Mady pov:
Kakatakbo ko, napadpad ako sa isang park. Hindi ko alam kong bakit dito ako dinala ang mga paa ko? Umupo ako sa isang swing at doon ko binuhos ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Nabibingi ako sa katahimikan sa paligid kahit marami namang tao ang dumadaan pakiramdam ko sa mga sandaling to nag iisa lang ako sa mundo.
“Ang sakit-sakit, hindi ko na kaya to!” mas lalo pa akong humagulhol ng pag-iyak. “Nagmamahal lang naman ako bakit kailangang paulit-ulit kong maramdaman ang sakit ng maiwan? Ano bang nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito?” nagwawal ako habang sumisigaw at nakatingin sa langit habang kinakausap ang alapaap.At nung magsawa na, natawa ako ng mahina habang nakayuko at iniisip ang mga kapalpakang nagawa para maibsan lang ng bigat ng nararamdaman. Gusto kong kalimutan ang sakit at pait ng pangyayari. Gusto kong maging masaya pero bakit napakahirap mangyari yon? Ano bang silbi ko sa mundo para masaktan ng ganito? Sino ba talaga ang tunay na nagmamahal at makakaunawa sakin?
Yong taong mahal na mahal ko hindi pala ako kayang mahalin. At siya ang nagdulot ng matinding kirot ngayon sa dibdib ko. Muli niyang binuhay ang kirot na unti-unti ng naghilom.
Umiyak lang ako hangga't gusto ko, pakiramdam kong nanunuyot na ang mga luha sa mata ko pero ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib nandun parin hanggang sa may bumasag sa moment ko. May kamay bigla akong nakita na pilit inaabot sakin ang panyo. Inangat ko ang ulo para makilala kung sino ang nag abot ng panyo sakin ng matigilan ako sa nakita.
Kahit nanlalabo ang mata ko kakaiyak alam kong siya yon. “Rey...” gulat na tawag ko sa pangalan niya “Umiiyak ka na naman?” kinuha ko ang panyo sa kamay nito saka ko tinuyo ang mga luha. “Dahil parin ba yan sakin?” umupo ito sa isa pang swing “Paano mo nalaman na ako to?” pang-iiba ko ng usapan. “Sinabi ko na sayo, alam kong si Mady Lean Santiago ang bago mong ginamit na identity” napatitig akong gulat sa kanya.
“Sino pa ang ibang nakakaalam?” serysong tanong ko “Ako pa lang at si Floyd” napatitig ako lalo sa mukha nito “Bakit hindi mo sinabi kay Red chimni?” enteresadong tanong ko “Bakit ko sasabihin? Wala na siyang pakialam sakin.” kibit balikat na sagot nito. Nagsimula na itong magkwento tungkol sa buhay niya matapos kaming maghiwalay at ganon din sila ni Grace nakunsensya siya Gray phantum sa panluluko nila sakin ni Red Chimni.
“Mabuti naman at naging successful kana.” singhap ko matapos kong pakalmahin ang sarili “How about you're mom? Nagkita na ba kayo ulit?” enteresadong tanong ko “I heared may asawa na siya at isa siyang care taker sa isang private resort located in Batanggas” napatitig ito sakin. Gusto ko lang namang malaman kong tamang si Mrs. Laila ang ina niya na asawa ng caretaker ng pinsan ni Kean na si Brent.
“Sad to say, dahil may pamilya na siya ngayon. At wala na siyang pakialam sakin.” buntong hiningang sagot nito saka tumingin sa lupa “Siya ba talaga ang walang pakialam o ikaw? Bisitahin mo siya, alam kong alam mo kung nasaan siya bago mahuli ang lahat” “Anong ibig mong sabihin?” seryso itong humarap sakin “On my survey, nalaman kong nag papa chemo theraphy ang mama mo. Kaya mo bang mabuhay ng wala siya?” seryosong tanong ko.
“Nabuhay na ako kahit wala siya. Matagal na niya akong inabandona” paliwanag nito “Pero hindi mo naman totoong mga magulang ang kinalakhan mo at naulila ka rin. Sa tingin ko panahon na para bumalik ka sa totoong kadugo mo” bumuntong hininga lang ito na tila nagpipigil “Ayaw kong pag-usapan siya nasisira lang ang araw ko. Maganda na ang buhay ko, at ayaw kong masira yon ng dahil lang sa walang kwenta kong ina.” napatitig nalang ako sa kanya na halatang nagulat.
Kahit kailan talaga Raymund, ma pride ka parin talaga.
“I'm happy for you!” dagdag ko pa bago ko kunin ang vape na nasa bulsa ko “Gumagamit ka parin pala niyan?” seryosong tanong ni Rey “Minsan, pantanggal lungkot” sagot ko sabay buga ng usok sa ere “Tingin mo ba napapawi ang lungkot na dinadala mo?” pasimple akong natawa pagkatapos bumuga ulit ako ng hangin sa ere pero pabilog ang hugis na lumabas sa bibig ko.
“Haha bakit nag aalala ka? Don't worry matagal pa akong mamatay. Madami pa akong kailangan gawin. Isa pa, hindi pa ako tapos maningil.” preskong sabat ko saka ulit bumuga ng apoy ng sunod-sunod.
“Maningil? Nang ano?” “Nang utang haha ibang klasi nakalimutan mo na agad? Marami na talaga ang nagbago satin, mukha kasing hindi na natin kilala ang mga sarili natin, kung sabagay dati pa naman diba?” pasimply akong tumawa.Gusto ko sanang sabihing, hindi pa ako tapos maningil sa mga may kasalanan sakin at isa siya sa mga sisingilin ko. Isa-isa ko kayong pababagsasakin hanggang sa gumapang na kayo sa lusak at magmakaawa sakin.
“Dinner naman tayo minsan?” natigilan ako sa tanong niya. Sinasabi niya yon na parang wala kaming nakaraan at madali lang na kalimutan ang lahat. Pinatay ko na ang vape ko saka ko siya tinawanan ng mahina habang sinasabing....“Para saan? Suhol mo? Haha don't worry kung nakita mo man ako umiyak hindi ikaw ang dahilan ng mga luhang sinayang ko dahil matagal na akong naka move on sayo.” sakastikong paliwanag ko.
“Talaga? Sino bang maswerteng lalakeng tinutukoy mo? If i am not mistaken, you're still love me tama ba ako mahal?” mapang-asar nitong tanong.
Napalunok nalang ako sa narinig mula rito.Ang sarap sanang pakinggan ang salitang **MAHAL, parang isang sweet na musikang tumutugtog at paulit-ulit na nag p-play sa utak ko kaso hindi naman yon ang totoong sinisigaw ng puso ko at alam kong ganon din ito.
Hindi ko alam kong anong sasabihin, dahil ang totoo may puwang parin siya sa buhay ko.“Tell me Kristine kong sino ang lalakeng tinutukoy mong pinagpalit mo sakin? Kaya ka ba umiiyak ng dahil sa kanya? Lagi ka nalang bang iiyak dahil sa pagmamahal mo sa isang tao.” napatanga ako sa mga binitawang salita ni Raymund.
“Kung sino man ang boyfriend ko, wala kana dun!” mataray na sabat ko “Curious lang naman kasi ako, bigla kong naisip na baka pwedeng magbalikan nalang tayo. Total pareho pa naman nating mahal ang isa't isa hindi ba?” tumawa ako ng malakas na ipinagtaka nito.“Hindi ko alam na bukod sa manluluko ka, mayabang ka pa? Sa tagal natin, hindi ko manlang nakita ang totoong kulay ng ugali mo. Siguro nga dahil mas may time kang lukuhin ako kaysa oras ng pakikipag kwentuhan sakin kaya nga wala akong kamalay-malay na niluluko mo na pala ako.” matapang kong sabat “Haha, matagal na yon. Pag-usapan natin ang ngayon. Sabihin mo sino ba ang lalakeng pinagpalit mo sakin?” Ang kapal ng mukha niyang tanungin ako ng ganyan?
Sino ba siya sa tingin niya?
“Gusto mo ba talagang malaman?” tinitigan ko ito ng mariin, nakaabang naman ito sa sasabihin ko “Ah–” “Ako” pareho kaming napalingon sa nagsalita.
Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya nandito?
Sinusundan rin ba niya ako, gaya ng ex-boyfriend kong alipures ni Grace na si Raymund!
Pero bakit?.
.
_ _ _
.
Update:
Tingin niyo sino yong lalakeng biglang dumating at sinabing siya raw ang lalakeng tinutukoy ni Mady Lean?
Comment niyo sa baba ang sagot, udd ko ang next part nito.
Salamwach😘
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...