Mady lean pov:
Buti pa tawagan ko nalang ang luka lukang babaeng yon nababagot na ako kakaantay ng sasakyan, mukhang dipa naman sila busy sa office ngayon, siguro nga wala pa yong bagong ceo.
Dali dali ko itong tinawagan "Ow. Bakit?" untag nito sa kabilang linya "Wow, maka bakit wagas kong igudngod kaya kita diyan. You want?" eretang sagot ko.
"Haha relax, masyado ka namang hyper. Ang gulo mo kasi nagpapaganda pa ako ee" pagmamaktol nito. "So, p-problemahin ko pa talaga yan?"
"Kaasar ka naman kasi tatawag sturbo kalang ee" "Sus mamaya na yan samahan mo muna ako habang dipa ako nakakasakay" pangungulit ko.
"Kainis ka naman besh nagpapaganda pa ako" "Maya na nga yan" "Epal naman nito" pagmamaktol ni cicil "Ewan ko sayo, alam mo dapat pala inubos ko na muna ang pagkaen ko kong alam ko lang na di pala ako makakasakay" tugon ko.
"Ay wow, concern pa talaga ang pagkaen? Pambihira ka naman besh pati ba naman diyan sa pag aabang mo ng sasakyan pagkaen parin laman ng utak mo? Kaya ka tumataba ee, baka dimo alam na nakakapangit yan"
Napasinghap nalang ako while i rolled my eyes. Ako? Mataba? Di naman ah' pambihira parehong pareho lang talaga sila ni ate kainis.
"Wow! Ow...ee, di ikaw na maganda?" asar na sabi ko "Haha naman!" "Kapal talaga ee, bruha ka akala mo talaga ang ganda ganda mo talaga nuh?" naiinis kong sabi.
"Sexy pati!" "At talagang sinagad muna, sige lubos lubusin mo na hu? Baka lasts day mo na ngayon sa universe ee. " tinawanan lang ako nito sabay sabing...
"I LOVE YOU BESHY, huwag mo ng tanggihan ang i love u ko sabibin mo ring i love u too alam ko namang wala ng ibang nagsasabi sayo nun ee!" Grabe na talaga ang kakapalan ng mukha nito.
"Makapal ba make up mo ngayon?" "Slight!" "Sure?" "Oo nga!" sagot nito "Ah, kaya pala abot langit na kasi ang kakapalan ng mukha mo ee. bongga diba? Di kana ma reach girl!" "Hanep diba?" pang aasar nito lalo sakin.
"Hushh....ewan ko sayo, feeling mo din ano?" humagalpak lang ito ng tawa. "Tawang tawa? Hinay hinay lang besh baka mapagkamalan ka ng baliw!" pabirong sabi ko.
"Sus ang saya nga nun, may diyosang baliw. For sure besh hahanapan agad ako ng cure para magamot agad haha" mayabang na sabi ni cicil.
Napasinghap naman ako "Siraulo! Yumayabang ka narin, dala siguro yan ng madalas mong pagtawa kahit mag isa ka lang haha" sabat ko.
"Haha beshy talaga ok lang yon, ikaw naman kasi ang kauna unahang baliw" "Siraulo ka! Bahala ka na nga diyan baliw!" naiinis kong sabi.
"Alam mo, wala ka talagang kwenta, dika talaga matinong kausap." "Talaga ba?" "Oo, minsan! Ay hindi madalas pala" sabi ko. "Beshy talaga kaya mahal kita ee, pero diko parin kayang higitan ang pagiging queen mo as...You know"she paused for a while.
"You know? What?" singhap ko "Reyna ng mga baliw..." "What?Buwisit ka talaga" sabi ko while i rolled my eyes "Pikon?" tapos sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
"CICIL?"untag ko pero tumawa lang ito ng tumawa kaya naman binabaan ko na siya ng celpon."Buwisit talaga!" Saka ko ulit sinubo ang dalang hotdog na bitbit ko ng tumakbo ako palabas. "Buti ka pa may silbi" bulong ko sa hotdog bago ulit kainin.
.
.
Busy ako kakadutdot ng celpon ng biglang may bumusina sakin ng malakas sa sobrang gulat ko napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada.
Di naman ako nasagasaan pero parang feeling ko ang lakas ng impak na tumama sakin. Di busina lang naman ang malakas wala talagang impak.
O.A. lang minsan kong mag react ako huhu...
I actually seen myself sitting on the ground, hingal na hingal ako habang hinahawakan ang dibdib. Ilang sandali din akong nanatiling nakaupo sa gilid ng kalsada.
Naghintay akong bumaba ang tao sa loob ng sasakyan pero ilang segundo na akong nag antay pero ni anino wala manlang bumaba o lumabas ng kotse.
Alam ko ng magara ang kotse niya, pang mayaman talaga
pero di naman tama ang ganun, dapat may gawin siya sakin.Kahit simpleng sorry nalang sana para matapos na...
_ _ _
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...