Mady pov:
Magdamag kaming busy sa opisina kung anong pinapagawa sa amin ni sir lalo na sa akin, magpapabili ng kung anu-ano na pwede namang niyang ipadeliver nalang kaso inatake ata ng topak dahil puro pasigaw kong umutos na ipinagatataka ng lahat. Mas malala pa siya sa mag buwanang dalaw.
“Goodbye sir.” i still continue encoding the report that he need kahit pakiramdam ko bagsak na ang balikat ko, “Bye.” alam kong huminto ito sandali sa may tapat ko pero dahil busy ako pag tingin ko likod nalang niya ang nakita ko. Wala na din si Cicil dahil may imergency silang lakad ni Floyd ngayon. Nagsiuwian na din ang iba pa naming katrabaho.
Hays, sana manlang sinabihan ako ng onggoy na yon na umuwi na. Kupal talaga!
Napahikab na ako ng dahil sa sobrang pagod.
“Santiago?” mabilis naman akong umayos ng pag upo ng marinig ang boses ni Manager Ong “Andito pa pala siya?” pabulong kong sabi saka ulit nag focus sa ginagawa “Santiago,bukas mo na yan tapusin. We don't need to have over time dahil hindi naman urgent ang mga gawain para maging hassle.” napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Ms. Ong while streatching my arms dahil masakit na ang likod ko.
“I talk to sir Kean tomorrow, why he still considering you as an ordinary imployee gayong promoted ka naman?” bigla akong nakarinig ng magandang balita.Oo nga nuh? Bakit diko manlang naisip yon? Pwede ko siyang ireport sa labor of employment pag magkataon dahil sa pagtrato niya sakin.
Mabilis ko ng sinara ang laptop matapos kong isave sa drafs ang files saka ako nagmadaling umuwi ng bahay dahil pasado alas siyete narin ng gabi.
Pagdating ko sa bahay, pabagsak akong umupo sa couch at inunat ang katawan. Mamaya na ako kakaen, idlip muna ako sobrang dami talaga ang ginawa ko ngayon pakiramdam ko mapuputol na ang katawan ko, dagdag pa na mayron ako ngayon.
“What a bad day” yon ang huling sinabi ko bago ko hinayaan ang matang ipikit....
...
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na tunog ng cellphone ko. Kakamadali kong masagot ang tawag at dahil nakapikit ako at kinakapa lang ng bagay na nag iingay, nilapat ko ito sa tenga saka ako nag ‘Hello!’ nagulat ako dahil maingay parin kaya napatitig ako sa hawak na bagay, yong kampany id ko pala ang bagay na nilapat ko sa tenga na inakala kong cellphone.
“Hello! Ano yon?” tinatamad kong tanong sa kabilang linya habang humihikab pa “Mady Lean? Kayo po ba yon ma'am?” kumunota ang noo ko saka tinignan ang cellphone kong sino ang tumawag number yon ng magaling kong boss na bastos at walang puso pero bakit iba ang sumagot? At bakit parang maingay? Asan ba ang onggoy na yon?
“Ako nga, sino ba to? Asan ba si–” “Lasing na lasing na po siya ma'am, sa isang bar po ma'am isend ko nalang po sayo ang exact location” akmang babaan na ako ng pigilan ko “Teka, bakit ako ang tinawagan mo? Check his phone may iba naman siyang pwedeng kuntakin bukod sa akin–” “Sorry ma'am, nung tanungin ko po siya kung may dyber siya sabi lang po niya Mady Lean, wala na siyang ibang binanggit bukod sa pangalang yan bago siya makatulog. Baka ho mapano si sir” “Teka–”
***tooot...toott...
“Langya' anong tingin niya sakin, dryber? Nag level up pa ata lalo ang kakapalan ng mukha ng preskong onggoy na yon. Humanda talaga siya sakin, makikita niya talaga ang hinahanap niya. Iinom-inom di naman pala kaya? Dapat si Grace ang tinawagan niya, hindi ako?” gigil na sabi ko saka ako nagmadaling lumakad palabas.
Bago paman ako tuluyang makalabas ng maalala ko. “Tama, dapat makita niya akong muli hindi bilang si Mady Lean kundi ang long lost love niya na si Kristine Cassandra Lee...” matapos kong ssabihin yon, mabilis akong naligo para makapag ayos bago ko ulit siya harapin...
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...