Other person:
Sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit siya nakita. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero diko magawa. Wala na akong karapatan para gawin ulit sa kanya yon. Sobra na ang kahihiyan at sakit na binigay ko sa kanya at alam kong kahit magsuot siya ng ganong damit. Alam kong sa puso kong siya talaga si Mady Lean na minahal ko noon at minahal din ako ng sobra pero sinayang ko lang. Ramdam ko parin ang galit nito sakin base sa mga binitawan niyang salita alam kong may binabalak siya para makaganti samin ni Shane pero hindi ko alam paano siya pipigilan sa planong naisip niya. Nagawa ko man siyang lukuhin noon diko maitatanggi na namiss ko ang isang mady lean na napaka inosente ang mukha na parang isang anghel. Magsuot man siya ng ganong style siya parin ang Mady Lean na una kong minahal. A woman i love before even now, but i broke her trust dahil lang sa temptasyong dala ni Shane para masira ng relasyon namin noon. Matapos niyang magsalita ng malalalim na salita na parang may halong pambabanta, masasabi kong walang nagbago sa kanya. Siya parin ang catwoman ng gang na sinalihan namin noon. Yong tipong hindi magpapatalo sa kahit anumang laban. Hindi puro salita lang ang alam kundi pinatutunayan alam ko ring sa lahat ng problemang pinagdaan niya sa kamay namin ni Shane ramdam ko ang determinasyon niya na magantihan kami. Mukhang wala na ngang pag-asang mapatawad niya pa ako. Mas lalo pa siyang nakakatakot kumpara noon. The way she look, hindi mo maitatanggi na nagbabaga ang mga titig nito na akala mo nasa loob ka ng mainit na kalan at naglalagablab sa apoy ng dahil sa poot na dala niya. Makikita sa mata nito ang galit na dulot namin. Gusto ko sanang kausapin siya at patawarin niya ako. Dahil kong hindi ko gagawin ngayon kailan pa? Wala ng ibang pagkakataon. Kaso maling kinausap ko siya, naramdaman ko ang hagupit na dala niya. Alam kong dipa tudo yon pero sa lakas ng pagkakasapak niya sa panga ko, diko maitatanggi na nasaktan ako. Parang buong lakas niya ata ang nilaan para matamaan ako ng buong tapang ng hindi manlang tumatanggap ng anumang kapatawaran. Ibang klasi talaga siya, wala parin talaga siyang kupas. Malakas parin siya gaya noon mas lumakas pa nga ata. Ganon ba kalaki ang naging epekto ng ginawa kong pagtataksil sa kanya noon? Pero mukhang wala na itong balak na guluhin pa ang buhay namin ni Shane ni wala na akong nababalitaang nagbabanta sa buhay ni Shane maliban sa nagmamanman sakin. Ayaw ko ng alamin pa, dahil ako ang may atraso kaya alam ko na yong naagrabyado ko ang may pakana ng lahat ng nangyayaring yon at hindi coincident ang pagkikita namin ngayon. Sinadya ko siyang sundan para mas makasiguradong tama akong siya nga si Mady Lean Santiago....
_ _ _
Mady pov:
“Ang kapal ng mukha niyang magpakitang muli sakin, walang kasing kapal ng taong yon para kausapin pa ako.” alam kong hinabol pa ako nito para pigilan pero sorry siya pasara na ang elevator at mukhang gaya ko hindi ma rin siya kayang tanggapin nito at pagbuksan muli. Napabuntong hininga nalang ako habang tinatahak ang hospital room ng taong pinakamamahal ko. Taong nagbigay buhay sakin at winasak nila. Lahat kaya kong gawin mailigtas ko lang siya, kahit kamatayan kakalabanin ko para lang muli siyang makasama. Hindi ko maimagine ang buhay ko na wala siya...
At ngayon nasa tapat na ako ng pintuan nito wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Ang hayaang dumaloy ang mga luhang kanina pa nagbabagyang bumagsak at ngayon dama ko ng halos nag uunahan na silang magbagsakan. Dama ko na naman ang paghapdi ng mga mata ko, ang pagkislot ng dibdib ko habang malaya itong pinagmamasdan ang taong nagbigay sakin ng buhay at ngayo'y nag aagaw buhay ng dahil sa kawalang hiyaan nila. “Nangako akong magpapakatatag ako para sayo, pero bakit diko magawa? Nasasaktan ako na makita kang nahihirapan, at hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili lalo pa't hanggang ngayon hindi ko parin makita ang walang hiyang may gawa nito sayo.” humahagulhol kong sabi “Pleased lang, gumising kana. Kailangan pa kita, kailangan ka pa namin ni mickey. Namimis na kita, mis ko na ang tawa mo, ang kakulitan mo, ang nga halik mo at higit sa lahat ang yakap at sermon mo.” hindi ko na kinaya pa kaya tumakbo ako palabas, mas lalong naninikip ang dibdib ko habang hinahayaan ang mga luhang dumaloy sa mga mata. Hindi ko na nga namamalayan na nasa dulo na pala ako ng may hospital, sa may fire exit. Mas lalo pang lumakas ang pag iyak ko. Hanggang sa may maramdaman akong kamay na humahagod sa likuran ko. Dala ng pagkagulat, buong pwersa kong hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa balikat ko saka ko ito inangat pagkatapos binalibag ko na ito. Namimilipit ito sa sobrang sakit, nakahiga ito sa sahig habang hawak ang likuran nito at nakatagilid. Inapakan ko ang kaliwang kamay nito dahilan para makita ko ang hitsura nito, halos tumilapon ang kaluluwa ko nung makilala kong sino ang humahagod sa likuran ko. “Anong ginagawa mo dito? Walanghiya ka talaga.” buong pwersa ko itong inangat saka ko ito pabagsak na sinandal sa pader, nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya. “Mady, pasensya kana kung sinundan kita.” “Bakit, kulang pa ba ang suntok na binigay ko sayo kanina?” sabay tulak ko dito saka ko hinawakan ang kwenelyuhan nito at mariin kong tinutok ang kamao sa mukha nito di naman ito pumapalag gaya ng nais ko. “Relax, okay? Sinundan lang kita kasi nag alala ako kung bakit nandito ka sa hospital. Kung anong ginagawa mo dito? Kaya naman....” “Kaya ano?” “Mady, i still concern about you.” lintik, wag kang maniwala. “Tigilan mo ako sa mga kasinungalingang hayop ka. Pagkakaalam ko masaya ka na nakikita akong nahihirapan. Even before wala ka naman talagang pakialam.” isang malakas na suntok ang pinakawalan ko pero hindi sa kanya kundi sa wall. Hinawakan niya ang kamay kong duguan pero tinulak ko lang siya palayo.
Niyakap niya ako, hindi ko alam kong bakit ako umiyak bakit pakiramdam ko okay lang sakin na gawin niya yon sakin? “Anong...” “Ssshsss....its okay, cry if you want. Ituring mo akong karamay kahit ngayon lang para gumaan ang bigat na dinadala mo.” “Para ano? Para mabawasan ang kasalanan mo sakin?” mas lalo kong naramdaman na humigpit pa ang pagkakayakap nito sakin. “Pleased lang Mady, kalimutan mo akong kaaway. Miss na miss na talaga kita.” shit, ang hina ko talaga pagdating sa kanya. Kahit magalit ako, hindi ko parin maitatanggi na mahal ko parin siya hanggang ngayon.
“Walanghiya ka! Hayop ka! Matagal ko ng gustong gawin to sayo. Para maramdaman mo ang sakit na binigay mo sakin nung time na pinagtaksilan mo ako at dinamay niyo pa ang mga taong mahal ko. Sana pinatay niyo narin ako para hindi na ako nasasaktan ng ganito.” pinagsusuntok ko ang dibdib nito, wala itong ibang sinabi kundi “Sorry” habang niyayakap din ako.
Ang sakit lang isipin na siya ang first love ko at siya din ang first heartache ko. This man makes me a real woman, but he betrayed me. And my beloved bestfriend na gusto kong paghigantihan dahil sa pagpapahirap niya sa buhay ko. Wish niya na lang na hindi na muling mag krus ang landas namin, dahil hindi ko na papalampasin ang pagkakataong pahirapan siya sa mga kamay ko. Magiging impyerno din ang buhay niya gaya ng ginawa niya sa buhay ko. She experience misserable more than in hell. Tama siguro si Raymund, i need someone to rely on lalo na mga sandaling i'm so helpless. Hindi ko alam kong bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit sa kanya ko pa nagawang sumandal ngayon sa taong sumira sa pagkatao ko.
“Stay away from Mady Lean.” pareho kaming natigilan nung biglang may humila sakin palayo kay Ray “Sino ka?” tanong ni Ray “I should ask you that way, sino ka naman?” seryoso ang mukha ni sir Kean habang nasa likuran niya ako at hawak ang kamay ko. “Bitawan mo si Mady.” seryosong utos ni Raymund. “Simula ngayon, lulubayan mo na siya dahil pag hindi malilintikan ka sakin.” saka ako hinila ni Sir palayo kay Ray, habang naiwan naman itong nakatanga.
At nung makarating kami sa labas ng hospital kung saan nakaparada na ang sasakyan nito, hindi ito nagsasalita. “Mag seat belt ka, may pupuntahan tayo.” utos niya. Hindi ko alam kong bakit bigla niya akong pinagtanggol kay Raymund which is kailangan ko naman. “Paano mo nalaman na nasa hospital ako?” “Dahil wala ka sa office, umaalis ka ng walang paalam. Anong klasi ka, umaasta kang parang amo.” saka nito pinaharurut ang sasakyan.
Akala ko pa naman ligtas na ako sa kaaway, mas malala naman pala ang isang to. Mas wala pala itong puso kaysa kay Raymund...
_ _ _
Update:
Hi baby!
How are today? Haha sorry now lang nakapag udd. Busy lang si ateng... Hehe salamat sa nag waiting at nag ask na mag update ako...😘😘😘
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Przygodowe"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...