Iva's POV;
*kacha*
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Brix na nakabusangot ang mukha.
"Saan ka pupunta?" Ang tanong ko rito nang makaharap na.
"It's none of your business."
Agad napasingkit ang mata ko. Ba't siya pa 'yong galit sa aming dalawa. Hagisan ko 'to ng granada, e.
"Saan ka nga pupunta? Sabi ni mama dito ka lang daw." Balik ko ulit sa kaniya at nag-cross arm.
"Tsk, I'm just going out." Inayos niya 'yong bag niya na may design na SpongeBob.
Sumalubong naman 'yong dalawa kong kilay. "At saan nga?" Kaurat, ah. Gusto ko lang naman malaman kung saan siya pupunta, daming dada e.
"Don't act as if you care." Ang masungit niyang sagot sa akin tsaka ako ni-roll eyes. Aba, gago 'to ah.
"Huwag mo akong ma-english-english bakla ka. Baka ipatapon kita sa ring of fire kapag iniinis mo pa lalo ako. Kayo na nga nagsinungaling sa 'kin tapos gaganyanin mo pa ako? Kapatid ba talaga kita?"
"Aba, kasalanan ko ba na engot ka! Hindi mo alam kung gaano kapagod na libangin ka, nuh! Pinahiya ko na nga sarili ko sa ibang tao tapos gaganyanin mo rin ako! Tsk, pasalamat ka binibigyan ako ng pera ni Kuya Liam para magtagumpay ang plano niya. Hmph, diyan ka na nga." Masungit niyang asta at saka inayos ang kaniyang bag at nilagpasan ako with bangga pa sa balikat.
Wow sis, palaban? Baklang 'to parang nasa kanto lang e nuh? Hay naku, itong batang 'to talaga.
"Saan ka nga pupunta? Putapete ka naman, oh. Tinatanong ko lang naman pero kung maka-acting ka daig mo pa si Sharon Cuneta."
Para namang pumutok 'yong ugat ko nang benelatan niya lang ako at tumakbo ng mabilis. Tsk, ganyan ba gawain ng tunay na lalaki? Pinapahalata niya pa na bakla siya, kaurat.
Hooh! Okay, kailangan kong kumalma. Nag-cr na nga ako sa first floor para maging fresh. Masyado na akong ma-effort kong gagawin ko pa ulit.
Pumasok na ako sa loob.
"I don't need that. I don't like the taste. Diba sabi ko na magaling na ako kaya hindi ko na kailangang inumin pa 'yan." Paos at naiinis na rinig ko galing kay Liam na ngayon ay nakataklob sa kumot.Aww, wawa naman baby ko, yakapin ko nga 'to... Pweh! Yakapin my ass! Huwag kang maawa diyan sa kaniya, Iva! Tandaan mo 'yong luha mo na limang balde sa isang araw. Jusme, mabuti nalang hindi lumuwa 'yong mata ko.
"But, sir. Kailangan mo talaga inumin 'to para sa kalusugan niyo. Hindi ka pa ganoon ka-recover." Ang nawawalang pag-asa na rinig ko naman sa babaeng nurse na hawak-hawak ang isang basong tubig at tabletas.
"Ayaw ko nga, e! Bakit ba ang kulit mo?!" Nanghihina pero may inis pa rin na sabi ni Liam at hinigpitan ang pagkakapit ng kumot.
Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo ng lalaking 'to. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sabagay sa tatlong taon naming kasal hindi ko pa siya nakikita na nagkasakit kaya nakakapanibago lang.
"Please, sir. Trabaho din po namin 'to. Kapag may masamang mangyari sa inyo damay po ako r'on."
"Edi ituro mo na ako ang may kasalanan."
"Pero, sir."
"Basta ayoko! Ikaw nalang uminom niyan!"
Napabuntong hininga nalang ang nurse dahil wala na siyang magawa. Tarantado 'tong Liam na 'to, ah. Pinapahirapan ba naman ang magandang nurse na 'to sa kaniya. Akala mo naman gwapo.. ehem.
Lumapit ako sa kanila at ngayon ko lang napansin na kaming tatlo nalang dito. Hm? Saan si Kenneth? Hindi ko siya napansin na lumabas, ah.
"Ma'am." Ang narinig kong bulong ng nurse saka ito lumapit sa akin. Tinignan ko naman ang hawak-hawak nito, baka kasi matapon sa akin ang tubig.
"Salamat naman po at nandito na kayo. Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko kay sir. Araw-araw po siyang ganito pero mas malala na po ngayon. Simula noong binatukan niyo po siya at agad na lumabas sa kwarto lalo pong tumigas ang ulo niya. Sobrang delayed na po ang oras ng pag-inom ng gamot niya ngayon." Mahina niyang sabi at tinignan ako na parang nagmamakaawa.
"Baka ikaw nalang po ang magpapasunod sa kaniya, ma'am. Hindi ko na po talaga alam ang gagawin." Malungkot niyang sambit.
Napakagat naman ako sa labi dahil parang ako 'yong nahiya sa pinapakita ni Liam. Sino ba naman ang nurse na pa-easy-easy lang sa trabaho at walang paki kung anong mangyari sa pasyente. Lahat ng nurse ay gagawin talaga ang lahat para lang sa kaligtasan ng pasyente nila. Isa rin ito sa trabaho nila at mas doble ang pagod kapag hindi sumusunod ang pasyente sa kanila kaya ramdam ko kung ano ang nararamdaman ngayon ni Ms. Nurse. Alam ko 'to dahil doctor si Tricia at ang dami niyang kaik-ikan na sinasabi tungkol sa ganitong bagay. Ang swerte ko nga dahil kaibigan ko siya. Kapag nagkasakit ako libre lahat ng gamot sa akin e, hahaha.
Tumango nalang ako ng dahan-dahan sa nurse at kinuha sa kaniya ang basong tubig at ang gamot. Hindi ko talaga alam na daig pa ang naka-drugs sa inaakto ni Liam ngayon.
Malaking ngiti at nabuhayang aura ang agad na nakita ko sa nurse. "Maraming salamat po, ma'am." Tanging ngiti lang naman ang ibinalik ko sa kaniya. Lumabas na siya.
Lumapit ako kay Liam at humugot ng maraming hangin bago magsalita. Kasalanan ko rin dahil agad ako umalis sa harapan niya kanina pero mas kasalanan niya dahil pinaiyak niya ako ng sobra.
Halos magkanda-hika-hika ako kakaiyak tapos malalaman ko nalang na gising na pala siya. Hey bro, wazzap, gusto mo tadyak?
Nakatingin lang ako sa kaniya na nakatakip parin ng kumot ang buong katawan. Ugok talaga 'to, kilaking tao hindi marunong lumunok ng tabletas.
Inilapag ko muna ang tubig at gamot sa katabi niyang table at saka hinablot ng mabilis ang kaniyang makapal na kumot. Agad ko namang pinigilan ang tawa ko nang makita siyang naka-duck cover and hold.
Punyeta. Nawala tuloy 'yong inis ko sa kaniya , kaines.