CHAPTER 56

931 25 0
                                    

Iva's POV;

"We are very sorry, Ms. Ivanna. Nagpupumilit kasi si Mr. Liam na gawin namin ito, but he is in good health now. Mabuti nalang hindi gaano naapektuhan ang ulo niya na pwedeng mag-cause ng comatose but thankful hindi iyon nangyari. About his ribs, medyo hindi pa ganoon ka okay but he is recovering, siguro after this month makakalakad at kilos na siya. Iyon lamang sa ngayon, Ms. Ivanna. Again, we are very sorry and have a good day." Ang narinig kong paliwanag ng doctor at umalis na kasama 'yong pisteng machine na halos kinaguho ng buhay ko.

Baliw talaga 'yong Liam na 'yon. Dahil sa kaniya namamaga itong mata ko araw-araw dahil akala ko mawawala na talaga siya tapos... Argh! Baliin ko pa lalo 'yang buto niya, e! Halos limang balde ang niluha ko araw-araw.

Humarap ako sa pinto kung saan nakahilata sa loob si Liam. Dahan-dahan namang kumurba paitaas ang gilid ng labi ko.

Mabuti nalang talaga buhay siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi ko na siya makikita pa. Sa mga panahon na hindi kami magkasama halos mabaliw ako kakaisip kong tama ba na iwan ko siya tapos nang mangyari ang aksidente na 'yon halos hindi na ako makatayo habang nagmamakaawa na gumising na siya. Tapos mangyayari itong kabaliwan na 'to? Nakakayawa bah!

Huminga ako ng malalim bago ko ito ibinuga ng dahan-dahan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang bumukas ito.

Nakita ko naman si Mrs. Belcher. "I'm so sorry talaga Iva kung hindi namin sinabi sa iyo na gising na si Liam. Gusto niya lang kasi makita kung mahal mo pa ba talaga siya. You knew that he is my only son, lahat gagawin ko para sa anak ko. If that's what he wants then why not, diba? He is just madly in love with you." Malambing na sabi niya sa akin.

Kahit naiinis ako dahil pinagtripan nila ako ng tatlong araw hindi ko pa rin kaya na hindi respetuhin si Mrs. Belcher. Kahit kailan wala siyang pinakitang masama sa akin na pwedeng ikagalit ko sa kaniya.

Naglabas ako ng ngiti. "Okay lang po 'yon. Mabuti nga e buhay si Liam." Ang sagot ko sa kaniya. Magsasalita na ulit sana siya nang biglang gumuho si Maxine.

Hay, itong babaetang 'to. Ang galing niya talagang umacting, dahil sa kaniya mas lalong tumamlay 'tong puso ko sa mga binitawan niyang salita kanina. Tsk, kung makakahanap lang talaga ako ng butas na gantihan siya gagawin ko talaga. Masyado siyang perfect e, hmph.

Pero sana maging kaibigan ko siya. Kahit hindi man maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa, nakikita ko naman kung gaano siya kamaaalahanin at ka-loyal sa kaibigan niya. Naalala ko pa na binilhan niya rin ako ng panghapunan nang bisitahin niya si Liam noong isang araw. Kaya naisip ko kaagad n'ong araw na 'yon na hindi naman pala talaga siya ganoon kasama. May pagka-ugaling bruha lang talaga siya na hindi mapigilan. Tch, sayang maganda pa naman.

"My god, Iva! Ba't nandito ka lang? Halos magkanda-iyak-iyak si Liam sa loob dahil bakit ang tagal mo raw. Tsk, alam niyo, nakakadiri itong love story niyo. Masyadong lovable, dinaig pa si cupid at psyche, yuck." Ang malditang sabi niya saka hinawi ang kaniyang wavey hair.

Tsk, kalbuhin ko 'to e. Inggit ka lang kasi.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka maurat lang ako. Kung makaasta kasi akala mo hindi rin kasabwat, tsk.

Tumingin ako kay Mrs. Belcher. "Papasok na po ako. Uhm, aalis na po ba kayo?"

Ngumiti siya sa akin. "Oo, Iva. May kailangan pa akong asikasuhin sa bahay habang ito naman si Maxine ay babalik muna sa kompanya dahil may bumalik na mga investors kaya kailangan talaga siya ngayon doon."

Tumango-tango naman ako. Hindi ko alam na marunong din pala itong si Maxine magpatayo ng kompanya. May pa-takot-takot pa siyang sinasabi sa akin dati, sapakin ko 'to e.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang unahan ako ng bruhilda.

"Nakakainis talaga magpabalik-pabalik sa meeting. Okay sana kung ang gagwapo at professional sila baka magmakaawa pa ako but.. Ugh! Isa lang silang matatandang hukluban na tinubuan ng wrinkles sa mukha, gosh I can't believe na kailangan ko pang mag-adjust para sa kanila."

Bastos 'tong bibig ng bruhilda na 'to, ah. Nakakapang-init ng ulo kahit hindi naman ako ang tinutukoy niya. Isa pang hirit diyan at tatadyakan na kita.

Nakita ko naman na napailing si Mrs. Belcher. "Don't be like that to them, Maxine. Kailangan din natin sila kahit mayaman na ang kompanya." Humarap siya sa akin. "Aalis na kami, Iva. Ikaw muna ang bahala kay Liam, ha. Make sure na uminom siya ng gamot."

Nakangiting tumango naman ako sa kaniya at saka siya niyakap. Yayakapin ko rin sana si Maxine nang irapan niya ako at lumayo. TSK, EDI WAG!

Nagpaalam na din ako. Tinignan ko lang sila habang papalayo sila ng papalayo sa akin. Napabuntong hininga naman ako ng tuluyan.

Mabuti naman at nagiging okay narin ang lahat.

My Husband Is A Sex AddictWhere stories live. Discover now