Chapter 121: Kean's Mom

88 5 1
                                    

Mady pov:

Flashback...

Iuuwi na kita sa bahay mo?” tila naiilang na tanong ni Bryan. I just nod  saka ibinaling ang atensyon sa labas ng sasakyan “Hindi ko alam na nagkaroon ka pala ng ibang karelasyon maliban sa akin.” tila nagseselos na sani niya.

G**o, hindi ako si Kris Chinei na kaya mong uto-utuhin. Pareho kayo ng pinsan mong mayabang na yon, akala mo sinong gwapo para pag sabay-sabayin ang tatlong babae sa buhay niya. Akala ata ng Kean na yon, palalampasin ko ang ginawa niyang pangluluko sa akin.

Never!

Nakikinig ka ba?” “Huh?” tila kababalik ko lang sa realidad nung magsalita ulit si Bryan, lumipas ang ilang sandali ng hindi ko namamalayan, kinakausap niya pala ako pero para naman siyang walang kausap. Ayon pa sa salaysay niya.

“Alam ko namang hindi madaling magpatawad Kris, pero hindi ako susuko. Darating ang isang araw na mapapatawad mo rin ako.” buntong-hiningang paliwanag niya “Mag drive ka nalang at huwag mo na akong dadalawin pa kahit kailan.” cold na utos ko habang nakatingin parin sa labas. “Hindi ko pwedeng gawin yon. Hindi ko kakayaning mawala ka pa.” napatitig ako sa mukha niya, dun ko lang narealize kong gaano kabigat para sa kanya na layuan ako at marinig ang bawat salitang binibitawan niya.

“Alam kong gago ako, at hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para maipaglaban ka” Bakit dahil duwag ka? Yon ang sumisigaw sa isipan ko pero mas pinili kong manahimik at hayaan itong makapagpaliwanag na kunwari apektado, isa pa matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya ang mga katagang yon. “I'm so sorry.” halos mauntog pa ako sa unahan sa lakas ng impak, bigla siyang nag preno para ihinto ang sasakyan buti nalang at ligtas na lugar na at medyo malayo na sa mga kabahayan.

Ilang sandali kaming nanatiling tahimik, nanatili kami sa kanya-kanya naming sitwasyon. Nakaupo, habang ang mga mata'y straight na nakatingin sa labas ng salamin na bintana ng kotse na nasa unahan.
“Bakit hindi mo ako nagawang lumaban manlang?” sa huli mas pinili kong basagin ang katahimik, isang malalim na buntong hininga ang dinig kong pinakawalan nito na para bang hirap na hirap siyang magbitaw ng impormasyon.

“Dahil yon ang tama.” naikuyom ko ang kamao, dahil sa temperasyong init ng ulo na nararamdaman ko, nagsimula na naman akong atakihin ng sumpong. Kapag hindi ako nakakuha ng matinong paliwanag mula kay Bryan baka makapatay ako ng tao ng wala sa oras.
“Gusto kong marinig ang matinong paliwanag mula sayo na dapat noon ko pa narinig.” pinilit kong tatagan ang loob kahit pakiramdam ko sasabog na ako sa matinding galit dahil sa pagpipigil.

“Sinunod ko ang utos ni Lolo” Ang chairman ba? Gusto ko sanang itanong pero ayaw kong magpahalata, baka pag nagtanong ako ng marami at madulas akong sabihin ang totoong dahilan ng paglapit ko sa kanya. Baka maghinala siya pag nagtanong ako ng kung anu-ano.
“Buong akala ko kasi noon kapag sinunod ko ang sinabi ni Lolo na layuan kita makukuha ko na ang posisyong nais ko ang maging isang ganap na CEO gaya ng pinapangarap mo para sa akin.” kumunot ang noo ko at nanatiling tahimik habang magkaharap kami.

Makikita sa mata ni Bryan na totoo lahat ng sinasabi niya “Nung time na tinawag na ni lolo ang paborito niyang apo na si Kean, hindi ko napigilan ang sariling magalit sa sarili kong kadugo. Alam mo bang umalis ako sa Black Phantum ng dahil din kay Lolo.” mas lalo akong na excite na malaman ang totoong dahilan niya.
“Dahil ayaw ni lolo na muling magkaroon ng ugnayan ang pamilyang Lee at Medina.” “Why?” intirisadong tanong ko “Minsang binuo ang society na ganster group stands for Black Phantum under code names with their code numbers. Yon ang dating gangster group at binago ang mga code name nung time na nalipat sa pangangalaga ng mga anak ng nagtayo ng gangster group. Pero kailanman hindi naging sang-ayon si Lolo sa anumang pamamalakad ng mga magulang mo lalo na ang daddy mo.” naikuyom ko lalo ang kamao saka ako tumawa ng mahina to avoid the anger I felt right now.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon