Chapter 112: Complicated

30 0 0
                                    

Mady pov:

Tila nahimasmasan ako sa mga narinig, ibig sabihin si Kean yong lalakeng nasukahan ko nung gabing yon at hindi si Bryan?

Ang dami mong sinabi buti pa umalis kana at baka malaman pa to ng girlfriend mo na nadito ka sa bahay ng ibang babae at baka ano pang gawin non sakin.” pambabanta ko habang tinutulak ito palabas ang bahay ko.
“I will okay? Lalabas ako dito sa bahay mo just tell me kung paanong napunta sayo ang suit ko?” Paano ba to ginawa? Bakit ba napaka kulit nito?

Inaantok na ako kaya pwede lumabas kana? Kung hindi ka aalis sisigaw ako at sasabihin kong masamang tao ka” pambabanta ko “Hey, you crazy. Kanina ka pa kaya nagwawala at sumisigaw tingin mo walang tengang nakakarinig sa ingay mo hu? Ano sa tingin mo walang matang nakatingin habang nagwawala ka?” napaisip ko.

“Alam ko, kaya umalis kana para hindi na humaba pa ang usapang to.” saka ko siya ulit tinulak “Huwag mo nga akong itulak pwede? Ikaw itong may tupak bigla nalang akong babatuhin ng mga damit na hindi ko naman pag-aari at sasabihing lumayas ako?” natigilan akong muli sa narinig “Hui, anong kadramahan yan? Isaksak mo nga to diyan sa kukute mo na huwag kang umasta na parang magkasama tayo sa iisang bubong para palayasin ako dahil kahit ikaw nalang ang babae sa mundo hindi ko nanaising makasama ka. You wish!” para akong sinampal ng katotohanan sa narinig.

“Sa tingin mo ba may magkakagusto sa isang katulad mo? Wala, dahil kahit sino pang bayaran mo para mahalin ka at kahit mayaman ka pa kung hindi mo naman kayang bilihin ang kaligayahang ninanais mo useless lahat ng mayron ka.” para ako binato ng isang malaking bagay na tumama sa dibdib ko naramdaman ko nalang at biglaang paninikip nito at hapdi sa likod ng binitawang salita ni Kean.

“Wala na akong pakialam kung saan at kung paano mo nakuha ang suit n yan. But i'll swear na kung sino man ang nagbigay niyang sayo at pinalalabas mong nabili mo yan sa ukay-ukay which is not true naman diba?” Tama ka, nagsisinungaling lang ako sayo. Dahil ang totoo ako yong babaeng nasa event nung gabing yon. Matagal na akong nahulog sa lalakeng yon, inisip kong si Bryan yon at malaking kasalanan ang gagawin ko pag nalaman to ng kapatid ko pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Hindi pala si Bryan yon kundi ikaw.

Ikaw ang may-ari ng suit na to na hinahanap-hanap ko.

Nanatili akong nakatanga habang pinagkikinggan ito dahil sa totoo lang hindi ko alam kong anong gagawin? Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sa kanya to o hindi? Pero bakit pagdating kay Kean napakahina ko? Bakit hindi ko magawang saktan o labanan manlang siya? Ano bang nangyayari sakin? Sino ba talaga ako sa buhay mo Kean?

“Kasi sa totoo lang, kanina ko pa iniisip kong iisa lang kayo nung na meet ko that event?” pakiramdam ko tumigil bigla ang tibok ng puso ko sa narinig, parang tatlong beses na nangyari ang pag zoom ng mukha ni Kean sakin. Hindi ko alam kong anong gagawin sa mga sandaling to.
Malalaman na ba niya kung sino talaga ako?

Muli itong nagsalita, makapigil hininga naman ang ginawa ko dahil sa totoo  lang hindi ko na alam kong aantayin ko pa ba ang dapat na sunod nitong sasabihin dahil sa mga sandaling to, pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Until i realized...” Anong sinod niyang sasabihin? Sana mali ako, sana mali tong naiisip ko?

“It's really imposible na maging ikaw yon. She's so gorgeous, matagal ko rin siyang natitigan at malabong maging ikaw yon. Kumbaga, lahat ng mayron siya, kabaligtaran ka nun. Get's mo?” para naman akong nabunutan ng tinil sa lalamunan pero diko parin maiwasang hindi masaktan para kay Mady Lean. Paano nalang kaya kung ganito talaga ang hitsura ko, matatanggap pa ba kaya ako ng onggoy na to? Masyado siyang masakit magsalita hu? Ang sakit ng mga sinabi niya, sobra na niyang niyurakan at nilait ang pagkatao ko at hindi ko dapat palampasin yon.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon