Chapter 63: Past

42 2 0
                                    

Mady pov:

Nakarating kami ng opisina ng hindi manlang nag-uusap ni sir, ni hindi manlang niya ako kinikibuan. Tinupak na naman ata ang onggoy na to. Suplado ni sir, pero okay na din yong ganito yong hindi kami nag-uusap kahit habangbuhay pa. Ano naman ngayon? Di naman mababawasan ang pagkatao kong hindi niya ako kakausapin ehk. Tss. Bakit ba inisip ko ang mga bagay na yan? Siya ba iniisip yan?

_ _ _

Bes, alis na muna ako hu?paalam ko kay cicil “Hu? Teka, kakarating mo lang, saan ba ang punta mo?” “Hmp, sa hospital.” pagkatapos kong sabihin yon, tumakbo na ako sa opisina ni Ms. Ong para makapagpaaalam narin, “Saan ang punta mo?” busy ito sa pag t-type gamit ang laptop niya “Ahm, sa hospital” napahinto ito sa ginagawa saka ito tumingin sakin then she nod while she giving me a smile “Pasensiya na po kayo kung nahahati ang oras ko, buti nalang po malapit lang ang hospital dito” bagsak ang balikat ko habang sinasabi yon “Kaya mo pa ba?” napatitig ako sa mukha nito bakas sa mukha nito ang pag-aalala “Ako pa ba?” pinilit kong tatagan ang loob para hindi tumulo ng luhang kanina pa namumuo sa mata ko “Sige, ako ng bahala dito!” napangiti ako sa sobrang tuwa. Lately kasi nagiging mabait na ito sa akin, ni hindi narin ito madalas na nag-uutos sakin unlike before “Salamat po” nginitian lang nya ako as a response. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng may maalala bigla “Ahm, Ms. Ong?” “Yes? May kailangan ka pa ba?” tanong nito bago bumalik sa ginagawa “Ahmp...ano po kasi, dina ako nag aksaya pa ng panahon...” nakagat ko bigla ang dila nung may marealize “I mean, dina po ako nakapagpaalam kay sir alam kong tututulan lang niya din to eh! Isa pa, alam ko namang walang pakialam si sir” natawa ito ng mahina sa sinabi ko “Its okay, ako ng bahala sige na lumakad kana bago pa magbago ang isip ko.” dali-dali ko namang binuksan ang pintuan.
Alam naman ni Manager Ong ang dahilan ko kung bakit nag s-short ang time ko sa trabaho. Alam niya ding wala na akong mga magulang at tanging kapatid nalang mayron ako.

Mabilis kong narating ang hospital, patakbo akong pumasok nung makababa na ako ng taxi. Habang naglalakad ako papasok sa hospital, medyo nakaramdam ako ng pagkahilo. Naalala kong halos wala na pala akong tulog, inaabot na ako ng madaling araw para lang matapos ang report para lang mai-submitt ng maaga kay sir. Naramdaman kong unti-unting lumabo ang paningin ko pero bago paman ako matumba may bisig na akong nahawakan para maging suporta. Pinilit kong tatagan ang loob, kahit pakiramdam ko nauubusan na ako ng lakas dahil sa sobrang trabaho gusto ko paring makita kong sino ang sumalo sakin?

At nung medyo kumalma na ako, nag thank you ako while making an apologize to him. Pero mali atang nag thank you ako nung marecognize ko kong sino ang lalakeng sumalo sakin.  Nagtama ang mga paningin namin, everything from my past went flashbacks....

_ _ _

Ilang segundo niya rin akong tinitigan, walang may gustong magsalita samin. “Mady?” di ako agad nakapag react, diko alam kong tama ba tong nakikita ko ngayon? “Mady? Ikaw ba yan?” sunod-sunod akong napalunok, natulali na ata ako nung makita ito ulit. Siya parin talaga to, alam ko!
Nagkaroon ako ng kunting pagkahiya sa sarili nung mahuli ang mata nitong pasimpleng sinipat ang kabuuang hitsura ko. Dapat di niya ako nakikita sa ganitong hitsura, pero pano niya ako nakilala? From being cool at astigin then he saw me now with this kind of cheap porma. Alam kong sa isip ko na tumatawa na ito ng malakas dahil sa nakikitang resulta at epekto niya sakin.

But i can't blamed him kung pagtawanan man niya ako, hindi ko na kailangang baguhin ang sarili para lang matanggap niya ulit. Kong sino lang ang makakatanggap sa hitsura ko ngayon yon ang dapat na minamahal hindi gaya niyang manloloko. Siya nga ang taong nagturo sakin magmahal pero siya din naman ang nagdulot ng malaking sugat sa puso ko.

At nung magkaron na ako ng sapat ng lakas tinulak ko na ito palayo sakin para makatayo. “Sinong Mady ang sinasabi mo?” bago paman ako makalayo hinawakan na niya ang pulsuhan ko. “Sorry, nagkamali po ata kayo ng tinawag SIR, hindi po Mady ang pangalan ko.” Nanatili lang akong nakatalikod dito habang nasa may likuran ko lang ito, kahit naka side view ako nakikita ng mata ko ang pangungulila nito. “I know it was you!” No, binibilog lang niya ang ulo mo. Mady, wag kang makikinig sa kanya lulukuhin kalang niya ulit pag naniwala ka.

“Baguhin mo man yang style mo dimo ako maluluko.” napaihip ako sa hangin “Mady, bakit....i mean, i can't believe this was really happeningm” may bahid ng lungkot sa boses nito kaya napalingon ako para makita ang reaction sa mukha nito pero mali ang inakala ko dahil nakangiti ito nung magtama ang paningin namin.

“Sa lahat ng taong ayokong makita ikaw yon. Pero bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako hu? Para ano? Para balikan ako o gusto mo pang masira pa lalo ang buhay ko? Hindi pa ba sapat na naging miserable na ako, o baka gusto mo talagang masigurong patay na ako para makakuha ka ng insurance ng dahil sakin?Never, ni singkong doling wala kang makukuha mula sakin over my dead body.” sabay tanggal sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko.

Nakakailang hakbang palang ako dinig ko ang mga yabag nitong nakabuntot sakin. “Hindi, mali ka. May pinuntahan din ako at hindi ko alam na nandit–” “Sinong niluluko mo hu?” hinarap ko na ito, this time nagawa ko ng makipagtitigan dito matapos ng mahabang panahon na panluluko nito. “Hindi ako tanga! Akala mo ba mapapaniwala mo akong hindi ako ang pakay mo kung bakit ka napadpad sa ganitong lugar?” sarkastikong sabi ko sabay dura sa sahig.

Matapos kong apakana hinarao ko ito ulit “Lukuhin mo na lahat wag lang ako, matagal ka ng ulila kaya wag mong subukang sabihing may kamag-anak kang dinadalaw dito dahil pag sinasabi mo yon, ikaw na ang pinakatangang nagdadahilan sa balat ng lupa.” napatanga lang ito, i steep move closser to him “Ito ang tatandaan mo, nagtagumpay man kayong wasakin at sirain ang buhay ko pero maling hinayaan niyong mabuhay ulit ako. Hindi pa ako nagsisimula, kaya ihanda mo na ang buhay mo kasama ng traydor kong kaibigan na mas pinili mo.” mariin ko siyang tinitigan sa mata, napaatras naman ito na tila di makapaniwala sa narinig.

“Hindi na ako yong dating AKO na kaya mong paikutin sa mga palad mo at kayang bilugin ang ulo gamit yang pambobola mo para lang mauto ng paulit-ulit. Hindi na ngayon, at wag mo akong tatanungin pano ako naging ganito dahil ikaw ang nagturo sakin nito.” nanlilisik ang mga mata ko, nagbabaga ang mga tingin na pinupukol ko sa kanya. Tingin ko nasusunog na siya kaya di niya ako magawang titigan manlang. “Maling nagtagpo tayo ulit, dahil ngayon palang magsisimula na akong paningil.” pabulong kong sabi.

Bawat sambit ko na ayaw ko na sa kanya para namang dinudurog ang puso ko. Di parin talaga maturuan ang tangang puso na to, alam kong siya parin ang nilalaman nito kaya diko pa magawang magmahal ng iba.
Buong buhay ko binigay ko sa kanya, i hate him yon ang gusto kong isigaw but i can't speak directly.
One thing for sure, sigurado na ako, i still love him. Sa tagal ng pinagsamahan namin malabong makalimutan ito ng ganon kabilis gaya ng ginawa niya sakin.
I know that he still the one who feel my heart beats fasts like this!

.

_ _ _

Update:

Yong next part other person muna, wag sanang magagalit haha. Chelax lang, malapit ma sila sa katotohanan char🙊
Good day!😃

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon