Mady pov:
“Gusto mo ba talagang malaman?” tinitigan ko ito ng mariin, nakaabang naman ito sa sasabihin ko “Ah–” “Ako” pareho kaming napalingon sa nagsalita.
Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya nandito?
Sinusundan rin ba niya ako,
gaya ng ex-boyfriend kong alipures ni Grace na si Raymund!
Pero bakit?_ _ _
“Bryan?” napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo “Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko. “Syempre, sinusundo ko ang girlfriend ko.” pagkatapos hinila niya ako palapit sa kanya. Teka, paano niyang inisip na ako si Kris Chinei sa ganitong hitsura? Hindi kaya, alam na niyang hindi rin ako si ate at nagpapanggap lang din siya?
Nakita ko namang tumayo si Raymund habang nakalagay pa ang mga kamay nito sa mga bulsa ng pantalon niya “Ikaw ang boyfriend niya?” gulat ding tanong ni Raymund. Teka, hindi pa ba sila nagkita sa reunion ng Black Phantum society? Ang dami kong tanong at kailangan kong ng matinong sagot para dito.
Mukhang magiging busy na naman ako para sa malawakang pagsisiyasat para sa dalawang to.“Yup!” nakangiting tugon ni Bryan sabay akbay sakin na ikinagulat ko. Pakiramdam ko napapaso ako satuwing didikit ang balat ko sa balat niya parang gusto ko ng patayin siya para pagbayarin sa mga kasalanang ginawa niya sa kapatid ko pero hindi pa ito ang tamang oras, unti-unti kong ipaparanas sa kanya ang pait ng kahapon niya.
“Teka, teka lang naman pre, wala namang ganyanan akin yan eh.” depensa ni Raymund sabay hila niya sakin palapit sa kanya.Nakaramdam ako ng kakaibang takot lalo na nung magharap silang dalawa. Nagkatitigan sila habang nagbabangayan habang ako gulong-gulo sa mga kaganapan. May hindi magandang nangyayari sa paligid ko. Paanong hindi nila nakilala ang isa't isa? Hindi kaya nag dadrama lang silang hindi sila magkakilala?
“Pwede bang manahimik kayong dalawa?” natahimik naman sila, nasa pagitan nila ako “Ano bang ginagawa niyo?” blanko ang expresyon sa mga mukha nila maaring magtataka sila sa narinig mula sa akin o hindi sila satisfied sa naging reaction ko. “Kris, tell me who really is he?” napaawang ang bibig ko sa tanong ni Raymund. Nagseselos ba siya?
“Pwede ba Raymund, huwag mo akong tinatanong ng ganyan?Akala ko ba wala ka ng pakialam sakin?” ito naman ang natigilan sa narinig mula sakin “Back off dude! She's mine!” cool na singit ni Bryan. Sa totoo lang gwapo din siya. Nasa lahi na nga ata ng mga Medina ang magagandang lahi! Mukhang gaya ni Kean, naambunan din siya biyaya galing sa langit.
Hays, ano ba tong iniisip ko. Dapat galit ako nag fefeeling naman akong mahaba ang buhok para pag-agawan ng mga gwapong nilalang na to.
Naipilig ko ang ulo bago ulit magsalita “Isa ka pa, bakit ka nandito?” napatanga rin ito sa pagiging prangka ko “Kris, totoo bang siya ang boyfriend mo?” hindi ako nagsalita sa tanong ni Raymund “Can't you hear me? O nag bibingi-bingihan kalang? Sinabi ko ng boyfriend niya ako ayaw mo paring maniwala?” angil ni Bryan “Bakit ikaw ba ang tinatanong ko? Diba hindi?” sunggab din ni Raymund “Aba't gago to ah!” isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Bryan kay Raymund habang ako nakatanga lang at nanonood sa away ng dalawa.
Sige magpatayan kayong mga siraulo kayo!
Nakakalula ang mga pangyayari, hindi ko alam kong aawatin ko ba sila? Dahil sa totoo lang naguguluhana ko kung bakit sila nag aaway? Mga baliw na ba sila? Sana tinanong manlang nila ako kung may gusto ako o jowa manlang sa kanila hindi yong basta nalang sila nag lalabas ng sama ng loob.
“Ano pagod na ba kayo? May nakuha na ba kayong kasagutan sa mga katanungan niyo sa pagpapalitan ng sama ng loob?” pareho silang hingal na humarap sakin “Tingin niyo ba aawatin ko kayo? Hindi ko kayo mga ka dugo. At gusto niyong magpatayan, huwag sa harapan ko.” bitterness na sabi ko.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Aventura"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...