Chapter 66: Her past lover

38 1 0
                                    

Mady pov:

“Sumigaw ka hanggat gusto mo, to relieve the pain that you feel right now.” utos ni sir, dinala niya ako sa isang beach resort. Napaka classy at elegante ang disenyo, sobrang ganda talaga pero diko ito naaappreciate ngayon. Hindi ko makita ang kagandahan nito ngayon. “Ako si Kean Patrick Medina, ang pinaka gwapo sa lahat.” natawa ako ng mahina sa sigaw ni sir, nasa gilid kami ng baybayin ngayon. Bandang hapon na kaya dama na ng balat ko ang lamig ng simoy ng hangin. “Oh ngumiti kana. Ikaw naman” napatitig ako kay sir kean na tila di makapaniwala. “Pa-para saan ho?” gulat na tanong ko “Aist, i said sumigaw ka para mabawasan yang bigat na dinadala mo. Hindi mo kailangan umiyak lalo na kung alam mong hindi nila deserve ang luhang pinapakawalan mo.” napaisip ako sa sinabi nito “Tama ka, he don't deserve every tears.” kumawala ako ng malalim na buntong hininga. “Ready?” ngiting tanong ni sir, tumango lang ko saka ko hinanda ang sarili para sumigaw.

“AKO SI MADY LEAN SANTIAGO, IPINANGANAK NA MISIRABLE ANG BUHAY, LAHAT NG TAO WALANG IBANG INISIP KUNDI SAKTAN AKO.” naiiyak na ako ng biglang umepal si sir “Aist, ang panget ng intro mo. Dapat yong mas okay, ilabas mo yong totoong nilalaman ng puso mo. Don't hide it. You're not fake naman gaya ng iba right?” napalunok ako ng sunod-sunod. “Kung alam mo lang sir, maiintindihan mo kaya ako?”

May sinasabi ka ba?umiling lang ako saka ako pilit na ngumiti “ANG SINUMANG MANAKIT PA SAKIN PAPATAYIN KO.” hingal akong huminto akala ko magagalit si sir pero hindi yon ang nangyari, “Yan, ganyan nga. That's my girl!” sabay tapik niya sa balikat ko. After a few minutes, nagpaalam muna ito na may kukunin siya sa loob. Pinapunta niya ako sa may cottage pero nanatili lang ako sa pwesto ko. Umupo ako sa maputing buhangin na pinong-pino, nilalaro ko ito sa mga palad ko. Inaalala ang masasayang nangyari sa buhay ko nong mga panahong kasama ko pa ang mga taong mahal ko.

Hinayaan ko lang ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko, pakiramdam ko bawat dampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko tinatanggal ang nito bigat ng problemang nararamdaman ko. “Mama, papa, masaya na ba kayo diyan? Napaka daya niyo naman, iniwan niyo akong mag isa. Paano pa ba ako magpapatuloy ngayong wala na kayo?” umiyak lang ko ng umiyak, ito lang ang nakikita kong dapat kong gawin sa ngayon. Hindi ko alam kong bakit, kahit ngayon lang gusto ko na munang kalimutan ang problemang dinadala ko. Kahit ngayon lang...

_ _ _

Kean pov:

Miss na miss ko na po kayo. Hindi ko alam pano ipagpapatuloy ang buhay na wala na kayo sa tabi ko. I miss you so damn much mama, papa.” kumawala ako ng malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ito sa di kalayuan.  “Hello, Brent do you have wine on your cottage?” tanong ko sa kabilang linya. “Bakit? Mag sstay ka diyan ngayon?” “Yeah! Pagabi na kasi, i'm also tired to drive home.” paliwanag ko “Ah okay, mayron akong mga alak sa loob ng hotel room sa likod ng counter my door don, buksan mo yon. Ang susi na sa caretaker ng beach na yan. Puntahan mo siya sa likod ng building may maliit na bahay don na pinagawa ko para sa kanya kunin mo ang susi tinawagan ko na yon.” sagot nito “Thanks!” bababaan ko na sana ng magsalita ito ulit “Ui, reminders lang hu' bawal magdala ng babae diyan.” pabirong nitong sabi “Sira ka talaga, anong tingin mo sakin?” ganti ko “Haha sabi ko nga.” pagkatapos binabaan ko na ito.

Papunta sana ako sa may cottage na sinasabi ko kay Mady ng makita itong nakaupo sa may buhanginan habang yakap ang tuhod at walang tigil ang pag-iyak. Dama ko ang bigat ng problemang dinadala nito. “Isa din ba ako sa mga nagpapahirap sa kanya?” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ito. Hindi ko alam, parang may sariling isip ang mga paa ko, kusa nalang itong humakbang palapit sa direksyon nito bitbit ang wine na nasa bote. May extra in can beer din akong dala na kinuha ko kanina sa kotse.

Inabot ko sa kanya ang isang in can na beer, napatitig lang ito sakin. Hindi pa naman ako nakainom pero bakit biglang ibang-iba ang dating niya sakin ngayon. Alam kong panget siya pero bakit pakiramdam ko ang ganda niya ngayon sa paningin ko kahit mugto ang mga mata nito kakaiyak at sinisinok-sinok pa. Nag iwas ako bigla ng tingin nung maramdaman kong parang nag iba bigla ang nararamdaman ko saka ako nagbukas ng in can na beer. “Salamat pala kanina sir.” sunod-sunod ko na nilagok ang laman ng in can ng beer ng matigilan. “Thanks? For what?” pang-iignora ko “Kundi dahil sayo baka kung ano ng nangyari sakin kanina.” may lungkot sa boses nito “Ang hina mo talaga.” uminom ako ulit ganon din ito. “Who's that guy?” diretsong tanong ko ng hindi manlang ako nagdadalawang isip.

Sandaling nanaig ang katahimikan namin bago ito ulit magsalita. “First love ko siya.” bigla akong naubo sa narinig, feeling ko nga pumasok pa ang alak sa ilong ko bigla akong nakaramdam ng hapdi. “Seryoso ka?” diko alam kong matatawa ako o ano habang tinatanong ko ito. “Alam ko namang mahirap paniwalaan yon. Pero yon ang totoo sir.” isang malalim na katahimikan na naman ang nanaig samin. “Siya si Raymund, boyfriend ko siya sa loob ng apat na taon ko sa high school.” “You mean, matagal na kayong magkakilala?” baling ko sa kanya, tumango ito pero nakatingin lang ito ng diretso sa malayo. “Masaya kami, ni hindi kami nag-away. Kilala kaming lovers sa campus. Two years kaming mag on ng high school hanggang sa nag college na kami. Buong akala ko walang magbabago, akala ko kung ano kami noon ganon parin hanggang sa huli but i was wrong.” this time tumingala ito para pigilan ang luha pero pinilit paring ngumiti.

“Matagal na kaming magkakilala ni Ray, at nagtagal lang ang relasyon namin more than 3years hanggang college. Pero sa loob ng tatlong taon na mag on kami hindi lang pala ang babae sa buhay niya.” mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Inaapi ko ito sa physical na anyo niya, dahil para sakin ang panget niya talaga, ni hindi ko alam na nasasaktan pala siya. Pano kaya niya nakakayang harapin ang bawat araw na lumilipas?

Tanggap ko naman na magkaroon ako ng karibal, ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit sa dinami-rami ng taong magiging karibal ko yong bestfriend ko pa.” biglang nabasag ang boses nito, habang napapakagat labi para magpigil na di masaktan. Hindi nakawala sa paningin ko ang paghigpit ng paghawak niya sa hawak na beer. “Your broken hearted? its normal.” napabuntong hininga nalang ako. “Alam ko namang ganyan na ang magiging reaction mo. Expect ko na yon.” pabulong nitong sabi, dinig ko pero dahil bad mood ito magkukunwari nalang akong walang narinig.

Don't get me wrong, i was telling the truth. We never skept that. Pero nakakapanghinayang lang kasi sa relasyon niyo ay yong matagal na kayo saka mo naman nalamang ginagago ka pala ng mga taong pinagkatiwalaan mo?” napatitig ito sakin. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito “Bukod sa sakit na iniwan nila sakin may mas malalim pang dahilan kaysa dun.” may halong galit sa boses nito saka ito uminom ng sunod-sunod. Mabilis niyang naubos ang laman ng in can na beer pagkatapos humirit pa ito ng isa pa. Napangiti nalang ako, atleast ngayon panatag na akong okay na siya, hindi na siya iiyak gaya kanina. Na halos wala ng lakas, nakatulog na lang ito kakaiyak habang panay ang kwento ng kung anu-ano habang sunod-sunod na iniinom ang alak.

Dapat nga talaga diko siya hinusgahan ng dahil lang sa hitsura niya. Maganda naman pala ang personality niya, sabagay panget na nga siya tapos panget pa ugali niya asan ang hustisya dun?

_ _ _

Update:

Hello!

Sinubukan kong mag publishe ng kwento sa ibang platform ng kikita ako pero hindi pala madali. Maraming kailangan isubmit at bago ka makakuha ng income, kailang doble ang sipag at tiyaga mo sa pag antay na makuha ang nais mo. Gaya ng mga readers ko, ang tiyaga niyong nag antay kahit sobrang tagal ko bago makapag update.

Salamat sa inyo bhe😍😘
Naappreciate ko ng bongga.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon