Kean pov:
I can't believe na magkakilala sila ni Floyd. At ang gago manghang-mangha pa ng makita ang kakilala. She is a gorgeous one? Si Mady Lean? Tss. Wala sa hitsura, ang sabihin napaka chicks boy niya talaga kaya kahit panget papatulan na, wala talaga siyang taste. But i can't deny the fact na napahanga niya ako sa ginawa niya kay Mr. Mendez napaka cool ng ginawa niya. Pero ang ipagsiksikan ang katotohanang isa siyang campus queen, this fucking neird magiging crush ng campus? Siraulo lang ang maniniwala nun. Oo nga't halatang magkakilala sila, those bonding they shared sinong mag-iisip na di sila magkakilala?
“What? You mean, nag paplastic surgery lang to?” gulat na tanong ko matapos ni Floyd ikwento kong sino ang gorang na nagpanggap bilang si Mr. Mendez. “Kung ganon nasaan ang totoong Albert Mendez?” di parin talaga malinaw sakin ang lahat kaya panay parin ang pagtatanong ko tungkol sa lalakeng to. “Nakakagulat ang pangyayari dahil ang totoong Albert Mendez ay pinatay na niya. Pati asawa at mga yaman ng totoong Albert Mendez inagaw din niya.” iiling-iling na paliwanag ni Floyd. Napaihip naman ako sa hangin. “Ibang klasi, so who's this man?” enteresadong tanong ko “Oo nga Floyd, sino ba ang bastos na tabachingching na yan?” maangas na tanong ni Mady, pinatong pa niya ang siko sa balikat ni Floyd habang kumakamot sa dulo ng ilong. Napaka baboy talaga, umasta kala mo hindi babae. Ganon na ba talaga sila ka clossed to act that way?
“Ahmp, si Gregor Climente yan, dati siyang kilalang negosyante. Yon nga lang nalugi ang negosyo niya kaya nagawa niyang magnakaw sa iba't ibang kumpanya na ikinagalit ng ilan.” pareho kaming napaisip ni Mady sa paliwanag ni Floyd “Actually, maraming beses ng naaresto yan. Ang kaso nakakalaya parin dahil may mga galamay parin ito sa labas na pwedeng mag access. At nung makahanap ng pagkakataon, nagparetoke na siya gamit ang mukha at katayuan ni Mr. Mendez.” paliwanag pa nito “So, pano siya ulit nakalaya?” biglang singit ni Mady na tila di mapakali. Para talaga siyang lalake kong gumalaw.
“Nung nakulong siya, kinailangan siyang ilipat sa ibang presento dahil marami na siyang kasong kinasasangkutan na puro illegal at kailangan na niyang humarap sa kurte para sa hatol na death penalty. Tapos nung nasa sasakyan na sila biglang nagkaroon ng aksidente dahilan para masunog ang sinasakyan nito.” “Ibang klasi!” di makapaniwalang saad ko. “Don't tell me, nagpanggap pa siyang patay para lang ma achieved ang pagpaparetoke niya?” seryosong saad ni Mady. Nagkatinginan kaming tatlo para kasing may malalim na dahilan ang sinabi nito. “Whoaaa....grabe ang cool ng ginawa mo. Pambihira ka talaga, imaginen mong kahit kamatayan nagawa mo paring takasan?” pang-iiba ni Mady Lean nung mapansin niyang naging reaction namin ni Floyd. “Ikumusta mo nalang ako kay kamatayan hu?” sabay pingot nito sa tenga ng pekeng Mendez “Anong kamatayan ang pinagsasabi mo diyan?” kunot noong tanong ko “Ano namang pinagsasabi nito?” si Floyd na ang hinarap ko mukhang wala akong matinong makukuhang sagot sa panget na babaeng to. “Ang sabi ko, ikumusta niya kamo ako kay kamatayan.” mataray na sabat nito “For sure, mabubulok na ito sa kulungan kaya malakas ang pakiramdam ko na hihilingin niya nalang na mamatay kaysa ibalik muli sa kulungan.” tumayo na ito na halatang may kinikimkim na sama ng loob.
Di agad ako nakapag-react nung makitang binagsak niya ang eyeglasses saka niya inapakan. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ko “Inaapakan to, bakit may problema ba?” napamura ako ng mahina sa narinig “Ipapaalala ko lang sayo, i'm still your boss, kung kausapin mo ako ngayon parang mas boss ka pa sakin ah' baka nakakalimutan mo yon.” eretang sabi ko nung mapansing inaangasan niya ako “Ay sorry naman sir, diko naman nakakalimutang BOSS kita, yong akin lang naman sana tratuhin mo ako bilang BABAE, hindi bilang empleyado lang.” tinarayan pa niya ako habang sinasabi yon. “Wala akong pakialam sa himutok mo, papaalala ko lang ulit sayo na nasa trabaho parin tayo kaya huwag kang magdrama sakin ngayon para tratuhin kang babae dahil kung tutuusin sa hitsura mo ngayon mas lalake ka pa sakin.” natawa ng mahina si Floyd, namula naman si Mady sa pagkaereta. “Oo nga pala, nasa trabaho tayo. Sige lang laitin mo pa ako sir hangga't gusto mo boss naman kita diba? Kaya okay lang na laitin mo ako kahit araw-araw pa hanggang sa ikaw na mismo ang magsawa.” hingal nitong sabi.
“Haha relax kalang Mady, masyado ka namang hype sige ka ikaw rin!” Floyd tap Mady's shoulder at nung magsawa he put his finger on Mady's nose down to her lips diko alam kong bakit parang nakaramdam ako ng kakaibang emosyon habang ginagawa niya yon kay Mady. “I thought may problema ang mata mo?” biglang singit ko, napaatras naman si Mady tapos sabay pa silang nag iwas ng tingin na tila ba nakaramdam ng kunting hiya. “Hu? Ahm...ano kasi...” “Sinong nagsabi niyan sayo insan?” biglang sinalo ni Floyd ang dapat sana sasabihin ni Mady. Inakbayan pa ni Floyd si Mady kaso aksidente namang natanggal ang tali ng buhok niya nung ibaba na ni Floyd ang kamay. Nag-unahan silang damputin ang tali nito kaso aksidente namang nagtama ang mga kamay nila kaya nagkatinginan sila ulit. Sunod-sunod akong napalunok habang dina mapakali. “Salamat!” tila nahihiyang sabi ni Mady. Parang slow mo ang nakikita ko habang nagtatali ito ng buhok.
She looks different habang ginagawa niya yon, bakit parang ang ganda niya na walang suot na eyeglasses. Ahmp, no baka ngayon lang yan, pagod lang ata ako kaya tingin ko maganda siya sa paningin ko.
Nakabalik kami ng opisina na hindi manlang kami nag-uusap. Naeereta talaga ako habang masaya siyang kinakausap si Floyd. Yong ngiting pinakawalan niya na kailanman ay hindi manlang niya ipinagkaloob sakin tapos kung ngitian niya si Floyd kanina singtamis pa sa asukal. Nakakaasar! Pero diko maikakailang maganda talaga siya ngayong wala itong suot na malaking nerdy glasses at dina ganun kabuhaghag ang buhok niya. Bakit kailangan pa niyang magsuot ng makapal na eyeglasses? Siguro nga dahil malabo ang mata niya, tss sayang naman ang ganda niya.
What? Wait, did i say maganda siya? Yuck kadireng utak! Ang laswa...
_ _ _
Update:
Yan na po muna ngayon!
Mas maganda ang next part. Waiting lang mamats😀😃
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Macera"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...