Mady pov:
Masisiraan na ata ako sa babaeng to, napaka warfreak naman ata?
"Alam mo kasi besh, dont care me if i'm acting this way. I'm just... You know about your condition, pano kong nasagasaan ka tapos iiwan kalang ng lalakeng yon sa daan na duguan, sugatan at ang mas worst pa ay-" Umarte pa itong parang naiiyak.
Humarap ako sa kanya while i cross my arms na nakataas pa ang isang kilay, kailan pa to naging madrama? Mukhang tanga lang ang putcha...
"Besh pano kong nabagok ang ulo mo tapos magkaron ka ng amnesia tapos dimo ako makil..." Diko na pinatapos pa ang kaartihan ng beshy ko binatukan ko na ito na ikinagulat niya.
Mukhang tanga kasi.
"Tumigil ka nga diyan, ang lawak ng imagination mo umabot na hanggang sa planetang Mars. Nakikita mo naman akong okay diba?" tumango ito saka nagkunwaring naiiyak parin.
"Tapos ganyan ka kong makareak? Ang arte mo rin nuh!" mataray na sabi ko saka bumalik sa table ko nangulikot ng gamit na nasa ibabaw.
"Ewan ko sayo, kitam nag d-drama ang tao panira ka naman ng moment ee!" diko nalang pinansin ang pag eemut ng beshy ko.
Sa totoo lang diko alam kong matatawa ako sa kapalpakan nito, napaka O.A. naman kasi. Shungaerrs lang...
Napansin kong nakabusangot naman ito habang kinukulikot ang celpon niya malamang naglalaro na naman ito ng ML. Wala ee, adik talaga yan, ako kasi candy crush lang ang alam ko.
"Alam mo besh huwag lang talagang mag k-krus ang landas namin ng iresponsableng dryber na yon. Kasi pag nagkataon, naku ewan ko lang baka kong ano pang magawa ko sa kanya buwisit siya" gigil na sabi ko.
Umayos naman si cicil sa pag upo saka humarap sakin na nakapalumbaba pa "Naeereta naman talaga ako dun. Alam mo besh kong dipa siya nakaalis baka naging kriminal pa ako!" maangas na sabi ko.
"Whei? Mapapatay mo talaga hu? Grabe siya, bakit pangit ba? Kasi kong pangit kawawa ka lugi ka pero pag gwapo ok lang na makriminal ka, gahasain mo muna" "Baliw!" natawa kaming pareho sa sinabi niya.
Sandaling katahimikan ang binasag ko "Actually, ang gwapo niya besh" sabi ko na nakapalumbaba saka iniisip ang gwapong mukha ng guy.
"I can't help but to appreciate his handsome face haha nakakawala ng katinuan ang pagmumukha niya!" pagpupuri ko sa guy.
Gwapo naman talaga siya, badtrip lang ang ugali bukod sa sumplado epal pa.
"Talaga besh? Gwapo siya?" natatawa ako sa reaksyon ni cicil lumapit pa kasi siya sa mukha ko para makipagtitigan. Tumango lang ako ng paulit ulit. "Parang na love at first sight ako!" sabi ko habang nag d-dream.
"Ano daw? Haha so okay lang yon kahit na dina siya mag sorry sayo?" nagkibit balikat lang ako "Ok lang yon, mukhang nabusog ka naman ee, ulam ba? Kanin nalang ata ang kulang ee!" ito naman ang natawa ng tumahimik ako bigla.
"Gaga! Syempre, wala naman akong pakialam sa kanya ni hindi nga ako naattract dun!" napalunok ako ng laway sa sinabi mukhang may kong ano kasing bumara sa lalamunan ko.
Wheee? Yong totoo? Sa loob looban ko.
"Alam mo kasi besh naeereta talaga ako sa lalakeng yon, alam mo yong, i mean ang bastus niya kasi" singhap ko napatakip naman ito ng bibig.
"Ooooh my....gush....besh...bakit ngayon mo lang sinabi?..." kumunot ang noo ko sa naging reaction nito "Sinabi ang alin?" kunot noong tanong ko "Teka, huwag mong sabihin... Hu? Besh... Ok kalang ba talaga?" nanlalaki ang mata nitong nakatitig sakin.
Dipa nakuntento inaalog alog pa ang balikat ko "Mukha kang tanga!" "Besh, naman nag aalala lang naman ako ah!" "Oo na nag aalala kana paulit ulit? Unli? Di maka get over? Shunga nito" mataray na sabat ko.
Tinitigan niya ang katawan ko na para may kong anong something na gusto niyang ipahiwatig nababastusan na ako sa beshy ko hu? I can sense not good from her .....
Arrrggggg.....
"Hui...siraulo ka, alam ko yang iniisip mo, hindi bastos na ginawan ako ng kahalayan or something like what your thinking now. Bruha ka, umagang umaga nililibugan talaga siya? Siraulo ka talaga nuh!" napaisip naman si cicil sa mga sinabi ko.
Utak talaga nito minsan, hmp natatanggal ata ang turnilyo kaya ganyan mag isip adjustable lang? O baka lumuwag kaya ganyan, OVER REACT.
"ee,ano?" umayos ito ng pag upo "Kahit kailan talaga napaka chismusa mo!" pagtataray ko "Nah.... Dali na kwento kana!" saka ipinagpatuloy ang paglilinis ng kuko.
Napapailing nalang ako, kahit kailan talaga, pano kaya magtatagal ang magiging karelasyon namin kong maluluwag ang turnilyo namin sa utak haha.
_ _ _
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...