fix this, not now but I will. Please, I need you.", ang pagmamakaawa ko. Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakayuko. A seconds after she start sobbing.
"Ayaw ko na sa'yo.", she said almost whispering. However, I heard it clearly and I don't want to believe that. Imposible na wala na siyang nararamdaman sa 'kin. Bakit ba siya nagsisinungaling.
"Nakalimutan mo na ba? Nagkasundo na tayo tungkol d'on."
"But I didn't agree. Hindi ako sumagot-"
"But everything has ended between us. Simula noong araw na 'yon. Simula noong nabuntis mo si Maxine. Kahit hindi ko alam, kahit hindi mo sabihin, dito parin aabot ang lahat. Maghihiwalay parin tayo sa huli.", she said while wiping her tears away.
"But you promised na hindi mo ako iiwan.", ang nanghihinang banggit ko. Nakita ko naman na inilalayan ni Iva 'yong Kenneth na makatayo.
"Walang kwenta ang pangakong iyon kung ang kalaban ko naman ay bata, Liam. Ayaw ko ngang makasira ng pamilya, diba? Ayoko na ako ang sisihin ng bata. At ayoko ring isipin na ako ang may kasalanan.", tumalikod siya.
"Kaya sumuko ka na. Dahil noong araw na nalaman ko na ikaw ang ama.. binitawan na kita.", She looked at me one last time before walked away, not even turning her head back.
Nakatayo lang ako habang pinapanood ko kung pa'no inilalayan ni Iva 'yong Kenneth hanggang sa hindi ko na sila makita.
Dahan-dahan namang nagsibagsakan ang mga ulan kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Gusto kong tumawa dahil baka panaginip lang ang lahat ng 'to, but sadly, it's real. Sinabi talaga ni Iva ang lahat ng iyon sa 'kin. Our relationship is already ended.
I want to scream, call her name but my throat became dry at wala itong planong bumuka. I want to run and hug her but my feet were glued. Yumuko ako.
Wala akong magawa.