Chapter 74:Best friend

35 1 0
                                    

Cicil pov:

“Ui bess kumusta ka? Anong nangyari? Bakit dika na bumalik ng opisina? Ang sabi ni bakulaw nag out of town daw kayo ni boss yummy. Agad-agad? Umalis kayo ng walang pasabi? Kaya pala nagmamadali siya nung isang araw, naabutan ka ba niya sa hospital? I guess yes, kasi nga magkasama kayo diba?” sa dami ng sinabi ko wala manlang akong narinig na boses mula rito. “Anyare? Para naman akong nakikipag usap sa hangin nito bess eh. Pinuntahan kaya kita kahapon akala ko kasi nakabalik kana dika manlang kasi nag tetext. Alam mo bang nag alala ako sayo.” pagtatampo ko pero di parin ito nagsalita.

“Ui bess, okay kalang? Ba't ang tahimik mo? May sakit ka ba?” tinabihan ko ito saka ko hinaplos ang leeg maging ang noo nito. Para itong wala sa sarili nakatingin lang ito sa kawalan. “Ui, magsalita ka nag. Sabihin mo kung okay kalang?” winagayway ko ang kamay sa mukha nito, hindi ko alam kong anong nangyari. Nakita ko nalang ang mga luha nitong nag uunahan. “Bess ano ba, magsalita ka nga. Pinapakaba mo naman ako eh. Bakit ka umiiyak? Naiiyak na kaya ako, anong sabi ng doktor tatanggalin na ba ang life support sa kanya?” mas lalo naman akong kinabahan ng humagulhol ito ng pag-iyak. Kaya niyakap ko nalang ito habang hinahaplos ang balikat nito.

“Sige lang bess iiyak mo lang yan kung sa tingin mo yan ang nagpapagaan sayo ngayon. Kahit wala na siya andito pa naman kami ni Mickie diba?” umiyak na din ako sinabayan ako ang pag-iyak nito, sandali niya ako tinitigan na tila ba kababalik lang niya sa realidad. “Anong pinagsasabi mo diyan?” saka niya ako tinulak palayo sa kanya. “Ano ba naman yan, kita mo nag momoment ako tapos ganyan ka? Umiiyak ako kasi nakikita kong nasasaktan ka tapos itutulak mo ako? Inaano ba kita?” pagmamaktol ko.

“Eh bakit ka naman umiiyak?” napatanga ako sa sinabi nito “Ako ba niluluko mo? Ikaw itong parang engot diyan bigla nalanh iiyak tapos tatanungin mo ako kunh bakit ako umiiyak? Kaluka ka besh.” napapasuklay ako sa buhok habang iniisip kong pano siya pumasok na bagsak ang balikat na akala mo pasan ang daigdig. “Grabe ang epek ng mukha mo.” tumawa ito ng malakas “Baliw ka na ba? Kanina umiiyak ka, tapos ngayon tatawa naman? May saltik kana ata besh eh.” padabog na sabi ko habang sinasamaan ito ng tingin.

“Anong sabi mo? Paki ulit nga, kung ingudngod kaya kita diyan at sinong baliw? At saka pano ka nakapasok?” “Oh kitam. Di maalala pano ako nakapasok. Kanina pa kaya ako nagsasalita dito, pero para ka namang patay wala kang emosyon tanging luha lang ang nakikita ko kaya nag alala ako inisip ko na baka may nangyaring hindi maganda kay ate kaya ka nagkakaganyan.” umiyak ulit ito, halos mapunit naman ang labi nito sa ngiti “Hala besh, baliw ka na nga confirm.” bigla niya akong binatukan.

“Concern ka ba talaga sakin hu?” tinaasan pa niya ako ng kilay. “Anong bang nangyari?” bumuntong hininga ito “Nagkita kami ni Ray.” walang emosyong saad nito habang nakasandal sa upuan “Hu? Nagkita kayo? Pano? Akala ko ba nag dissapear na siya? Akala ko pa naman bumalik na siya sa planetang pinang galingan niya.” pabiro kong sabi. Nag iwas naman ito ng tingin bago ulit nagsalita pero bakas sa mukha nito ang pagkalungkot. “Mahal mo pa ba siya?” napatitig ito sakin “Hindi ko rin alam akala ko okay lang na magkita kami ulit. Ang tanging alam ko lang kasi galit ako sa kanya pero nong nakita ko siya ibang naramdaman ko.” kumunot ang noo ko sa narinig “Anong ibig mong sabihin? Teka, wag mong sabihing mahal mo pa ang gagong yon?” di ito umimik bagkus ay hinawakan niya ang mga kamag ko at hinarap ako ngayon malaya kong nakikita ang lungkot sa mga mata nito. “Pambihira, mahal mo pa nga talaga ng gagong yon. Akala ko pa naman besh natulungan na kitang ibaon sila sa limot kasama ang anaconda mong bff noon” bumuntong hininga lang ito. “Akala ko din besh, pero nung nakita ko siya nabuhay muli ang alaalang iniwan niya sakin lalo na ang sakit sa puso ko.” sandaling nanatili ang katahimikan sa pagitan namin.

Tumingin ito sa ibang parte at sumandal sa upuan “Haist, ang lungkot bigla ng paligid. Mag inuman nalang kaya tayo.” hinila ko ito patayo pero di ito nagpaakay sakin “Ngayon na? Sa ganitong oras?” di mabasa anf reaksyon sa mukha nito. “Oo tara dali, magbabar tayo.” hinila ko ito patayo “Pero...” “Don't worry treat ko” masiglang sabi ko. Sa totoo lang ayaw kong iniisip niyang nag iisa siya.

Besh, salamat hu?” nagulat ako ng bigla niya akong yakapin saka hunagulhol ng pag iyak. Alam kong di ito madaling umiyak pero sa nakikita ko ngayon alam ko sa sariling may hindu magandang nangyari. “Besh uhog mo” pabirong sabi ko, hinampas naman niya ako ng mahina sa braso na tawang tawa “Ui sabay tayong maligo” dagdag na biro ko “Yuck, kadire ka. Mauna kana magluluto muna ako nagugutom na talaga ako ehk.” saad nito “Sige. Hanap ako ng damit na maganda. Pahiram ako hu?” kinindatan ko pa ito “Sige bahala ka” nauna na itong maglaho kaya naman tumakbo na ako paakyat para makahanap ng masusuot.

_ _ _

Matapos naming mag ayos, excited na akong lumabas ng biglang matigilan.
“Gusto mo bang pasukan ang mundo ko?” natameme ako sa sinabi nito, naguguluhan ako hindi ko alam pano mag rereak o kung dapat ba akong mag reak “May tiwala ako sayo besh, at gusto kong pagkatiwalaan mo ako” ibang mady lean ang nakikita ko ngayon, seryoso ang mukha nito. “May tiwala ka ba sakin?” nakatanga lang ako dito “Cicil, sayo ko lang sasabihin to.” “Teka, pwedeng huminga? Ang seryoso mo naman kinakabahan tuloy ako.” ginawa kong pamaypay ang kamay ko habang natatawa naman ito sa nakikitang reaction ko.

“Sige. Okay na ako” natawa ito ng mahina. “May sasabihin ako sayo at gusto kong walang ibang makakaalam ng sasabihin ko.” napalunok ako ng sunod-sunod hindi ko alam pero pakiramdam ko ibang Mady ang kaharap ko ngayon “Hindi Mady Lean ang totoong pangalan ko, pero kinailangan ko ang identity nito para makapasok sa kumpanya ng Medines.” napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan ito palakad-lakad na tila ba isa siyang proffessor napaka seryoso at formal niya ngayon hindi yong engot at clumsy na nakilala ko.

“Besh, joke yan diba?” umiling ito “May grupo ako na gang ang Black Phantum.” parang naistawa ako sa narinig “Black phantum? D-diba isa yong assasin group. Hindi lang basta gang yon, alam ko may mga bigatin at kilalang negosyanteng kasama diyan tama ba ako?” enteresadong sabi ko “Ang uncle ko ang bumuo ng grupo na yan magkasama sila ng papa ko. Si Roi Lee, at para maipagpatuloy ang nasimula kinailangan kong sumali sa grupo dahil walang lalake sa pamilya namin. Binuo ko ang bagong grupo at sa pangaln mismo na gamit ni black dragon na codename mi uncle Roi at gray phantum na codename naman ni papa kinailangan kong dalhin yon hanggang sa huli. Ipapakilala ko si black phantum sayo kung masisiguro ko ang tiwala mo.” para akong naistatwa hindi ko alam na isang gang member ang bestfriend kong parang inosente kong gumalaw.

“Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon, pero kailangan kita. Ako ang founder ng grupo pero kailangan ko itong isuko kapalit ng sekretong tinatago ko.” “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko “Sasabihin ko sayo, pero kailangan kong hingin ang tulong mo. Magkakaroon kami ng reunion sa makalawa, ikaw ang magpapakita bilang si pink panter.” “Pink panter?” naguguluhan ko paring tanong.

She nod at me na seryoso parin “Si pink panter ay si ate chinie, at walang may alam sa nangyari sa kanya. Kaya kailangan kita para kumatawan dito. Payag ka ba?” napaisip ako bago tumango “Salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob to, siya nga pala bess. Si black phantum ang lagi mong makakasama para sa training mo kailangan mong matutunan ang self depense. Pero wag kang maiinlove sa kanya, hayaan mong siya ang mainlove sayo.” kumunot ang noo ko. “Alam niya lahat ng sekreto ko, at ikaw ang dapat na humadlang para hindi malantad yon hindi pa ako handa sa ngayon.” “Be-besh..” “Kung iniisip mo kung anong makukuha mong benefits? Pwede kang pumunta ng japan. May luxury hotel ang uncle ko dun. Ako ang bahala sa expenses kong gusto mo ng mag stay roon magkakaroon ka ng magandang trabaho don” napatanga parin ako “Ibig sabihin, mayaman ka? Bakit kailangan mong mag trabaho sa medines?” nginisihan niya ako “Great question, sinadya kong makapasok sa Medines Emphire dahil kailangan. Kasama si Chairman sa mga taong babalikan ko.” naguguluhan man ako sa mga naririnig. Ang weird bigla at nalaman kong hindi pala siya ordinaryong tao lang. Isa siyang billioner na nagtatago sa identity ng iba para maisagawa ang planomg hindi ko pa ala kong paano nabuo? At kung bakit kinailangan niyang makapaghiganti. Pero kung gusto niya ang tulong mula sakin gagawin ko bilang kabayaran ng pagligtas niya sa buhay ni mama nung minsang masangkot ito sa bingit ng kamatayan dahilan para makilala ko ang isang gaya niya na nagtatago sa likod ng maskara....

_ _ _

Update:

Mag uudd ako palagi, pag may time ako until i finished this story. I want to know your feedback kong anong say niyo sa story part na to.........

Salamwach😘

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon