Chapter 71: Kiss

31 1 0
                                    

Mady pov:

“Ahmp....sir, sorry po hindi ko po alam na nandiyan na po pala kayo. Naexcite po akong lumangoy eh p-pasensiya na po.” nagkunwari parin akong walang alam habang iniisa-isang damputin ang mga suot, hinubad ko kasi ang suot na boxer at t-shirt kaya ang lagay naka bra at panty nalang ako. “No, i actually made a mistake, i....i never till you na babalik ako agad.” napangiti ako habang nag iiwas ito ng tingin na parang naiilang.

Ayaw ko sanang idamay ka Kean, pero sorry dahil malaki ang atraso ni red chimni sakin at ikaw ang nakikita kong pain para kumagat siya sa bitag na hinanda ko.

Magbanlaw kana, pagkatapos magbihis kana ma....may damit pambabae dun yon ang suotin mo.” mas lalo akong napangiti, iba ang eneexpect kong magiging reaction niya. Mukhang effective ang plano ko.
“Grabe ang sarap palang maligo sa pool na to” nakangiting sabi ko, nahuli ko ang mga tingin nitong naglalandas sa katawan ko. Nagkunwari akong balisa at nahihiya para makapasok sa loob, wala sa plano ko ang ganitong eksena. Patakbo sana akong papasok ng bigla niyang hilain ang braso ko dahilan para magkalapit ang mga katawan namin.

Alam kong mali to, pero bakit diko siya magawang pigilan?

_ _ _

“I'm sorry for doing this...” sa isang iglap lang, magkalapat na ang mga labi namin. Pinilit kong ilayo ang sarili kay sir Kean, pero nagulat ako sa  ginawa nito bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Para namang may sariling isip ang mga kamay ko, nabitawan ko ang dalang damit saka ko ito niyakap pabalik. A moment of silent, nag respond ako sa mga halik na pinapakawalan ni sir. Its a sweet and tender kiss, habang tumatagal nakakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan habang magkalapat ang mga labi namin. Hanggang sa mapaisip ako.... Hindi pwedeng mangyari to....

Kusa ko itong tinulak palayo sakin, habang yakap ang sarili. Hingal kaming pareho at tila iniisip ang nangyari. “I'm sorry, ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ko. This feeling so strange at ngayon alam ko na ang sagot.” pagkatapos niyang sabihin yon patakbo siyang pumasok sa kabilang kwarto hindi sa kwarto kong saan magkasama kaming natutulog. Napahawak ako sa dibdib, dinig ko ang malakas na tibok nito. Nakakabinging tibok gaya nung una ko siyang nakita. “Hindi pwede to. Hindi ako pwedeng ma inlove. Hinding-hindi.” hinayaan kong lunurin ako ng sarili at nagkulong sa kawalan habang iniisip ang mga kaganapan.

Nabitag ako sa sarili kong patibong? Hindi pwedeng mangyari to, hangga't maari kailangan kong pigilan to. Maling magkagusto ako sa isang tulad niya. Masisisira ang plano ko.

_ _ _

Kean pov:

Tumakbo ako papasok sa kabilang kwarto at pabagsak na sinara ang pintuan. Humiga ako sa kama at nakatingin lang sa kawalan. “Bakit ginawa ko yon?” para akong tanga habang iniisip ang pinagsaluhan naming halik ni Mady. Yong halik na punong-puno ng pagmamahal hindi gaya ng halik na pinagsasaluhan namin ni Grace na puro libog lang ibang-iba ang halik na pinagkaloob sakin ni Mady. “She answer my confussion. Is she feel this way too?”

Bumangon ako at palakad-lakad na tila ba di mapakali. Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Mang Edgar. “Kailangan na naming bumalik ng maynila ngayon. Asan ho ba kayo?” eretang sabi ko “Naku sir, pasensya na po kayo. Hindi pa po kami makakabalik diyan, bukas pa po ng umaga. Kung gusto niyo po isara nalang po muna yan kung aalis na kayo.” napabuntong hininga ako “Hindi pwede, kakatawag lang ni Brent na wag akong aalis hangga't wala kayo baka may mga taong walang magawa ang pumasok dito kahit may nakasulat na private propety to at hindi pa nabubuksan mahirap paring magtiwala.” paliwanag ko “Sige ho sir, susubukan po naming makabalik. Ngayon po kasi ang therapy ni Layla.” “Therapy?” kunot noong tanomg ko. “Oho sir, mah Luchemia po kasi siya.” para akong naistatwa sa narinig “Ganon ba? Okay lang po, hintayin na namin kayo hanggang bukas.” saka ko na ito binabaan.

Napahilamos ako ng mukha habang pabagsak na umupo sa dulo ng higaan. Gusto ko na sanang bumalik ng maynila para iwasan si Mady Lean alam kong nabigla ito sa ginawa ko at hindi siya ganon kagaling makipag halikan pero bakit siya nag respond? “Bakit iba ang dating ng halik niya sakin?” napapangiti pa ako habang hinawakan ang labi ko, hindi mawala-wala sa isip ko kung paano naglapat ang mga labi namin.

Bawat segundo parang bumagal bigla ang takbo, tumahimik bigla ang paligid tanging yong malakas na tibok sa dibdib ko ang naririnig ko sa mga sandaling yon. Habang hawak ito sa beywang at magkadikit ang mga katawan at pinagsasaluhan ang matamis na halik na ipinagkaloob niya sakin. Hindi ganon kaganda para sakin si Mady pero hindi ko maitatanggi na na te-temp talaga akong halikan ang mamula mula at maninipis nitong mga labi na parang tinutukso ka palagi...

***tok...tok...tok...

“Sir, kaen na po tayo.” para akong masisiraan ng bait nung marinig ang boses nito. Hindi ko alam kong magtatago ako o haharapik ito. “Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito? Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko kanina?” hibang na bulong ko sa sarili. “Sir? Andiyan ho ba kayo?” “Aist....naririnig kita, alam mo bang naeereta ako sa ingay mo. Mamaya na ako kakaen di ako nagugutom” pang-iignora ko “Oh sige, bahala ka nagluto pa naman ako ng soup na bagay sa panahon ngayon kasi maulan.” dinig ko ang mga yabag nitong pababa ng hagdan.

Binuksan ko ang bintana to check kong totoo ngang umulan. “Aist...talaga bang nangyayari sakin lahat ng to? Ang malas ko naman. Di na nga umuwi ang mag asawa umulan pa talaga ng malakas? Hayop na buhay oh!” padabog akong bumaba para sana kumuha ng alak at itaboy ang ginawa ko kanina. Ayaw kong magpahalatang apektado ako sa ginawa ko baka kong anong isipin ni Mady. “Ay sir, kaen na po kay...” ito naman ang natigilan sa nakita, parang feeling ko humaba ang baba niya. To the point na kailangan matigilan siya sa pagkaen at pagmasdan ang katawan ko. “I guess you really love the view?” pilyong sabi ko, naubo naman ito at tarantang kumuha ng tubig sa ref. Tumingala pa ito at halatang nagpipigil nakatalikod lang ito sakin at nakatayo naman ako mula sa likuran niya.

Napadako ang tingin ko sa kabuang hitsura nito, yong suot niya ay over size gray t-shirt pero makikita parin ang dulo ng suot nitong swim trunk kung hindi ako nagkakamali naghanap ito ng pwedeng masuot sa gamit ni Brent. Hindi naman niya naisuot ang mga gamit na nasa drawer pinasadya niyang ilagay yon para sa mga couples na gustong mag over night magkasama in unplanned gaya ng nangyari samin ni Mady pero sa tingin ko destiny na ang naglapit samin ng panget kong assistant.

Pero kahit anong iwas ko, she still a woman and i'm still a man hindi malabong di kami magkailangan lalo pa't wala kaming relasyon. She's my secretary and i'm her boss kaya nakakailang nga naman.

_ _ _

Update:

Waaahhhh....

Anong say niyo?
Tingin niyo ba nagugustuhan na si Mady ng boss niya?

Hmmm....gusto niyo na bang malaman?
...geee ako bahala, continue reading at samahan ako hanggang sa huli.😃

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon