Mady pov:
Pumasok kami sa isang sikat na bar na nasa bandang Makati na. “Ang layo naman ng binalak nating puntahan para makapag-inom lang beshy.” untag ko mukha kasing lutang ito na tila ba hindi pa nag sisink in sa utak niya ang mga sinabi ko kanina. “Don't mind what i tell kanina, i-ready mo nalang ang sarili mo hindi malabong hindi ka madamay lalo pa't alam nilang kaibigan kita kaya para ma protektahan mo ang sarili mo sumama kana sakin.” blanko ang expresyon ng mukha nitong tumitig sakin. “Don't worry, hindi kita papabayaan. Kailangan lang kita ngayon. Pagkatapos nito, pumunta kayo ng Japan, susunod ako.” “B-besh...” hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito “Delikado na ang buhay mo dahil may nakakita na sayong magkasama tayo kaya para sa proteksyon mo kailangan mo ng kapangayarin galing sakin sa pamamagitan ng grupong tinayo ko, walang maglalakas loob na saktan ka ng walang dahilan.” “Hindi ba yan ilegal?” inosenteng tanong nito “Hindi, papatunayan ko sayong hindi.” ngitian ko ito para mawala ang mga doubtness na nararamdaman niya ngayon.
Masaya kaming nag iinuman at nagk-kwentuhan ng kung anu-ano, napansin ko ring may ilang lalakeng lumalapit samin para makipagkilala at isayaw kami pero wala talaga ako sa mood hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni sir Kean nung makitang duguan ito ng dahil sa pagliligtas niya sakin, kailangan ba talagang humantong sa ganito ang lahat? Nadadamay na ang walang kasalanan. Yan ang huling sinabi ni Floyd sakin bago kami tuluyang maghiwalay sa lugar na yon. Pinaalis na niya ako at siya na ang nagdala sa kotse ni sir Kean, hangga't maari gusto niyang layuan ko ito pero paano ko gagawin yon kung iba na ang sinisigaw ng puso ko ngayon? Pakiramdam ko ako lang din naman ang nasasaktan sa ginagawa ko, satuwing madadamay si sir sa gulong kinasasangkutan ko. Ako din pala ang mahuhulog sa sarili kong patibong.
_ _ _
Pinilit kong iwaglit si sir sa isipan ko, gusto kong maging masaya kahit ngayon lang. Gusto muna kitang kalimutan kahit ngayon manlang Kean Patrick...
Naka dress ako ng kulay red, at kinulot ang dulo ng buhok , inayosan ako ni cicil kahit papano gusto ko ang taste nito mukhang magagamit ko siya para kay black dragon sigurado akong magugustuhan siya nito hindi malabo yon, kilala ko siya babae lang ang kulang sa buhay niya kahit sino papatulan basta gustuhin niya. Sa hitsura ni cicil masasabi kong titino siya, kahit medyo may pagkamaharut ito hindi ito easy to get gaya ng mga babaeng nakakasama niya kung saan saan lang. Kaya alam kong hindi malabong magustuhan niya ang hinanda kong surpresa para sa kanya.Oras na para kilalanin ang totoong kalaban.
“Happy Birthday beshy.” masiglang sambit ni cicil habang inaabot ang maliit na kahon sakin. Gusto kong maiyak dahil sa naisip kong planong gamitin siyang pain kay black dragon, siya lang ang taong nag stay sa tabi ko ng hindi ako nilalaglag. “Parang gusto kong umiyak ng maalalang birthday ko pala.” nagpipigil na sabi ko “Busy ka kasi palagi. Hayaan mo, ako ang laging magpapaalala sayo satuwing makakalimot ka.” hindi ko alam pano mag rereak basta nalang tumulo ang mga luha sa mata ko habang pinakikiramdaman ang pusong naninikip dahil sa guilty.
Hindi ko dapat siya dinadamay, pero kailangan ko lang makasigurong hindi ako tinatraydor ni black dragon. Sorry cicil kung idadamay kita.
“Ay, besh na touch ka ba?” niyakap ako nito ng mahigpit “Masaya akong nagustuhan mo ang surpresa ko.” hinayaan ko ang luha na dumaloy saka ko ito niyakap ng mahigpit. “Patawarin mo ako kung may nagawa man akong mali.” kumawala ito mula sa pagkakayakap sakin saka ako tinulungang punasan ang mga luha “Karamay mo ako kahit anong mangyari, ikaw ang dahilan pano kami nagkalapit ni Kuya richard na dati ayaw nya sakin. Malaki ang nagawa mo para sakin kaya tatanggapin ko ang offer na binibigay mo kahit walang kapalit.” pinilit kong ngumiti saka inaliw ang usapan sa pag-iinom para hindi na ito makapag isip ng masama tungkol sa sinabi ko sa kanyang offer para sumali sa grupo.
Uminom lang kami ng uminom wala kaming pakialam sa sinumang poncho pilatong gustong makipagkilala samin. At nung magustuhan namin ang tugtog tumayo na kami para sumabay sa indak ng tugtog. Aliw na aliw ako habang pinagmmasdan si Cicil na parang bata masyado siyang wild, siguro nga dahil ay may tama na ito sa damu ba naman ng nainom niya panigurado akong malakas na ang tama sa kanya ng alak ngayon. Nakisabay narin ako sa indak ng musika ng bigla akong may maapakan, napalingon ako sabay angat ng mukha para makilala kong sino ang naapakan ko. Humingi ako ng tawad pero di ito umimik, matagal niya akong tinitigan bago siya nagsalita “Kris?” tila di makapaniwalang tawag nito. Nabibingi ako sa lakas ng tugtog pero malinaw sakin na tinawag niya akong ‘Kris’.
_ _ _
“Kris, ikaw nga?” masiglang sabi nito “Ano daw? Ano sabi niya? Tama ba ako Kris?” tila binging tanong ko kay cicil “Hu? Ano? Di kita marinig besh” hindi na ako sumagot pa nung maramdaman kong parang may gustong lumabas sa bibig ko na nang gaaling sa tiyan ko. “Bes, saan ka pupunta?” takang tanong ni Cicil nung mapansing patakbo kong tinatahak ang daan palabas “Lalabas muna ako, nasusuka ako eh” sabat ko “Sasamahan ba kita?” “Huwag na, magpapahangin muna ako sa labas, nasusuka na talaga ako.” hindi ko na hinintay na tumango ito. Patakbo akong lumabas, tinakpan ko ang bibig nung maramdaman ko ang pait na naglalandas sa sikmura ko. Nasa tiyan ko naman ang isa pang kamay para pigilan ang paglabas ng kung ano galing sa sikmura.
At nung makahanap ako ng lugar na pwedeng sukahan, dun hindi ko na napigilan ang sariling hindi maduwal. Sinuka ko halos lahat ng nainom ko, pakiramdam ko parang nailabas ko lahat ng lakas ko. Hinang-hina na ako pero di parin tumigil ang sikmura ko na hindi maglabas ng alak na nainom kanina. Ang dami kong nainom na tiquila, maliban dun hindi na ata ako sanay uminom ng alak ngayon. Hinang-hina na ako pero gusto ko paring masuka. Napapasuklay na ako sa buhok at pinagapapawisan ng malamig. “Here” napadako ang tingin ko ng may biglang mag abot ng panyo sakin.
Pinilit kong tumayo para ayusin ang sarili, kahit pakiramdam ko umiikot ang mundo ko pinilit ko paring makatayo ng maayos kaso bigla naman akong natapilok dahilan para matisod ako nito, sinalo naman niya ako agad bago pa ako matumba.
Napaka gentleman naman ata ng lalakeng to.
“S-salamat!”nahihiyang sabi ko saka inayos ang pagtayo at dumistansya dito “Its okay” nakangiting sabi niya. Sandali ko itong tinitigan, habang tinitigan ko ito napansin kong gwapo pala ang lalakeng to. Naipilig ko ang ulo ng maisip, na dapat ay hindi ako nasisilaw sa kagwapuhan nito. Pare-pareho lang silang mga lalake, papaibigin ka tapos iiwanan karin pala sa huli. Mga manluluko.
Humakbang na ako pabalik sana ako sa loob ng bar ng tawagin ako ng lalake sa ibang pangalan “Kris....” hindi ako agad nakagalaw, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko “Sinong kris? Ako ba ang tinatawag mo?” nilingon ko na ito na may pagtataka, tumango lang ito habang tinititigan ako ng mariin sa mukha. Sa unang pagkakataon napaso ako sa mga titig nito kaya nag iwas ako agad ng tingin “Sure kang ako ang tinatawag mo?” habang tinuturo ang sarili “Kanina mo pa ako tinatawag na kris. Sorry hu' hindi kasi Kris ang pangalan ko.” pang-iignora ko sa lalake.
Nanlaki ang mata ko ng tumakbo ito palapit sakin, ngayon magkaharap na kami. Hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko, tinitigan ko siya sa mata na parang gusto niyang pakinggan ko ang dapat sasabihin niya.
Sino ba ang lalakeng to?
Bakit tinatawag niya akong Kris? Nagkita na ba kami?_ _ _
Update:
Hello!
Sensya na kung medyo matagal ako makapag udd, busy lang talaga ko lasts day pero sisikapin kong makapag udd. Marami pa ang kaganapan, kapit lang... Hehe
Good day!
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Aventura"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...