Mady pov:
Nakaganti rin ako sa wakas ! Akala ata ng lalakeng to diko siya papatulan porket boss sya? Huwag ako, di niya alam kong anong ugali meron ako.
Halatang nagulat ito sa mga narinig mula sakin. Unexpected nuh' bakit dahil ba sa weirdo ako sa paningin mo diko na kayang gawin ang kayang gawin ng iba?
Tss... Wag ako' marunong ka din palang marakot.
Hmm....ngayon kasi aligaga na ito para sa mga meetings niya today. Ano ka ngayon? Akala mo papatalo ako, gwapo kalang nuknukan naman ng kayabangan.
Letse, akala niya sya lang marunong mambully haha. Ibahin niya ako. Ngayon may panlaban na ako sa kanya. Isang pindot ko lang pwede ng makarating sa chairman at head officer ang pagiging iresponsable niya kong sakali man.
Itong record ang makakapagpatalsik sa kanya once binully pa niya ako. Magpasalamat siya't kaya ko pang magtempe.
Baka gusto niya ring mangyari sa kanya ang nanyari kay sir marco na napabayaan ang business ng dahil sa mga babae niya at ako naincharge lahat tapos si ms. Ong ang napromote.
Mga letse sila, pare pareho lang sila. Mga sakim at napaka selfish. Baka gusto niyang isama ko sya sa listahan ng mga taong balak kong balikan?
Isa isahin ko sila hanggang sa mailantad ang ugat ng galit sa puso ko. Kasama na ang taong nang gago sa ate ko. Humanda siya sakin wag nyang hilinging magkita pa kami.
I swear, pagsisisihan niyang mag krus ang landas namin. Araw araw siyang babangungutin hanggang sa unti unti niyang maramdamang inuusig na siya ng kunsensya niya.
BRYAN CASFER... wait for your turn!
Kean pov:
Fast forward .........
Lumipas ang ilang linggo, ng hindi ko namamalayan dahil sa mga nakatambak na mga gawain. Mga meetings tapos biglang ipapa re-schedule kong kailan andun na sa venue.
Pero kailangan pa din maging patience dahil yon ang sabi ni lolo. Kahit maraming rejections na akong natatanggap pero salamat sa kasamang kong parang robot kong kumilos.
Parang walang emosyon. She's trully an ice queen... Let me show u something how can i call mady as robot? Ganito kasi yon.....
"Miss Santiago, pakidala nga dito ng latest update sa product ng Marheme emphire." she nod at me ng hindi manlang ngumingiti ?
"Kindly pleased wear a smile ? Nakakawalang gana ka kausap ee!" pambabara ko pero tinarayan lang ako nito saka pabulong na sinabing.
***kong may choice lang ako mas nanaisin ko pang magmukmuk sa gilid kaysa kausapin ka!
Syempre, kahit naeereta ako diko nalang pinansin. "Ahm... Ms. Santiago pa follow up na rin ng bagong labas na product ng revlon. At paki coppy narin nitong....." "Tapos na sir!" sabay abot ng papel sakin.
Bali-baligtad ko iyong sinipat at naamaze ako s nakita. She coppied it already. Ang galing!
"By the way sir, about sa meeting with Mr. Alberto Mendez, remind ko lang po sayo. You will meet him at coffee shop at starbucks greenhills sa at three o'clock" "Three o'clock?" kunot noong tanong ko.
"Yes sir!" "Wala ba akong kasabay na meeting dun?" dagdag ko pa "Meron!" tipid nitong sagot. Para talaga siyang robot, parang walang kiliti sa karawan. Pero mas okay na rin yon kaysa makasama ang isang maharut.
"What else?" patay malisyang tanong ko habang binabasa ang papel na pinasa niya. "You also have an urgent meeting with Ms. Segovia!" bigla naman akong natigilan ng marinig ang apelyedo ni grace.
"Segovia?" pag uulit ko, nakita ko itong tumango. Pano ba to ? Ano bang uunahin ko ? Almost 2weeks din akong na busy sa trabaho. For sure, miss na miss na ako nun!
"Gaano ba kaimportante ang meeting ko with Mr. Mendez ?" interesadong tanong ko "Siguro naman pwedeng icancel yon o ipare-schedule nalang natin kong di naman ganun kaimportante!" paliwanag ko.
Kumawala ito ng malalim na buntong hininga bago ulit magsalita. "Di naman ganun kaIMPORTANTE SIR!" may pag diinang tuno. "So ?" pag puputol ko.
"Siya lang naman kasi ang head ng market emphire!" "WHAT?" "Uh hu.... So, what do u think is it not an important?" nang aasar ba siya?
"Ok fine, di yon pwedeng icancel mas importante yon sa lahat!" eretang sabi ko "Around 12 lalabas na tayo may tatawagan akong importante sa labas na tayo mag lunch!" dugtong ko.
"Okay po sir" "You can leave now, fix things we need to bring!" utos ko pagkatapos lumabas na ito ng office ko.
Napasandal nalang ako sa upuan habang napapapikit. I can't believe this.... Akala ko chill lang ako kasi boss ako di pala. At ang mas nakakapressure ay ang mga kasama ang isang gaya niya.
Yong dating inakala kong tatanga tanga at lampa para siyang robot kong gumalaw. Diko pa nga naiuutos may nagawa na diko pa nga naitatanong may sagot na ...
Ibang klasi! Tao ba talaga siya?
.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...