Chapter 101: Unplan

41 0 0
                                    

Mady pov:

Excited akong pumasok dahil sa magandang balitang nilabas ni Uncle Roi na siguradong kakapitan ng Chairman at hinding-hindi niya kayang tanggahin.

Mukhang nagsisimula ng magbilang si Uncle Roi ng mga mali ko. Kailangan kong magawa ng maayos ang trabaho bago pa ako ibalik sa posisyon ko dati at ipalit sakin ang isa sa mga kambal niyang anak. Hindi pwedeng iba ang humawak sa kasong to, kalangan naming magtuos muli ng traydor kong kaibigan na si Red Chimni na sinang-ayunan naman ni Uncle Roi ngunit wala ng libre ngayon sa mundo kadugo kaman o hindi.
kapalit ng pagpayag niya sa plano ko ang pagpapabagsak sa empire ni Chairman Alfonzo Medina.

.

.

Ahm besh, may binili pala akong bagong damit, sukat natin maya?” excited na sabi ni Cicil ngitian ko lang ito. “Nga pala besh, musta na si Ate?” natigilan akong muli “Hindi ko alam kong hanggang kailan ako aasa?” kahit nakaramdam ako ng pagkalungkot kinailangan ko paring maging positibo.
“Yaan mo na besh, baka isang araw mabalitaan mong bumalik na ulit si ate satin.” positibong saad ni Cicil. “Magdilang anghel ka sana.” buntong hiningang sabi ko saka ko kinalikot ang laptop ko para isave ang ilang files na nasa drafs ko lang na tinapos ko kagabi.

“Besh, nakikita mo ba ang nakikita ko?” “Ang alin?” patuloy parin ako sa pag kalikot sa laptop ng hindi manlang ito nililingon habang kinakalabit naman ako ni Cicil.
“Besh, tignan mo. Grabe ang ganda talaga ang katawan niya, tapos anc kinis kinis pa ng balat niya. Gumagamit din kaya siya ng BB cream?” napahinto ako saka ko tinitigan si Cicil gusto ko sana itong tignan ng masama para di niya ako iniisturbo ng makita kong nag iba bigla ang naging reaction nito.

Yong mga mata niya diritsong nakatingin habang kumikislap-kislap pa ang mata, sobrang cute niya tignan kaya naman dala ng curiousity ko napatingin din ako sa direction ng tinitignan niya. Pakiramdam ko lumuwa ang mata ko sa nakita, yong lalakeng-lalakeng hitsura sa reaction ni Sir habang papasok ito sa offiice niya at dinadaanan ang mga employees niya na mukhang walang ibang nakikita kundi ang nag g-glow niyang hitsura na akala mo isang bituin na kumikinang-kinang pa sa mata.

The white sleeves na naka unbotton ang dalawang botones na pinatuang ng suit na binagay sa suot niyang sleeves tapos yong buhok niya sobrang agaw pansin ang bagong haircut niya at bagong ahit siya ng balbas. Grabe, pakiramdam ko nauhaw ako bigla.

Besh, mas malala ka pang mag pantasya sakin hu?” bigla akong natigilan nung magsalita si Cicil nakabalik na pala ito mula sa pagpapantasya niya “Anong sinasabi mo?” kunwari wala akong alam “Aysus, papalusot pa siya oh' style mo bulok. Kitang-kita na naglalaway ka din kay boss yum–” bigla kong tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay ko para hindi nito ituloy ang dapat sasabihin lalo pa't malapit na sa direksyon namin si Kean.

“Ano ba? Nasisiraan ka na ba ng bait? Hilig mo kasing mag inbento ng kwento.” gigil na sabi ko sabay bitaw sa kanya “Denial ka kasi, ang sabi mo wala kang mararamdaman sa kanya tapos kung makapag react ka dinaig mo pa ang maharut. Yong mata mo halos lumuwa na, kulang na nga lang tumulo yong laway mo mapapagkamalan ka ng baliw.” “Aist, kahit kailan baliw ka, mali talaga yang  iniisip mo o baka naman malabo na yang mata mo? Magpatingin kana kaya sa doktor.” “Beshy, pwede ba, lukuhin mo na lahat huwah ako. Alam kong tama ang hinala kong gusto mo siya.”panunudyo nito “Anlabo mo naman besh, pati ba naman siya aagawin mo sa akin? Ang sakit hu!” nagkunwari itong naiiyak sabay turo sa dibdib niya.

Haist, baliw na nga tong babaeng to. Hindi lang basta attract yang nararamdaman niya, obsession na. Nakakatakot pag nagtagal’ pabulong kong sabi pero mukhang narinig niya. “Ui kahit naman obsess ako kay boss yummy hanggang pagpapantasya lang naman ang kaya kong gawin hindi tulad mo mas malala kung magpakita ng nararamdaman, kulang nalang kainin mo siya ng buo eh.” napaerap ako bigla “Tss. Kalukuhan! Wala akong nararamdaman sa kanya maliwanag?” pangtataboy ko.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon