Chapter 54:Other person

46 0 0
                                    

CICIL POV:

Napabuntong hininga nalang ako.. Lately, napansin kong beshy acting so weird. At dahil diko ugaling di malalaman ang katotohanan. I can sense na may tinatago ito sakin.

Before anything else, let me introduced myself first. Syempre, dapat muna ako magpakilala charutt lang.. I'm Cicil De Guzman. Bestfriend ni Mady lean, actually we consider each other like a sister.

At dahil mahal ko tong bestfriend ko gusto ko lahat alam ko kahit pa sekreto nya. Bago ko sya naging bestfriend, madami akong pinagdaanan kasi yong bestfriend niya inagaw boyfriend niya.

Dahilan para maging ganyan siya ka cold like yelo haha. Sige na nga... Start telling stories baka kong ano pa masabi ko haha..

Well, as i have said.... She act so weird talaga. At kakabuntot ko sa kanya dahil lagi na itong lumalabas at diko alam kong ano reason nya basta importante daw.

Napadpad ako sa Hospital ?

Anong gingawa niya dito ? Halos isang oras kalahati akong naghintay sa kanya sa loob ng taxi. Lumabas na ito ng hospital pinasundan ko naman sa taxi dryber at napadpad ito sa sementeryo.

Di na ako nagtaka kong anong ginagawa niya sa lugar na to. Bumaba na ako para lapitan ang bestfriend kong walang ginawa kundi ang umiyak sa harap ng magulang niya.

"Besh" naplingon ito ng tawagin ko. Tumakbo ito palapit sakin saka humagulhol sa pag iyak. "Iiyak mo lang yan dito lang ako lagi!" habang hinahagod ko ang likod nito.

Nang medyo okay na ito saka ako nagsimulang magtanong "Besh, anong ginagawa mo sa hospital ?" kumalas ito mula sa pagkakayakap sakin saka hinyaang dumaloy ang mga luha sa mata.

"G-gusto mo malaman?" sinisinok nitong tanong "Ofcourse, bestfriend mo ako. You can trust me" kinalma nito ang sarili bago nagpasyang bumalik ng hospital ulit.

Habang papasok kami ni beshy sa hospital diko maipaliwanang ang kabang nararamdaman. Naging seryoso din ang hitsura nito. Napaka tapang talaga ng bestfriend ko.

Alam kong di sya okay, pero naitatago niya lahat ng sakit sa pamamagitan ng mga kilos niya. Binuksan niya ng pintuan ng kwarto. Nanlaki ang mata ko ng makita ang familliar na tao na walang buhay na nakahiga sa hospital bed.

Napaluha ako ng makita ang nakakawang kalagayan nito, may bandage ang ulo, braso maging ang kabilang paa. Tanging oxygen at dextrose nalang ang nagbibigay buhay dito.

Ngayon alam ko na kong bakit lahat ginagawa ni mady. Kahit dina makatao ang turing sa kanya ng bago naming boss. Pero nagagawa pa rin nitong mag trabaho ng maayos sa likod ng pinagdadaanang problema.

Nasasaktan ako, matalik ko itong kaibigan pero wala manlang akong magawa. Kung sana si kuya richard nalang ang minahal nito di sana sya nakahiga sa pesteng hospital na to.

Ngayon ako mas kailangan ni beshy. Talikuran man siya ng lahat dito pa din ako. Di ko sya pwedeng iwanan baka di na niya kayanin pa. Ayokong mawala sya sa buhay ko. At kailangan malaman to ng kuya ko.

Pero pano? Ayaw ni beshy na may nakakalam na iba about dito.

"Ms. De Guzman?" nabalik ako sa realidad ng may magsalita "S-sir ?" "Kanina pa kitq tinatawag" striktong sabi nito "Ho?" "May problema ka ba? Kasi kong meron, let me remind you na dapat dimo dinadala dito ang problema mo" napabuntong hininga nalang ako sa narinig.

Ang bad niya !

"O baka gusto mo ng umuwi, i gave you a time to fix your problem wag mong dalhin dito or else..." "No sir, i'm fine!" pagpuputol ko sa dapat sana sasabihin nito.

"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko ngayon. Don't worry ggawin ko pa din trabaho ko ng maayos" pagdadahilan ko nalang "Okay ! Then you should take medicine baka kong mapano ka pa!"

Sounds concern ? Ayeiii kinilig ako sa sinabi ni krass hehe.

"Naks nag alala si boss yummy. Ang sweet naman!" kinikilig kong sabi, nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas.

Pucha.. Ang wafu nya talaga, pamatay ang ngiti niya grabeh!

"Did i say that ? I mean, sinabi ko lang yon dahil obligasyon ko kayong lahat! I'm incharge kaya kong may problem kayo dont hesitate to ask help from me." tapos ngiting pamatay.

Laglag fanty ko nito.... Sobrang wafu nya talaga.

Bumulong ako sa hangin na tila narinig niya "What is it ms. De Guzman?" "Ahm.. Nothing sir, i mean bakit nyo pala ako tinawag? Ui sir hu' bata pa po ako!" pabebeng sabi ko na ikinatawa niya.

Okay naman pala si sir ee. I date ko kaya to minsan... Hanoo daw ? Assuming gurl ? Bakit type ka ba ?

Naipilig ko nalang ang ulo. Epal ng utak kong pwede lang tanggalin tinanggal ko na sana haha. "I was finding Mady but i never saw her. Where is she? Dito yon kanina ee!" nasamid ko bigla ang dila.

"Ms. De Guzman, i'm asking you where is Mady ?" "Ahm... Nasa ani sir..." Pano ko ba sasabihin, diko pwedeng sabihing nasa hospital ito lalo pa't di ito nagpaalam sa boss.

"Ms. De Guzman?" napatitig ako ng mapansing nag iba na ang rekasyon ni sir. Napalingon ako sa mga kasamahan ko. Medyo malakas na boses ni sir, saka magkasalubong na ang kilay.

"Ahm.. Nasa stock room po sya sir!" pagpapalusot ko, buti nalang at wala ngayon si ericka na in charge dun pag nagkataon mabubuking akong nagsisinungaling ako.

Buti nalang at mukhang napaniwala ko ito kasi bago ito bumalik ng office nya binilin nitong papuntahin si mady sa office niya. Napahawak nalang ako ng dibdib habang tinatawagan si beshy.

Kailangan na niyang bumalik bago pa si sir lumabas.

_ _ _

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon