Chapter 110:Clossed deal

40 2 0
                                    

Mady pov:

“Nakuha ko na ang tiwala ng kapatid mo pero wala siyang alam sa totoong pagkatao ko. Kaya kung gusto mong maging ligtas ang kapatid mo ipaubaya mo sakin ang tiwala mo at makukuha mo ang assurance ng kaligtasan niya sa mga kamay ko.” namutla ito sa narinig.

“Hindi, layuan mo ang kapatid ko dahil ikaw ang magpapahamak sa kanya.” hindi ko na napigilan ang sarili na magalit dahil sa narinig, patulak ko siyang sinandal sa pader malapit sa may pintuan saka ko inipit ang dibdib gamit ang braso ko ko “Kung gusto mo pang mabuhay ng matagal sumunod ka sa gusto ko. Hindi ako ang kalaban mo kundi ang Chairman. Siya ang magpapahamak sa kapatid mo naiinitindihan mo ba ako?” mabilis ko siyang binitawan nung bumukas ang pinto.


Nagkunwari akong naghuhugas ng kamay, ito naman nakasandal parin sa pader at tila naghahabol ng hininga . At nung lumabas ng isang babae, muli niya akong hinarap “Kung totoo man yang sinasabi mo kahit ayaw kong maniwala, susubukan ko masiguro ko lang ang kaligtasan ng kapatid ko.” seryoso kaming nagkatitigan.

Tinignan ko siya ng maigi sa mata para masigurong tama ang sinasabi nito at nung masiguro ko saka lang ulit ako nagsalita “Good, isa lang ang hihilingin ko.” seryosong sabi ko “Ano? Huwag mong hilinging patayin ang lolo ko dahil hindi ko gagawin yon. Isa akong doktor, at ang trabaho masiguro ang kaligtasan ng pasyente hindi para patayin ang pasyente.” depensa nito.

“Masyado kang matalino para sa bagay na yan.” natatawang sabi ko “Pero hindi naman yon ang hinihiling ko.” saad ko “Eh ano?” kunot noong tanong nito “Huwag mo akong tawaging Kristine Cassandra Lee, dahil sa mata ng ilan, ako si Mady Lean Santiago.” mas lalong nagusot ang noo nito na halatang naguguluhan sa sinabi ko.

“O mas mainam na magpanggap kang hindi tayo magkakilala if ganito ang hitsurang nakikita mo maliwanag? Hindi ko sinasabi to para sundin mo ang gusto ko gawin mo yon dahil yon ang nararapat.” napalunok ito ng sunod-sunod “Okay payag ako, mas mainam na isipin kong hindi tayo magkakilala if nasa labas tayo ng hospital.” “Good, madali ka naman palang kausap.” ngising sabi ko.

“Pero pwede ko bang malaman kung paano at bakit ka naging sekretarya ng kuya ko kung wala kang masamang binabalak? Pwera nalang kung isa kang agent. ” tinapik ko lang siya sa braso “Kung may duda ka, puntahan mo ako sa lugar ko basta ang usapan natin gawin mo. Ayaw kong may utang na loob sa kausap kaya umayos ka. Marunong akong magbayad sa inutangan ko at nagkukusang loob akong magpatawad at himingi ng tawad sa mga taong minsan akong nagawa ng mali. Kaya kung may tanong ka, tawagan mo lang ako.” matapos kong sabihin yon na una na akong lumabas dahil hindi pwedeng magtagal kami sa loob ng banyo habang si Kean nababaliw kakaisip paano niya ngayon kukumbinsihin ng wala ang share holder na pag-aari ko na bago pa nya makuha.

“Ba't ang tagal mo?” untag ni sir nung makapasok ko ng VIP room “Siya ba ang business partner mo.” sabi ni Miguel Chua saka ako tinignan pababa “It's me, not her.” biglang sulpot ni katelyn mula sa likuran ko. Alam kong hindi madaling makuha ang tiwala nito pero gagawin ko ang lahat para makuha yon, dahil alam kong isa din siya sa mga kahinaan ng Chairman. Napag-alaman ko kasing siya dapat ang maging CEO kaso hindi fit sa kanya ang posisyon kaya pinauwi si kean sa pinas ayon  sa salaysay ni Floyd. Isa sa kanila ni Bryan Casfer ang pinagpipilian, at balita ko dahil sa may nabuntis ito kaya tinakwil siya pero duda akong yon lang dahilan kaya siya tinakwil. Alam kong ayaw ng Chairman na madungisan ang pangalan niya kaya si kean ang kinuha niy as CEO dahil alam niyang wala itong alam sa totoong ugali niya dahil lumaki ito sa ibang bansa kaya iniisip ni Kean na mabait at walang bahid ng anumang kasamaan ang lolo niya.

“Sa palagay ko sir, kailangan niyong ipagkatiwala ang share holder niyo sa CEO ng medines empire. Bukod sa maganda itong humawak sa business alam kong magiging secured ang pera mo at higit sa lahat may assurance kang makukuha, yong benefits mo para sa asawa mo.” biglang singit ko dahil sa tingin ko imbis na tulungan si Kean ng kapatid niyang kumbinsihin ang lalake isa rin pala itong bugnutin gaya ng kuya niya dahil nakipagbangayan lang ito.

“Kung ayaw niya, di wag!” see? Ganun ang sagot niya.
“Here's the benefits you can get if benenta mo ang shares mo.” sabay abot ko ng papel sa kanya “Isa pa, hindi ba't kaya ka nakipag meeting sa CEO ay dahil ibibinta mo ang shares mo? So bakit biglang nagbago ata ang isip mo?” dagdag ko pa. Tinitigan ko sa mata si Miguel, maging ito ganun din sa akin.


Gusto kong malaman mong ako to!

Yon ang sinisigaw ng utak ko habang nakikipag titigan ako sa kanya. “Yes, she's right. You call earlier, kasi sabi mo ibebenta mo ang shares mo. Tapos ngayon babawiin mo bigla? Hindi pwede yon, i'm a busy person at nasayang ang oras ko para lang tanggihan mo? This is bullshit!” inip na sabi ni Kean “Its okay sir, nilalaman ng papel na yan ay siguradong hindi niya matatanggihan.” pabulong kong sabi kay Kean nung malapitan ito.

After a minute, “The deal is clossed. Maganda ang benefits na makukuha ko after all. So, payag na ako. Magpirmahan na tayo.” nagningning bigla ang mata ni Kean sa narinig pero ang kapatid niya mukhang hindi parin nagsisink in sa utak niya ang pinag-usapan namin kanina.


.

.

Matapos ma i-clossed ang deal, at nakuha ni Kean ang shares, bumalik kami ng office, si Katelyn naman cold na nagpaalam pabalik sa trabaho niya. Kita sa mukha ni kean na masaya siya sa natanggap ngayong araw.
Hindi ko alam pano ipapaliwanag yong galak na nararamdaman niya at nakakakunsensiya yon. Dahil pagkarating namin sa office sinabihan niya ang lahat na, sabay-sabay kaming lalabas dahil it-trate niya ang lahat. Mag-iinuman kami.

Bago paman ako makapagreak inakbayan na niya ako, saka ginulo ang buhok ko na parang bata matapos ay hinila niya ako palabas habang nagkanya-kanya namang sumunod ang mga katrabaho ko sa isang Korean restaurant dahil yon ang requests ng ilan.


Nag order na ang lahat, at sobrang excited at masaya sila, magkatabi naman si Kean at Rebecca na sobrang sweet habang  masayang nagkkwentuhan ng kung anu-ano.
Pakiramdam ko sa mga oras na yon, hindi lang si Grace ang karibal ko maging si Ms. Ong din.
“Besh, hinay-hinay lang. Kumakaen palang ang lahat, ikaw lasing na.” bigla akong natigilan nung magsalita si Cicil. Tinunggaan ko pala ang bote ng suju, hindi ko na nga alintana ang pait at tapang nito.

Lumipas ang mga sandali, masaya ang lahat habang nag iinuman. May kumakanta, sumasayaw, samantalang ako pakiramdam ko nadudurog ang puso ko. Hindi ko na kayang makita siyang masaya pero hindi dahil sa akin kundi sa iba.
Nasasaktan akong makita siyang masayang nakikipag kwentuhan kay Ms. Rebecca.

“Besh, kanta saway tayo?” pag aalok ni Cicil umiling ako dahil pakiramdam ko umiikot na ang mundo ko dahil sa dami ng nainom at hindi ako nakakaen dahil sa nagseselos ako. “Besh kanta nalang kaya tayo.” hindi ako umimik bagkus ay tumayo ako at tumakbo palabas.
Naririnig ko ang boses nito pero hindi ko na kaya, para akong sasabog sa sobrang bigat ng nararamdaman.

Tumakbo lang ako palabas, alam kong may nakasunod sakin pero hindi ko pinansin at nung makalabas na ako, hindi ko na napigilan ang sariling hindi masuka at buti nalang nasa likuran na ito ng building sa mini garden nila.

Sumuka lang ako ng sumuka, sobrang sama na ng lasa ng sinusuka ko. Sobrang pait at halos wala na akong lakas kakasuka. Nanghihina na ako pero bago paman ako mawalan ng ulirat, may kamay ng sumalo sakin at hindi ko alam kong sino yon basta ang alam ko lang sobra akong nahihilo at hindi ko na kaya pa.


.

.

.

Update:

Yan, iinom-inom
di naman pala kaya😅

Haha
Nagalit!

Surna😉🙊

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon