Iva's POV;
Ilang linggo narin ang lumipas noong pumunta kami ni Liam sa bahay ko. At masasabi ko talaga na ang perfect.
Perfect kaming dalawa... Kyah! Charooot~
Ay basta perfect, hahaha.
"Aahhh."
Ang mistulang nasabi ko nang makaupo ako sa sofa bed dito sa sala.
Hapon na ngayon at ilang oras nalang ay uuwi na si Liam. . . kung uuwi siya.
Napapansin ko na kasi na napapadalas na ang pag-uwi niya ng madaling araw o di kaya naman ay sa susunod na araw na siya nakakabalik dito sa bahay.
Tinanong ko siya kung bakit ganoong oras na siya umuuwi pero ang lagi niya lang sagot sa akin ay marami raw inaasikaso sa kompanya at ewan ko kung totoo ba.
Nakakapagtaka naman kasi. Kung busy talaga siya sa trabaho edi sana dati pa dapat siyang umuuwi ng late, 'di ba.
Pero ngayon ko lang siya nakikitang ganito, e. At mas malala pa niyan ay halos hindi na kami gaanong nagkikita.
Hindi ko na siya naaabutang umuwi o kaya naman ay gumigising sa umaga. Well, dati pa naman talaga siya gumigising ng maaga pero ngayon parang nasobrahan naman ata.
Hay, namimiss ko na siya.
Nakakasad tuloy.
"Haaay, kung may trabaho lang sana ako hindi ako mab-bored ng ganito. . . pero ayaw ko pang magtrabaho, eeee."
Humiga ako at bumukaka ng husto, tumingin ako sa chandelier.
Bored na bored na ako rito sa bahay ni Liam at para bang mistula akong nakabilanggo.
Hindi naman ako makagala kasi wala akong pera. Hindi pa ako binibigyan ng hinayupak kong asawa, kainis.
Tapos sila yaya naman ayon tulog dahil pagod daw kaya hinayaan ko nalang sila. Hah, pusong mamon kaya 'to dre.
Waahh! Gusto ko ng makita mga kaibigan ko pero halatang mga busy ang mga 'yon, ne hindi man nila akong nagawang tawagan kahit isang beses, psh. Gagantihan ko talaga sila, akala nila ah.
Waahuhuhuh! Gusto ko ng mag-party-party, clubbing o kaya naman ay mag-shopping pero ano. . . wala! Hindi ko magawa! Pambihirang buhay 'to, oh.
Tapos wala pa si Liam, ilang araw ko na siyang hindi nakikita, waaah triple kill 'to puch@!
"Liam, umuwi ka na. Miss na k-"
"I'm home!"
Agad ako napatalon sa pagkakahiga at napaupo. Nakita ko naman si Liam na nagtatanggal ng necktie.
Jusko fow! Para akong aatakihin sa puso dahil sa kaniya. Bwiset naman kasi 'to, bigla-bigla nalang sumusulpot.
Pero to be honest, sumigla na ako ngayon hehe.
"L-liam, ang aga mo naman ata. Hindi ka ba mago-overtime ngayon?", ang tanong ko nang makalapit ako sa kaniya para kunin ang briefcase niya.
"Hindi. Bukas ko nalang ipagpatuloy 'yong mga papeles for the upcoming project.", ang sagot niya nang matanggal na niya ang necktie at umupo sa couch na katabi lang ng sofa bed na hinigaan ko kani-kanina lang.
Tumango lang ako bago ako bumalik sa sofa bed.
"Sila Yaya Moning?"
"Ah, nasa kwarto nila nagpapahinga."
Tumango lang siya
Tinignan ko siya at halata sa mukha niya ang pagod.
Napalunok naman ako ng wala sa oras nang tanggalin niya ang kaniyang suot na white button shirt.